Mga Dahilan ng Poot ng Diyos, Ika-2 Bahagi
Roma 1:22-23

Panimula


Pagtalakay


* Ang ikatlong dahilan kung bakit napapawalang-sala ang Diyos na hatulan ang tao…

III. Mga Pangangatuwiran (Rationalization) – t. 22
    Napapawalang-sala ang Diyos na hatulan ang tao dahil nangangatuwiran ang tao na kaya niyang makapag-isip ng mga tamang pagpapasiya, kahit na tinanggihan niya ang pinagmumulan ng katotohanan. Kapag ang isang tao ay ayaw nang tumanggap ng katotohanan, sinisira na niya ang kanyang kakayahang makapanuri. Natural na sasabihin pa rin niya sa sarili na siya’y maalam kahit na tinalikuran na niya ang Diyos ng kaalaman. Hindi kataka-taka na mapipilitan na siyang mangatuwiran; sino nga ba naman ang kusang-loob na aamining siya’y naging hangal at nagawa ang pinakamatinding pagkakamali ng buong buhay niya?
    Nakalulungkot na pati mga Cristiano ay nalilinlang ng pananakot ng mga nasa sanlibutan na hindi makisabay sa pansariling katotohanan at ikinumpromiso ang ganap na katotohanan ng Diyos.

A. Malagay sa Kompromiso

1. EBOLUSYON
Matagal na ring panahon na natangay ng pananakot ng mga pilosopo ang mga Cristiano kaya raw ipaliwanag ng teorya ng ebolusyon ang mga lantad na kaibahan ng siyensiya at siyensiya.

2. LIBERAL NA TEOLOHIYA

a. Marami nang paaralan at iglesya na nasira ng teolohiya ng mga liberal, sapagkat natakot sila sa mas higit na taas ng antas ng kanilang kaalaman.

b. Nangyari ito dahil nang magsimulang hindi na makinig ang tao sa Salita ng Diyos, napagisip-isip niya na kailangan niyang makinig ngayon sa pilosopiya ng tao; at ang naging bunga nito, naipagpalit ng di-mabilang na mga Cristianong institusyon ang ganap na katotohanan ng Diyos sa kasinungalingan at hinating-katotohanan.

3. SIKOLOHIYA

a. Iniisip ng tao ngayon na kayang sagutin ng sikolohista ang lahat ng problema ng tao.

b. Ang problema, kung walang kapahayagan ng Diyos, kaya lamang nilang harapin ang mga sintomas ng mga problema ng tao imbes na ang ugat at tunay na dahilan --- hindi tama ang relasyon ng tao sa kanyang Manlilikha.

B. Paghaharap

1. Tandaan ninyo ito: laging kabangga ng pilosopiya ang mabuting balita --- ang kaalaman ng tao laban sa kaalaman ng Diyos.

2. Niliwanag ito ni Pablo sa 1 Corinto 1:17-21, 25a.

3. Huwag tayong patakot sa kaalamang makasanlibutan, dahil wala pa itong ganap na nabago ang buhay o nakapagligtas sa tao mula sa kanyang patuloy paglugmok.

* Ang ika-apat na dahilan kung bakit napapawalang-sala ang Diyos na hatulan ang tao…

IV. RELIHIYON (t. 23)
Ang relihiyong liban sa Diyos ay hindi nakapag-angat sa kalagayan ng tao upang matagpuan ang Diyos, kundi…

A. Paglugmok sa Pagsamba sa Diyus-diyusan
Sabi ni Voltaire, “Nilikha ng Diyos ang tao ayon sa Kanyang wangis at nagmagandang-loob ang tao na gayon din ang gawin.” Ang pinakamalalang paglapastangan sa Diyos ay ang paglilok ng tao ng mga rebulto ng mga huwad na diyos na kanyang sasambahin. Maliwanag sa Sampung Utos na ang pagsamba sa diyus-diyusan ay…

1. IPINAGBABAWAL NG DIYOS

a. Basahin ang Exodo 20:1-5. Ano daw ang bawal?

1) Huwag magkakaroon ng ibang diyos;

2) Huwag magkakaroon ng diyus-diyusan na gawa sa anumang wangis o hugis.

b. Sinusugan ito ni Jesus sa Marcos 12:29-30. Sa madaling salita, kung ganap kang nakatalaga sa tunay na Diyos, ganap din na wala nang lugar pa sa iyong buhay ang ibang diyos.

c. Kapag ang tao raw ay nagiging relihiyoso nang liban sa tunay na Diyos, nilalapastangan nila ang pamantayan ng Diyos. Nais ng Diyos na Siya ang una sa lahat ng bahagi ng ating buhay.

d. Naibigay mo na ba sa Manlilikha ang pang-unang kalagayan sa iyong buhay?

2. GINAWA NG ISRAEL

a. Nakakalungkot na hindi binigyan ng pang-unang kalagayan ng Israel ang kanilang Manunubos. Nagsugo pa nga ang Diyos ng mga propeta upang sila’y balaan at magsisisi sa kanilang mga masasamang gawain (1 Hari 17:14-16).

b. Ganito ang kalugmokan ng tao na tinatalakay natin sa Roma 1. Datapuwa’t inihayag ng Diyos ang Sarili sa Israel, tinanggihan nila Siya, kaya naman lumugmok na sila sa kapalalulan at pagsamba sa diyus-dyusan.

c. Tandaan, hindi relihiyoso ang tao dahil umaangat ang kalagayan niya sa kanyang pagnanais na matagpuan ang Diyos… siya ay relihiyoso dahil siya ay palayong lumalapastangan sa Diyos patungo sa balon ng pagsamba sa diyus-diyusan.

3. KASINUNGALINGAN NG LIBERAL NA TEOHOLOHIYA

a. Kahit na maliwanag na sinusugan ng Biblia at kasaysayan ang katunayan ng paglugmok ng tao sa pagsamba sa diyus-diyusan, sinasabi pa rin ng liberal na teolohiya na ang tao raw nagsimula sa primitibong porma ng pagsamba sa diyus-diyusan tulad ng animism (pagsamba sa mga espiritu ng hayup, puno at mga ilog at sapa) at totemism (pagsamba sa mga ninuno o anito), umasenso ito ng demonism at polytheism (maraming diyos), at nagtapos sa monotheism o pagsamba sa iisang diyos.

b. Kaya nga tinatatanggihan nito (liberal na teolohiya) na si Moises ang sumulat ng Pentateuch. Sinasabi ng liberalismo na ang paniniwala sa iisang Diyos ay sumibol sa panahong mas nauna pa kay Moises.

4. IPINAHAYAG NG MGA MATATANDANG MANUNULAT
Kung ang daigdig ay nilikha sa kalagayang perpekto, malinaw na ang magiging konklusyon ay ang tao ay palugmok dahil sa kasalanan. Narito ang mga tumetestigo ng paglugmok ng tao papunta sa pagsamba sa diyus-diyusan…

a. Labas sa Biblia

1) Varro… sinabi niya na ang mga Romano ay wala hayup o taong idolo ng isang diyos sa loob ng 170 na taon pagkatapos na matatag ang bansang Roma.

2) Herodotus…sinabi niya na ang mga taga-Persia (ngayon ay Irag) ay walang mga templo o mga rebulto bago pa sa paghahari ni Artaxerxes I.

3) Lucian… ay pareho ang patotoo para bayan ng Grecia at Ehipto patungkol sa mga rebulto.

4) Eusebius… binuo niya ang teorya ng matandang panahon nang sabihin niya, “…ang pinakamatatandang kalipunan ng tao ay walang mga rebulto.”

5) Horace… habang tinatawanan ang kahangalan ng pagsamba sa diyus-diyusan, ay sumulat na, “Mula ako sa katawan ng puno ng igos, isang walang-pakinabang na kahoy. Nag-isip ang manlililok, “Gagawa kaya ako ng upuan o isang diyos?” Pinili niyang lumilok ng diyos, at kaya naman ako ngayon ay isa nang diyos.”

b. Sa Biblia
    Nakatala sa Isaias 44:6-20 ang sakdal ng Diyos sa kalokohan ng pagsamba sa diyus-diyusan: “Ang sabi ni Yaweh na Makapangyarihan sa lahat, Hari at Tagapagligtas ng Israel: Ako ang simula at siya ring wakes, walang ibang Diyos maliban sa Akin… mayroon pa bang Diyos maliban sa Akin? Walang kuwentang tao ang mga gumagawa ng rebulto; at walang kabuluhan ang mga diyus-diyusang kanilang pinahahalagahan. Mga bulag at mga hangal ang sumasamba sa mga ito, kaya sila’y mapapahiya. Walang idudulot na mabuti ang paggawa ng mga rebulto para sambahin. Tandaan ninyo, ang sumasamba sa mga ito ay mapapahiya lamang. Ang gumagawa nito’y tao lamang, kaya, magsama-sama man sila at Ako’y harapin ay matatakot din at mapapahiya.”
    Nakita natin kung gaano ka-relihiyoso ang tao, at kapag tinatanggihan niya ang tunay na Diyos, walang paltos na lilikha siya ng kanyang sariling diyos. Hindi ito nangangahuhulugan na lagi siyang sasamba sa diyus-diyusang gawa sa rebulto. Maari rin siyang sumamba sa mga idolong di-nakikita sa panlabas.

B. Ang Dinidiyos sa Pagsamba sa mga Diyus-diyusan

1. ANG ULTIMONG MGA BAGAY NA SINASAMBA

a. Ang Sarili

1) Dahil nga kumakatha ang tao ng mga diyos na katulad niya, ang sarili niya ngayon ang bagay na sasambahin: “…sila’y lumuluhod sa mga idolong sila na rin ang gumawa” (Isaias 2:8b).

2) Bakit di natin harapin na nangangarap lagi ng tao na makamit ang papuri at kapangyarihan. Kapag sinasamba ng tao ang sarili niyang nalikha, ang pangarap na ito ay nagkakatotoo.

b. Si Satanas

1) Sino ba talaga ang nasa likod ng mga rebulto? Basahin ang 1 Corinto 10:20a.

2) Bakit? Kasi sa iyong pagsamba sa isang rebulto, may demonyo na magkukunwa ayon doon sa diyos na iyong inaakalang naroon at magsasagawa ng mga “himala” upang mapanatili ang iyong pagtitiwala rito.

2. ANG LANTARANG MGA BAGAY NA SINASAMBA

a. “mga nilalang na nagsisigapang”
Alam nyo ba na libong taon na ang nakalipas na may mga taong sinamba na yata ang halos lahat ng uri ng mga nagsisigapang na insekto --- tulad ng mga langaw, salagubang, at mga ahas? May isang uri ng salagubang na sinasamba hanggang ngayon sa bayan ng Ehipto.

b. “mga hayop na may apat na paa”

1) Naalala ba ninyo yaong gintong guya na sinamba ng mga Israelita doon sa paanan ng Bundok ng Sinai (Exodo 32), at ang dalawang toreteng ginto na ginawa ni Haring Jeroboam sa Bethel at Dan (1 Hari 12)?

2) Sumasamba ng buhay na mga toro ang mga taga-Ehipto, at kapag may namatay, ililibing nila ito sa isang malaking sarcophagus. Ang toro ay isa lamang sa 20,000 iba’t-ibang hayop na sinasamba ng mga taga-Ehipto, hindi pa kasama diyan ang araw, buwan at mga bituin.

c. “mga ibon”

1) Ang idolng hugis agila, na sinasamba ng mga Romano, ay naging dahilan ng mainitang pagtatalong panrelihiyon ng mga Judio laban sa mga Romano dahil labag ito sa batas ng kanilang Diyos.

2) Ang mga Indian ng Amerika ay sumasamba ng mga ibon, at inilalagay ang mga idolo nito sa kanilang mga totems.

d. “larawan ng mga taong may kamatayan”
Ang mga diyos ng Grecia at Roma ay makatao sa kanilang mga katangian ayon sa patibay ng kanilang mga mitolohiya. Di nga ba’t batas sa kaharian ng Roma ang pagsamba sa Emperador?

C. Ang Tadhana ng Pagsamba sa Diyus-diyusan

1. Kapag binura ng taong relihiyoso ang Diyos sa kanyang buhay, wala nang natitira sa kanya kundi ang sarili.

a. Nagiging bunga nito ay ipapalit niya ang sarili na kanyang sasambahin o maghahaka-haka siya ng isang diyos kapalit ng tunay dapat paglaanan ng pagsamba.

b. Hindi lang iyan ang kalapastanganan ng tao, karamihan pa sa kanila ay di nalalaman na ang sinasamba na pala nila ay ang diyos ng sanlibutang ito --- si Satanas (cf. 2 Corinto 4:4; 11:14).

2. Kaya naman nakatadhana na sa taong sumasamba sa diyus-diyusan ang kawakasan ng kanyang pagkalugmok na patungo sa mas kasumap-sumpang kalagayan

a. Inilarawan ni Pablo sa Roma 1:24-32 ang kasumpa-sumpang kalagayan ng tao sa lahat uri ng kasamaan at kabuktutan.

b. Pinarusahan na sila ng Diyos sa pagpapabaya Niya sa kanila sa lalong pagkalubog sa kasalanan. Pansinin na tatlong ulit mababasa ang: “Kaya hinayaan na sila ng Diyos…” (t. 24a); “…hinayaan sila ng Diyos sa mahahalay na pita.” (t. 26a); at saka, “…hinayaan sila ng Diyos sa kanilang masamang pag-iisip…” (t. 28b).

Pagtatapos

A. Ang Kagalakan ng Diyos

1. Hindi nagagalak ang Diyos sa kaparusahan, kundi sa kahabagan…

a. 2 Pedro 3:9b, “Binibigyan Niya ng pagkakataon ang lahat na makapagsisi at magbalik-loob sa Diyos, sapagkat hindi Niya nais na kayo’y mapahamak.”

b. Ezekiel 33:11, “Sabihin mong ipinasasabi Ko na Akong si Yahweh, ang buhay na Diyos, ay hindi natutuwa na ang sinuma’y mamatay sa kanyang kasamaan; ibig Kong siya’y magbagong-buhay sila pagkat di sila dapat mamatay sa kanilang kasamaan.”

2. Hindi rin naman palalampasin ng Diyos ang kasamaan ng mga taong ayaw manumbalik sa Kanya. Ipinakita ng Panginoong Jesus ang tunay na ugali ng Diyos sa mga matitigas ang ulo…

a. Lukas 13:34, “Jerusalem, Jerusalem! Pinapatay mo ang mga propeta at binabato ang mga sinugo Ko sa iyo! Makailan Kong sinikap na kupkupin ang iyong mga mamamayan, gaya ng paglukob ng isang inahin sa kanyang mga sisiw, ngunit ayaw mo.”

b. Lukas 19:41-44, “Nang malapit na Siya sa Jerusalem at matanaw Niya ang lungsod, ito’y Kanyang tinangisan. Sinabi Niya, `Kung nalalaman mo lamang sa araw na paligiran ka ng kuta ng iyong mga kaaway, kukubkubin at gigipitin ka sa magkabi-kabila. Wawasakin ka nila, at lilipulin ang mga anak mo sa loob ng iyong moog. At ni isang bato’y wala silang iiwan sa ibabaw ng kapwa bato, sapagkat hindi mo pinansin ang pagdating ng Diyos upang iligtas ka.’”

B. Ang Pasiya ng Tao

1. Hindi ninyo kinakailangan danasin ang poot ng Diyos. Maaari mong tawagin ang Panginoong Jesu-Cristo at maligtas mula sa poot na ito ng Diyos… ngayon din.

2. Kung hindi mo sasambahin ang tunay na Diyos, nagkasala ka na at pagbabayaran mo ito ng walang hanggan sa impyerno.

3. Nasa sa iyo ang pasiya. Kahit na relihiyoso ka pa, hindi ka niyan mapapalapit man lamang kahit kaunti sa Diyos… sa katunayan, lalo ka pa nga nito napapalayo.

Ipinangaral ni Pastor Larry John Sy sa Disciples of Christ Comunity Church
(Hinalaw mula sa Komentaryo ni Dr. John MacArthur, Jr.)

©2011 The Expositor.Org. All rights reserved. Since September 1999.