Home Divine Call Men in Action Trends Resources Translations Download Free Study Notes Conference Notes MP3 Audio Membership

Ang Poot ng Diyos
Roma 1:18

Panimula


Sinimulan ngayon ni Pablo na buksan ang detalye ng mabuting balita ng Diyos kung saan nahahayag ang Kanyang katuwiran (tt. 16-17).

A. May Preparasyon

1. Ang mensahe ng mabuting balita ay nagsisimula sa mga pangungusap tungkol sa poot ng Diyos: "Nahahayag mula sa langit ang poot ng Diyos, laban sa lahat ng kalapastanganan at kasamaan ng mga taong sumusiil sa katotohanan sa pamamagitan ng kanilang kasamaan."

2. Para kay Pablo, takot ang unang dapat na ipagdiinan para sa mga masasamang tao. Ito'y kabaligtaran sa mga uri ng pagpapahayag ng mabuting balita ngayon.

3. Tunay ngang mahirap na paksa ang poot ng Diyos kung ito ang siyang unang pambungad na pangungusap sa mga tao tungkol kay Cristo; subalit ito nga ang karapat-dapat na pasimula at paghahanda upang maipahayag ang kagandahang-loob ng Diyos.

B. Sa Pananaw ng Tao

1. Hindi mauunawaan ng tao ang pag-ibig ng Diyos hanggat di nila nauunawaan ang poot ng Diyos…. pati

a. Kanyang kagandahang-loob sa Kanyang kautusan;

b. Sa kapatawaran Niya at ang kabayaran sa kasalanan.

2. Hangga't di namamalayan ng tao ang tindi ng panganib na kanilang kinalalagyan sa poot ng Diyos, hindi sila malalagay sa ipit na situwasyon upang magbago.

3. Kung walang pagkapoot at galit ang Diyos, hindi Siya maaaring maging Diyos.

a. ganap ang pag-ibig ng Diyos sa isang banda at ganap din ang Kanyang poot;

b. Sabi ng Hebreo 1:9 tungkol kay Cristo, "Kinalulugdan Mo ang paggawa ng matuwid, ngunit ang pagsuway ay kinamumuhian…"

c. Paboritong konsepto ang pag-ibig at grasya ng Diyos, subalit wala silang kahulugan kung ang ang Diyos ay di-napopoot.

C. Nangingibabaw na Katuruan sa Bibliya

1. Sa Lumang Tipan

a. Awit 2:1-5, 12a

b. Awit 76:6-9

c. Isaias 9:19a

d. Ezekiel 7:19b
* marami pang halimbawa ng poot ng Diyos sa Lumang Tipan lalo na: sa dating sanlibutan na winasak ng malaking pagbaha (Gen. 6-7); sa mga tao sa tore ng Babel (Gen. 11); sa bayan ng Sodom at Gomorrah (Gen. 19)…etc.

2. Sa Bagong Tipan

a. Juan 3:36

b. Roma 9:22

c. Efeso 5:6

d. 2 Tesalonika 1:7b-9
* mukhang hindi talaga magandang pasimula ito sa pamamahayag ng mabuting balita! Ngunit paano mga mauunawaanang mabuting balita kung hindi matanggap ng tao ang masamang balita – ang poot ng Diyos!

D. Bilang Kaparusahan

1. Kasamaan ng tao ang pumipigil na mahayag ang katotohanan at tuloy sila'y napapasailalim sa poot ng Diyos; wala silang kakayahang bigyang katuwiran ang sarili…

a. Roma 3:23

b. Efeso 2:1-3

2. Sa katotohanan, nasentensyahan na ang tao patungong impyerno bilang mga "taong kinapopootan sa ilalim ng paghahatol ng Diyos."

Pagtalakay


* May anim na katangian ang poot ng Diyos ayon sa t. 18

I. Ang Katangian ng Poot -- "ang poot ng Diyos…"

A. Di-Tulad ng sa Tao

1. Mahalagang sa simula pa ay maunawaan natin na ang poot ng Diyos ay maka-diyos (divine).

a. Ibig sabihin, hindi ito pareho ng galit ng tao.

b. Ang ating galit ay laging may kasamang kayabangan o pride

2. Ang bugso ng damdamin na tinatawag nating galit ay palaging pagpapakita ng masamang puso ng tao. Kaya't di marapat na ikumpara natin ang ating galit sa poot ng Diyos.

3. Sapagkat ang poot ng Diyos ay hindi makasarili at di-kapritsoso.

B. Tanging sa Diyos Lamang
Ang ganap at dalisay na poot ng Diyos ay nahahayag sa …

1. Kabanalan – katulad ng bawat katangian ng Diyos, ang poot ng Diyos ay kasing-perpekto ng Kanyang kabanalan.

a. Sa katunayan, ang Diyos ay di-maaaring maging Diyos at maging banal, at maging mabuti---kung hindi Siya tutugon sa kasamaan. Hinihingi ng Kanyang kabanalan na hindi Niya palampasin ang kasamaan.

b. Ayon sa Habakkuk 1:13a – "Ikaw ay banal, ayaw Mong tumingin sa kasamaan. Hindi Mo matatagalang tingnan ang kalikuan."

1) At dahil sa ating relasyon sa Diyos, mas lalo kang nagiging maka-diyos, mas lalo kang napopoot sa mga bagay na laban sa kabanalan ng Diyos.

2) Halimbawa--- Awit 69:9

c. Natatandaan ninyo ang Juan 2:13-17? Ito rin ang unang ginawa ni Jesus sa mata ng publiko! Hindi ito magandang panimula ng ministeryo di ba?

2. Katarungan – ang poot ng Diyos ay laging perpekto

a. Sabi ni Jeremias sa Panaghoy 1:18, "Nasa panig ng katuwiran si Yahweh…" Ibig sabihin, makatuwiran daw ang pagpaparusa ng Diyos sa bayang Israel nang sakupin ito ng Babilonia, dahil sa kanilang paglabag sa Kanyang mga utos.

b. Basahin ang Josue 7:19-25. Makatuwiran ba ang pagpatay sa buong mag-anak ni Achan?

1) Paano naluwalhati ang Diyos sa pag-amin ni Achan ng kanyang pagkakasala?

c. Maliwanag dito na ang pag-ibig ng Diyos at ang Kanyang poot ay di-maaaring paghiwalayin.

II. Ang Panahon ng Poot (… nahahayag…)

A. Pinaliwanag

1. Ang salitang "nahahayag" ay may tema ng pagpapatuloy. Ang mas mabuting salin ay, "patuloy na nahahayag."

2. Nangangahulugan din ito ng paglalantad, pagpapakilala, mula sa pagkakatago na ngayon ay inilalabas.

B. Inilarawan mula Kasulatan

1. Unang nahayag ang poot ng Diyos sa hardin ng Eden nang magkasala sina Adan at Eba (Genesis 3:14-19)—

a. Pinagtiwalaan ang salita ni Satanas kaysa sa Diyos;

b. Agad-agad ay nahatulan sila ng kamatayan at sa susunod nilang salin-lahi;

c. Pati kalupaan ay sinumpa at kinailangan na silang magsaka upang makakain.

2. Nalantad din ito sa malaking pagbaha (Genesis 6:5-17) nang ubusin ng Diyos ang buong sangkatauhan liban sa wawalong tao!

3. Sa pagkakagunaw ng Sodom at Gomorrah (Genesis 19).

4. Nahayag din ito sa pagkakatatag ng sistema ng pagsasakripisyo ayon sa Tipan ni Moises (Hebreo 9:19-22).

5. Ang pinakahigit sa lahat ng kapahayagan ng poot ng Diyos ay ang pagdurusa at pagkakapako ni Cristo (Galacias 3:13). Dito ganap na naibuhos ng Diyos ang Kanyang poot sa kasalanan --- sa kamatayan ni Cristo sa krus.

C. Ito ba'y Nabalam Ngayon?

1. Nagtataka siguro kayo kung bakit ang daming masasamang tao na lalo pa yatang umaasenso at lalo pang lantaran ang paggawa ng masama!

2. Ano ang sinabi ni Pablo sa Roma 2:5? Ano nangyayari sa poot ng Diyos?

3. Basahin ang Awit 9:16a. Paano raw nakikilala ang Diyos?

III. Ang Pinagmumulan ng Poot ng Diyos (… mula sa langit…)
* Saan nagmumula ang Kanyang poot? Mula mismo sa trono ng Diyos! Paano?

A. Sa Kaayusang Moral

1. Mga Batas Pisikal
* Nang likhain ng Diyos ang daigdig, kasama dito ang mga batas ng kaayusan na kapag nalabag ay may katumbas na resulta.

a. ang batas ng "gravity" o kabigatan – kapag tumalon ka sa isang mataas na gusali, kahit ano pa ang iyong paniniwala, nais gawin o mangyari, tiyak na pabagsak ka na.

b. Ang batas ng lakas at pagbilis – subukan mong banggain ang isang dingding na gawa sa semento sa bilis na 80 kph.

2. Mga Batas na Moral

a. Roma 3:5 --- nawawala ba ang katarungan ng Diyos kung parurusahan Niya ang mga di-matuwid?

b. Roma 5:9 --- puwede palang makatakas sa poot ng Diyos; paano?

c. Roma 12:19 --- kung mayroon mang pang-aapi na naganap laban sa atin, sino ang gaganti?

d. 2 Tesa. 1:10 --- may katuturan ba ang ating pananalig sa araw ng pagbabalik ng Panginoon?

B. Personal na Pakikialam ng Diyos

1. Ipinaliwanag ito

a. Ang Diyos ay hindi isang lakas o kapangyarihan lamang na lumikha ng mga batas at pagkatapos ay iniwanan nang kumilos ang lahat;

b. Ang Diyos ay kasali, sumasali, nakikialam ng personal sa Kanyang mga nilikha!

2. Mga termino na ginamit sa Luman Tipan na nagpapakita ng damdamin ng Diyos ---

a. Charah --- 92 ulit na nabanggit at ang ibig sabihin ay "nagbabaga, nagliliyab sa galit;" Hal. Genesis 18:30.

b. Charon --- 41 ulit na binanggit at ang ibig sabihin ay "nag-aapoy, umaalimpuyong poot;" Hal. Exodo 15:7

c. Qatsaph --- 34 ulit na binanggit at nangangahulugan ng "mapait na kalooban;" Hal. Deutoronomio 1:34.

d. Chemah --- may kinalaman sa pagseselos, paninibugho na parang kamandag sa tindi; Hal. 2 Hari 22:13.

3. Ipinahayag sa Kasulatan

a. Basahin ang Awit 7:11. Ano ang nakikita mo sa asal ng Diyos sa kasamaan?

b. Nahahanda ba Siyang magparusa o hindi? Bakit?

IV. Ang Lawak at Katangian ng Poot ng Diyos (…laban sa lahat ng kalapastanganan at kasamaan ng tao…)

A. Sa Lawak

1. Napopoot ang Diyos sa lahat na karapat-dapat na tumanggap nito

a. walang pinipili --- mahirap man o mayaman, matulungin man sa mahihirap o ganid;

b. maliwanag ang sinasabi ni Pablo sa Roma 3:9, 23

c. pati nga ang pinaka-matuwid na tao sa paningin natin ay kapos pa rin sa sukatan ng Diyos.

2. Lahat ay hahatulan ng Diyos, dahil

a. Roma 3:23 --- walang sinumang karapat-dapat sa paningin ng Diyos.

b. Kahit pa ang pinakamabait, pinakamatulungin, …pinakamabait na tao.

B. Sa Katangian

1. Kalapastanganan ang lahat ng nagpapakita ng ---

a. kawalan ng paggalang at pagpupugay sa Kanya;

b. kawalan ng debosyon sa Kanya;

c. kawalan ng pagsamba sa Kanya.

2. Masama ang tao dahil…

a. hindi tama ang relasyon nila sa Diyos, dahil sa masama nilang gawain sa kapwa;

b. lahat ng kasalanan ay laban muna sa Diyos at pagkatapos ay sa Kanyang batas;

c. alam ninyo ba, kasalanan lamang ang kinamumuhian, kinapopootan ng Diyos? Hindi ang mahihirap, hindi ang mga bobo, sira-ulo o matitinong tao.

V. Ang Dahilan ng Poot ng Diyos (…sumisiil sa katotohanan sa pamamagitan ng kanilang kasamaan.)

A. Sumisiil ng Katotohanan

1. Sinalakay ang katotohanan

a. Sa tindi ng pagkakakapit ng kasalanan sa puso ng tao, kaya't sinasalakay na nito ang katotohanan;

b. Ibig sabihin, pinipigil, inililibing o binubura ang kapahayagan ng katotohanan sa isip, salita at gawa.

2. Maaari bang matamo pa ang katotohanan?

a. May mga nagtatanong, paano raw ang mga pagano, lalo na yaong mga nasa kabundukan, na hindi pa naririnig ang pahayag tungkol sa tunay na Diyos?

b. Naroroon din sa kanila ang katotohanan, sapagkat inilagak ng Diyos ito sa kanilang puso nang ang tao'y likhain, ngunit, napipigilan ito ng kinalakhang kultura, paniniwala at sariling katigasan ng ulo.

c. Gaano man kakaunti ang liwanag na maaaring nananatili sa puso ng tao, ginagarantiyahan ng Diyos sa Jerermias 29:13 na kung matiyagang hahanapin ninuman ang Diyos, Siya'y matatagpuan nila.

3. Naiiwasan ba ang malantad sa katotohanan?

a. Basahin ang Juan 3:19-20. Ano ang nakikita ninyong reaksyon ng tao sa liwanag? Likas ba sa kanila ito?

b. Basahin ang Awit 14:1. Ano daw ang tawag sa taong ayaw maniwalang may Diyos? Ano ang ibig sabihin nito?

B. Pananabik na Maibuhos ang Poot ng Diyos

1. Parang isang malaking dam na napupuno na ng napakaraming tubig, na halos nag-uumapaw na at gusto nang sumabog.

2. Ang lahat ng kasalanan ng tao --- nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap --- ay naiipon, naghihintay sa araw ng pagsabog ng matagal nang nagtitimping Diyos.

Pagtatapos

  • Maliwanag na hindi sa iyo napopoot ang Diyos kundi sa iyong pagkamakasalanan. At dahil nga karaniwan na ay ayaw mong bitawan ang iyong kasalanan kung kaya't nakadikit na ito sa iyo. Naihanda mo na ba ang iyong sarili sa tiyakang pagdating ng pagtutuos ng Diyos?
  • Nauunawaan mo ba na may katumbas na kaparusahan ang lahat ng ating kasalanan? Dahil ang Diyos ay banal at makatarungan, hindi Niya maaaring mapalampas ang iyong pagiging sutil at katigasan ng ulo. Saan ka tatakbo at hihingi ng tulong?

Ipinangaral ni Pastor Larry John Sy sa Disciples of Christ Comunity Church
(Hinalaw mula sa Komentaryo ni Dr. John MacArthur, Jr.)

©2011 The Expositor.Org. All rights reserved. Since September 1999.