Ang Tunay na Pamumunong Espirituwal
Roma 1:8-15

Panimula


Pagtalakay


I. Pusong Mapagpasalamat (1:8)
* Ito ang unang tanda ng makadiyos na paglilingkod.

A. Mainit na Relasyon Niya sa Diyos

1. Mas angkop na salin mula sa Ingles ay --- “Nagpapasalamat ako sa aking Diyos…”

a. Walang di-Cristiano na makapagsasabi na may ganito silang kainit na relasyon sa Diyos!

2. Nagpasalamat siya sa pamamagitan ni Jesus---ang tagapamagitan ng tao sa Diyos.

a. Juan 14:6 --- “…Walang makapupunta sa Ama kundi sa pamamagitan Ko.”

b. 1 Timoteo. 2:5 --- “Sapagkat iisa ang Diyos at iisa ang tagapamagitan sa Diyos at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus.”

c. Hebreo 4:16

d. Roma 8:15

B. Malalim na Relasyon Niya sa mga Mananampalataya
“…dahil sa inyong lahat…”

1. Ang kanyang pasasalamat ay walang kinikilingan. Ito’y patungkol sa lahat --- walang itinatangi.

2. Halos lahat ng kanyang mga sulat (epistles) ay may kasamang pasasalamat sa mga mananam-palataya doon sa lugar na kanyang sinulatan---liban lamang sa mga taga-Galacia.

a. Tumalikod kasi sila sa tunay na pananampalataya at sumang-ayon sa doktrina na ang kaligtasan ay nakakamit sa pamamagitan ng mabuting gawa.

3. Pinasasalamatan niya ang mga Cristiano sa Roma dahil sa ang kanilang pananampalataya’y kumalat sa buong daigdig.

a. Ayon sa talaan ng kasaysayan, noong AD 49 pinalayas ni Emperador Claudius ang mga Judio sa Roma sa pag-aakalang lahat sila’y mga alagad ng isang taong ang pangalan ay Chrestus.

b. Dahil sa patotoo ng mga Cristianong Judio, nabuyo ang mga di-Cristianong Judio na lumikha ng mga pagkakahati-hati at nagkaroon ng mga kaguluhan sa buong bayan ng Roma.

4. Ang pananampalatayang tinutukoy ni Pablo ay yaong matibay, matatag at nananatili at hindi yaong unang pagtanggap kay Cristo.

a. Nasusuong sa panganib ang ganitong uri ng pananalig.

b. Maraming iglesya na kilala sa lipunan dahil sa sikat ang kanilang pastor, o kaya’y maganda ang kanilang gusali, o kaya nama’y napakaraming dumadalo sa kanila, o kaya’y mayayaman sila.

c. Ang iglesya sa Roma ay kilala dahil sa kanilang matatag at matibay na pananalig kay Cristo.

C. Kailangan ang Ugaling Mapagpasalamat

1. Walang naidudulot na kagalakan ang paglilingkod na hindi mapagpasalamat.

2. Anuman ang kalagayan ni Pablo (nakulong, inusig, binugbog, atbp.), lagi siyang nakakahanap ng pagkakataong makapagpasalamat.

3. Kasi ang hangarin niya ay mapuri at malugod ang Diyos sa lahat ng kanyang ginagawa at mga gagawin pa.

II. Pusong Nagmamalasakit (1:9-10a)

A. Uri ng Paglilingkod ni Pablo

1. Salitang ginamit ni Pablo sa Griego ay latreuo --- “paglilingkod” ang salin sa Maganda Balita Biblia, ngunit mas nararapat na salin ay “pagsamba.”

a. Palagiang gamit ito sa Biblia kapag ang paglilingkod sa Diyos ang paksa.

b. Ang pinakadakilang pagsamba na maiaalay ng tao sa Diyos ay ang buong-pusong paglilingkod.

c. Tingnan natin ang sinabi ni Pablo sa Roma 12:1

d. Ang ganitong pagpapakasakit para sa Diyos ay tumatangging tumulad sa gawain ng sanlibutan (Roma 12:2).

2. May mga dagdag pang sinabi si Pablo tungkol sa tunay na pagsamba…

a. Filipos 3:3--- “… ang pagsamba natin sa Diyos ay sa Espiritu at na kay Cristo Jesus ang ating kagalakan.”

b. Gawa 27:22-25 --- salaysay ni Pablo kung paano patuloy na iniingatan siya ng Diyos kahit sa barkong malapit nang lumubog; pansinin ang t. 23.

c. 2 Timoteo 1:3 --- dahil buong-puso ang kanyang paglilingkod, malinis ang kanyang budhi.

1) Ang kanyang paglilingkod ay kanyang pagsamba, ang kanyang pagsamba ay kanyang paglilingkod.

B. Pagmamalasakit sa Bawat Mananampalataya

1. Ang pangunahing gawain ni Pablo ay ipahayag ang Mabuting Balita, ngunit di niya kinaligtaan na tugunin ang pangangailangan ng bawat mananampalatayang makatagpo niya.

a. Kanyang binanggit sa 1:10-11, 15; at 15:14, 22, na sumulat siya sa mga taga-Roma na parang isang dayuhan, dahil hindi naman siya ang nagdala sa kanila kay Cristo.

b. Sinabi niyang Diyos ang kanyang testigo kung gaano katotoo na walang tigil ang kanyang pananalangin sa mga kapatiran doon sa Roma.

2. Sa mga kapatiran na kanyang inaalagaan ay tiniyak niya ang patuloy rin niyang pananalangin para sa kanila.

a. 2 Tesalonica 1:11-12

b. Roma 15:30-32

c. Efeso 3:14-19

d. Filipos 1:9-11

e. Colosas 1:9-11

3. Ang laman ng panalangin ni Pablo para sa lahat ng mananampalataya ay ---

a. maging dikit ang kanilang mga puso sa puso ng Diyos;

b. maging sapat na ang kanilang pagka-unawa sa Salita ng Diyos;

c. maging ganap na ang kanilang pagsunod sa kalooban ng Diyos.

III. Pusong May Kusang-Loob at Nagpapasakop (1:10b)

A. Nananalangin Ngunit Ayaw Maglingkod

1. Puno ang iglesya ng mga taong nakikisama sa pananalangin para sa kapakanan ng mga kapatiran, subalit hindi handang magkusa na ihain ang sarili upang maglingkod.

a. Karamihan ay puro na lamang pintas ang ginagawa ngunit ayaw naman na siya mismo ang maging solusyon doon sa kahinaang napansin.

b. Minamabuti pa nga ng iba na magbigay na lamang sila ng salapi para sa misyon kaysa sila mismo ang humayo.

2. Matularan sana natin si Pablo nang gayahin niya si propetang Isaias sa Isa. 6:8, “Narito po ako. Ako ang isugo N’yo.”

B. Nagpasakop sa Kalooban ng Diyos

1. Matagal nang nananalangin si Pablo na makabisita siya sa Roma upang makapaglingkod sa kanila at tuloy siya rin ay mapaglingkuran nila (1:11-12).

2. Ngunit laging nakasukob sa kalooban ng Diyos ang kanyang sigasig sa paglilingkod, kaya nasabi niyang, “…loobin Niya…”

a. Hindi siya naglilingkod ayon sa kanyang naisin at mga panukala, kundi laging ayon sa kalooban ng Panginoon na siya niyang pinaglilingkuran.

b. Halimbawa sa Gawa 21:11-14, nang pigilan siya ng kapatiran dahil sa hula ni Agabus.

3. Napakatanyag ngayon ang panghihingi ng kung anu-ano sa Diyos at para bang isa Siyang utusan na lamang na handang tugunin ang bawat kahilingan ng mga sumasampalataya. Isang kabuktutan at paglapastangan ang ganitong katuruan.

a. May mga taong ang tingin sa sarili ay isa nang mesiyas at lagi nang pangmalakihan ang kanilang mga naisin at panukala sa kanilang mga iglesya. Para sa kanila, ang panukala daw ng Diyos ay higit na mas maliit kaysa sa kanilang mga panukala.

b. Ngunit hindi naging tuon ng pansin ni Jesus ang mga malalaking tao noong panahong iyon o kaya’y abutin ang mga naglalakihan at mayayamang bayan sa daigdig. Pumili lamang Siya ng labindalawang lalaki ay sinanay Niya sa maalikabok, mainit at liblib na lugar.

c. Hindi rin Siya lumikom ng milyun-milyong salapi o nanggamit ng mga kilalang tao upang pakinabangan Niya. Ang tanging pakay Niya ay gawin ang kalooban ng Kanyang Ama sa kaparaanan ng Kanyang Ama at ayon sa panahon ng Kanyang Ama.

IV. Pusong Mapagmahal (1:11)

A. Makapaglingkod ng May Pagmamahal

1. Gustong bisitahin ni Pablo ang mga taga-Roma upang paglingkuran at hindi para mamasyal o magpasarap.

a. Ang sinumang lingkod na ang hangad ay mapuri o magkaroon ng kasiyahang personal sa kanyang gawain, sa malao’t madali ay mabibigo at maaawa sa sarili.

b. Ngunit si Pablo’y walang ibang hangarin kundi maibigay ng buong puso ang kanyang sarili. Basahin ang Colosas 1:28-29 at nang makita ang kanyang hangad sa paglilingkod.

c. Parang inang nagpapasuso ang kanyang pagmamahal sa mga taga-Tesalonica [1 Tesalonika 2:7-9].

d. Ipinadama niya sa mga taga-Corinto ang tunay na pagmamahal niya sa kanila [2 Corinto 12:15].

B. Magbahagi ng Espirituwal na Kaloob

1. Nais niyang magbahagi ng kaloob na makapagpapatibay sa kanila.

a. Hindi tungkol sa libreng kaligtasan ang nais na ibigay ni Pablo at hindi rin tungkol sa mga kaloob ng Banal na Espiritu na kanyang tinalakay sa Kabanatang 12.

b. Ito’y kalakasang espirituwal na makukuha sa kanyang pangangaral, pagtuturo, pagsaway, pag-aliw, pananalangin, pagpapayo at pagdidisiplina.

2. Hindi ito pansarili lamang na kapakinabangan ni Pablo.

a. Hindi siya interesado na kilitiin o bigyang-kasiyahan ang kanilang mga panrelihiyog katanungan.

b. Nais lamang niya silang patibayin na tulad ng sinasabi niya sa Efeso 4:15.

V. May Mababang-loob (1:12)

A. Pakinabang na Kakamtan

1. Nais niyang magkamit din ng espirituwal na pakinabang sa pananampalataya ng mga taga-Roma.

a. Hindi niya iniisip na higit siya kaysa sa iba sa espirituwal na kalagayan; nais pa rin niyang matuto sa uri ng kanilang pananalig.

b. May karapatan naman siyang magmalaki dahil sa napakataas na uri ng kanyang kaalaman sa Salita ng Diyos at sa kanyang kagamit-gamit na pamumuhay, ngunit hindi niya isinaisip ito.

2. Pinaalalahanan ni Pablo ang mga matatandang kalalakihan na ang kanilang paglilingkod sa iglesya ay dapat kakitaan ng pagiging uliran ng kababaang-loob.

a. 1 Pedro 5:2-4

b. Nakapanlulumo na may mga ----

1) pastor o tagapanguna ng mga iglesya na nag-iisip na sila'y hindi na maaari pang matuto lalo na kung mula sa mga nakababatang kapatiran;

2) lalong nakapanlulumo na karaniwan nang iniisip ng mga kapatiran na wala na silang maituturo pa sa ikalalago ng kanilang mga pangulong espirituwal.

VI. Maging Mabunga ang Adhikain (1:13)

A. May maakit na mga di-mananampalataya

1. Hindi lamang upang makabisita siya sa mga taga-Roma kundi upang magkaroon din ng pagkakataon na makapagpahayag ng Mabuting Balita sa mga di-ligtas.

2. Ang pakay ng lahat ng tunay paglilingkod sa Diyos ay ang makapamunga ng ayon sa Kanyang pangalan, ayon sa Kanyang kapangyarihan at para sa Kanyang karangalan (Juan 15:16).

B. Tatlong Uri ng Pagkakagamit ng Salitang "Bunga" sa Biblia

1. Patalinghaga na tumutukoy sa ugali o asal ng Cristiano – bunga ng Espiritu (Galacia 5:22-23)

2. Espirituwal na bunga ng pamumuhay

a. Roma. 6:22

b. Hebreo 13:15

c. Filipos 4:16-17

3. Dagdag na mananampalataya at karagdagang paglago ng mga dating mananampalataya --- Roma 16:5

a. Ito ang uri ng bunga na tinutukoy ni Pablo sa Roma 1:13

b. Gusto niyang makatulong sa ikalalago pa ng mga taga-Roma sa kanilang espirituwal na kaganapan at makaakit pa ng mga di-ligtas at sila'y madagdagan ng bilang, at tuloy lumago rin ang kanilang paglilingkod kay Cristo.

c. Nang sumulat siya mula Roma para sa mga taga-Filipos, bumati siya na kasama ang mga mananampalataya na nasa tahanan ni Cesar.

d. Napakalaking pagpapala sa mga lingkod ng Diyos (pastor, Sunday School teachers, youth leaders, at iba pang Christian workers) na makita ang mga espirituwal na bunga ng kanilang pagpapagal---lalo na sa mga taong nagsisisi at nanunumbalik sa Diyos at sa mga lumalagong kapatiran.

VII. Masunuring Kalooban (1:14)

A. Pananagutan na Makapaglingkod

1. Hindi naglilingkod si Pablo dahil sa personal na kadahilanan o dahil ang gawain ay kaakit-akit----kundi dahil siya'y may pananagutan o obligasyon.

a. Sabi pa nga niya sa 1 Corinto 9:16-17.

b. Bago pa nga naging Cristiano si Pablo ay naging masidhi siyang mang-uusig ng iglesya. Siya ay itinalaga ng Diyos sa gawain bago pa siya nagkaroon na naisin ito.

2. Pababago-bagong gana ng paglilingkod.

a. Bawat pastor o manggagawa ay alam na may mga panahon na ang mismong gawain ay siya nang gantimpala; kapag ang pag-aaral, paghahanda, pagtuturo at pangangalaga ay nakapag-bibigay-siya at sigla.

b. Subalit, may mga sandali naman na hindi ganito ang pakiramdam nila, ngunit kinakailangan pa rin nilang mag-aral, maghanda, magturo at mangalaga dahil may pananagutan sila sa Diyos at sa kanilang pinaglilingkuran.

3. Dalawang dahilan ng pananagutan ni Pablo:

a. May pananagutan siya sa Diyos para sa mga Gentil. Dahil tinawag siya ng Diyos bilang tanging apostol sa mga Gentil, kaya't may pananagutan siyang ipaglingkod sa kanila ang mabuting balita (Roma 1:5; Gawa 9:15).

b. May pananagutan o utang siya sa mga Cristiano sa Roma dahil sa kanilang espirituwal na pangangailangan, ang paglago sa pagkaunawa ng mga aral tungkol kay Cristo at sa mga panukala ng Diyos.

B. Paglilingkod na Walang Itinatangi

1. Kahulugan ng mga terminong ginamit ni Pablo.

a. Parang pinagtapat ang Griego at marurunong – ito ang mga edukado at sosyal na mga tao;

b. Babaro at mangmang – mga walang pinag-aralan at hindi makasabay sa mga sosyal na tao.

2. Sinasabi ni Pablo ang kanyang pantay na pananagutan sa maykaya o wala at sa mga sosyal o hindi.

a. Ang Mabuting Balita ay nakapagpapapantay dahil sa ang lahat ng tao pare-parehong naliligaw at pare-parehong naliligtas nito.

b. Si Jesus mismo ay nagpahayag ng Mabuting Balita sa isang babae, isang samaritana na may kinakasamang lalaki na di niya asawa. Siya ang ginamit ng Panginoon upang maabot din ng Mabuting Balita ang mga kababayan niyang Samaritano at sumampalataya sa Mesias.

VIII. Marubdob ang Naisin (1:15)

A. Sigasig na Makapanglingkod sa Kalagitnaan ng Panganib

1. Tingnan ninyo ang puso niya sa kanyang nais na pumunta rin noon sa Jerusalem kahit may panganib na nag-aabang sa kanya (Gawa 20:22-24)

2. Alam ni Pablo na anumang oras ay maaari siyang mamatay.

a. Filipos 1:21 --- "Sapagkat para sa akin si Cristo ang buhay at dahil dito'y pakinabang ang kamatayan."

b. 2 Corinto 5:8 --- "Malakas nga ang loob kong iwan ang katawang ito na aking tinatahanan upang manirahan sa aking Panginoon."

c. Colosas 1:23 --- "Nagagalak ako sa aking pagbabata ngayon alang-alang sa inyo sapagkat sa pamamagitan nito'ynaipagpapatuloy ko ang paghihirap na kailangan pang gawin ni Cristo para sa iglesya na Kanyang katawan."

B. Nabubuhay Upang Maglingkod

1. Mahalaga lamang ang buhay ni Pablo dahil sa gawain ng paglilingkod sa Diyos.

2. Pumareho si Epaphroditus na halos ikamatay na ang kanya ring paglilingkod sa Diyos (Filipos 2:30).

Pagtatapos

Ipinangaral ni Pastor Larry John Sy sa Disciples of Christ Comunity Church
(Hinalaw mula sa Komentaryo ni Dr. John MacArthur, Jr.)

©2008 The Expositor.Org. All rights reserved. Since September 1999.