s

Ang Sumulat at ang Kanyang Mensahe, Part 2
Roma 1:1

Panimula


Pagtalakay


D. Pagtatagpo ng Umuusig at ng Inuusig (Gawa 9:3-5)

1. Nang malapit na si Saulo sa Damasco, biglang lumiwanag ang paligid.

a. Isang tinig ang kanyang narinig: “Saulo, Saulo! Bakit mo Ako inuusig?”

b. Ayon sa Gawa 26:14, sinabi ng tinig kay Pablo na “Para kang sumikad sa tulis.”

c. Ang tulis (goad sa English) ay isang patpat na matulis na itinutusok sa binti ng nakasingkaw na baka para magpatuloy ito sa paglakad.

1) May pagkakataong sumusikad o sumisipa ang baka dahil sa sakit ng pagkakatusok. Subalit, lalo lamang siyang nasasaktan dahil nga tinatamaan niya ang tulis.

2) Kaya ang sabi sa Gawa 26:14 (Magandang Balita Biblia), “Ikaw na rin ang masasaktan sa paghihimagsik mong iyan.”

d. Ang kasabihang “Para kang sumikad sa tulis” ay tumutukoy sa “paglaban sa Diyos.”

1) Ibig sabihin, ang ginagawang pang-uusig ni Saulo sa mga Cristiano ay pang-uusig sa Diyos.

2) Taliwas ito sa iniisip ni Saulo. Buong akala niya ay kakampi niya ang Diyos. Subalit, kinakalaban pala niya.

2. Sa tindi ng kanyang takot, ganito ang naging sagot ni Saulo sa tinig mula sa langit: “Sino po kayo, Panginoon?” tanong niya. ”Ako’y si Jesus, ang iyong inuusig,” tugon sa kanya (Gawa 9:5).

. Gayon na lang ang takot ni Saulo! Siya’y nasa harapan mismo ng Diyos!

b. Malaking dagok sa kanya ang katotohanang kinakalaban pala niya ang Diyos na inaakala niyang pinaglilingkuran.

1) Parang niluray ang kanyang puso nang malaman niya na ang mga dugong itinigis ng mga pinag-uusig niya ay dugo ng mga lingkod ng Diyos.

2) Ang mas masakit nito…

a) Ang Jesus na nilapastangan, binugbog at ipinapatay ng kanyang mga kababayan.

b) Ang Jesus na tinawag ni Esteban habang sinasang-ayunan ni Saulo ang pagpatay sa kanya (Gawa 7:58-8:1).

c) Ang Jesus na sinusunod ng mga taong kanyang ipinakulong at ipinapatay… ay Siya ngang Diyos katulad ng Kanyang pag-angkin at pag-amin dito.

3. Malamang na namatay sa tindi ng takot ni Saulo, lalo na sa nakita niyang laki ng kanyang kasalanan, kung hindi siya inatasan ng Panginoong Jesus: “Tumindig ka’t pumasok sa lunsod. Sasabihin ko sa iyo roon kung ano ang dapat mong gawin” (Gawa 9:6).

a. Makikita sa 1 Timoteo 1:12-15 kung ano ang masasabi ni Pablo sa kanyang naranasan nang araw na iyon makaraan ang maraming taon.

b. Dito nabago ang puso ni Saulo, na pansamantalang nabulag.

4. Sa sidhi ng kanyang ginawang pang-uusig sa Iglesya, walang maglakas-loob na magpahayag sa kanya ng mabuting balita.

a. Diyos lamang talaga ang makakakuha ng kanyang pansin.

b. Kinailangang gibain siya ng tuluyan ng Diyos para matuto siyang makinig sa Diyos.

c. Mga patunay na mahirap siyang abutin ng mabuting balita (Gawa 9:6).

1) Ayaw nga siyang kausapin ng mga alagad noong una siyang makipagkita sa takot na pain lamang ito.

2) Hindi nga sila makapaniwala na magiging isang mananampalataya si Saulo.

5. Dahil likas kay Saulo ang sigasig ng paglilingkod, matapos na manumbalik ang kanyang paningin makalipas ang tatlong araw na walang pagkain at tubig…

a. Kaagad siyang nagpahayag tungkol kay Jesus sa mga sinagoga (9:20)—sa mga sinagogang dapat sana’y bibigyan niya ng mga sulat para dakpin ang mga mananampalataya (9:2).

b. Lubos na namangha ang mga nakarinig sa kanya (9:21).

c. At dahil sa karunungang galing sa Diyos, mahusay niyang naipahayag ang mabuting balita (9:22).

6. Bunga nito, gustong patayin ng mga hindi naniniwalang Judio si Saulo. Subalit, natuklasan ito ni Saulo. Kaya kinailangan niyang tumakas (9:23-25).

7. Matapos nito’y nagtungo si Saulo sa Arabia at doon siya nanatili ng 3 taon (Galacias 1:17-18).

a. Dito siya tumanggap ng mga direktang mensahe mula sa Panginoong Jesus (1:11-12).

b. Bumalik si Saulo sa Damasco kung saan muli na namang nanganib ang kanyang buhay dahil sa kanyang pangangaral ng Salita ng Diyos (1:17; 2 Corinto 11:32-33).

8. Makalipas ang tatlong taon, saka pa lamang nagtungo si Saulo sa Jerusalem upang makipagkita sa mga Apostol.

a. Tinanggap ng mga Apostol si Saulo dahil na rin sa pakiusap ni Bernabe (Gawa 9:27).

b. Maraming mga lugar ang kanyang pinuntahan upang magpahayag ng mabuting balita. Hanggang sa magpunta siya sa Antioquia (9:22-26).

c. Isinugo ng Espiritu Santo si Saulo “para sa tanging gawaing inilaan [Niya] sa kanila.” (13:1-13)

d. Dito na nga nagsimula ang kanyang kakaibang gawain bilang Apostol sa mga Hentil.

III. Lugar at Panahon ng Pagkakasulat ng Roma

A. Lugar

1. Nakapaglakbay si Pablo para sa tatlong misyon. Matapos nito’y nagtungo naman siya sa Roma upang litisin ni Cesar (Gawa 27:1-28:16).

2. Sa kanyang ikatlong pagmimisyon, muling pumunta si Pablo sa Corinto. Malamang na dito siya sumulat sa mga taga-Roma (Roma 15:26).

B. Panahon

1. Ayon sa mga dalubhasa sa Biblia, isinulat ito noong AD 85.

2. Ito’y noong umalis si Pablo patungong Jerusalem upang abutan ang Pentecostes (Roma 15:25; Gawa 20:16).

IV. Dahilan ng Pagkakasulat ng Roma

A. Upang Magbahagi ng Espirituwal na Kaloob (Roma 1:11).

1. Ayon sa 1:13, ilang beses na ring sinubukan ni Pablo na bisitahin ang iglesya sa Roma ngunit hindi matuloy-tuloy. Gusto niyang makahikayat pa ng mga tao upang maging mananampalataya.

2. Maliwanag na hindi si Pablo o kahit na sino pang Apostol (na katulad ni Pedro) ang nagtatag ng iglesya sa Roma.

a. Malamang na nabuo ang iglesya sa Roma dahil sa mga mananampalatayang Judio na pumunta roon pagkatapos nilang maranasan ang pagbaba ang Espiritu Santo noong Pentecostes sa Jerusalem (Gawa 2:10).

b. Kahit na hindi sila nakatikim ng pangangaral ng isang Apostol, nanatiling tapat ang mga Cristianong taga-Roma.

c. Ang kakulangang yaon ang nais na punan ni Pablo.

B. Upang Mangaral ng Mabuting Balita (1:15)

C. Upang Makatulong sa Ikatatatag ng Pananampalataya

1. Gustong pumaroon si Pablo sa Roma upang patatagin ang pananampalataya ng mga Cristiano doon.

2. Para sa kanila at sa kanyang sarili (1:15).

3. Nais niyang lubos na makilala ang mga Cristiano sa Roma at magpakilala sa kanila (15:30, 32).

4. Upang maturuan silang magbigay para sa kanyang pangangailangan sa planong paglalakbay patungo sa España (15:28).

V. Katangian ni Pablo

A. Katawan

1. Hindi kaakit-akit sa pangangatawan si Pablo sa mga tao (2 Corinto 10:10; Galacias 4:14).

a. Ayon sa mga dalubhasa sa Biblia, si Pablo raw ay pandak, mga apat na talampakan pataas.

b. Maraming mga peklat sa mukha at katawan sa dami ng dinanas niyang mga pahirap (2 Corinto 11:23-28).

2. Ngunit anuman ang kakulangan niya sa katangiang pisikal, wala namang makapapantay sa espirituwal na katayuan at kaalaman niya.

B. Kaisipan

1. Nag-uumapaw sa kaisipan ni Pablo ang mga Salita ng Diyos!

2. Dito sa aklat ng Roma halimbawa:

a. Naipakita niya ang lubos na kaalaman tungkol sa kasaysayan ni Abraham.

b. Ganap niyang naipaliwanag ang relasyon ng biyaya at ng kautusan; ng laman, at ng Espiritu.

1) Marami siyang binanggit na mga talata mula kay Moises, Hosea, Isaias, David at iba pa sa pagtuturo ng naturang mga katotohanan.

2) Tungkol naman sa Kautusan, tinalakay niya ang kasaysayan sa Genesis, Exodo, Levitico at Deutoronomio.

C. Determinasyon sa Katatagan

1. Hindi pumayag si Pablo na mapigilan sa iniatang na misyon sa kanya ng Diyos.

2. Kahit na dumanas siya ng katakut-takot na pahirap, patuloy pa rin siyang naglingkod upang maipangaral ang mabuting balita (Gawa 14:19-20; 16:22-25).

3. Kahit na may pagkakataon na habang nangangaral si Pablo ay may tagapakinig na nahulog sa bintana at namatay, ipinagpatuloy pa rin niya ang kanyang pangangaral matapos niya itong buhayin (20:9-12).

4. Kahit alam niyang mapanganib ang kanyang mga pupuntahan, sinuong pa rin niya ito (20:23-24; 1 Corinto 9:16).

5. Kahit na nagdurusa sa bilangguan, patuloy pa rin siya sa paglilingkod sa Diyos (2 Timoteo 4:5-7).

D. Ang Pag-ibig ni Pablo

1. Hindi natin lubos na mauunawaan si Pablo kung hindi natin isasaalang-alang ang kanyang

a. pag-ibig sa Diyos.

b. pag-ibig sa kapwa mananampalataya.

c. pag-ibig sa mga hindi pa mananampalataya lalo na sa mga kapwa niya Judio (Roma 9:3).

2. Nangaral si Pablo dahil naranasan niya ang pag-ibig sa kanya ng Diyos (Roma 5:5; 8:35, 37; 15:30).

3. Naglingkod siya ng lubos para sa kaluwalhatian ng Diyos (Roma 11:36; 16:37).

Ipinangaral ni Pastor Larry John Sy sa Disciples of Christ Comunity Church
(Hinalaw mula sa Komentaryo ni Dr. John MacArthur, Jr.)

©2011 The Expositor.Org. All rights reserved. Since September 1999.