Ang Sumulat at Ang Kanyang Mensahe, Part 1
Roma 1:1

Panimula


Pagtalakay


I. Pangkalahatang Nilalaman ng Aklat ng Roma

A. Mga Impormasyong Dapat Tandaan

1. 57 beses na kumuha ng mga talata mula sa Lumang Tipan—higit pa sa alinmang aklat sa Bagong Tipan

2. Makailang ulit na binanggit ang mga sumusunod:

a. Diyos–154

c. Cristo–66

d.Kasalanan–45

e.Panginoon–44

f.Pananampalataya–40

B. Mga Tanong na Sasagutin

1. Ano ang mabuting balitang Diyos?
2. Si Jesus ba’y tunay na Diyos?
3. Ano nga ba ang katangian ng Diyos?
4. Bakit pumapayag ang Diyos na mapunta ang tao sa impyerno?
5. Bakit tinatanggihan ng tao ang Diyos at ang Kanyang Anak na si Jesu-Cristo?
6. Ano ang pinakamalaking kasalananng tao?
7. Bakit may mga bulaang relihiyon at mga diyus-diyosan?
8. Ano ang batayan ng Diyos sa paghatol sa tao?
9. Mananagot ba sa Diyos ang isang taong hindi pa nakakarinig ng mabuting balita?
10. Mas mananagot ba ang mga Judio kaysa sa mga Hentil?
11. Sino ang tunay na Judio?
12. Mas lamang ba ang mga Judio kaysa sa mga Hentil?
13. Gaano kabuti ang tao?
14. Gaano kasama ang tao?
15. Kaya bang lubos na sundin ng tao ang kautusan ng Diyos?
16. Paano ba napapatawad at napapawalang-sala ang makasalanan?
17. Paano malalaman ng tao na siya’y makasalanan?
18. Ano ang relasyon ng Cristiano kay Abraham?
19. Ano ang kahalagahan ng kamatayan ni Cristo?
20. Ano ang kahalagahan ng Kanyang pagkabuhay na mag-uli?
21. Para kanino namatay si Cristo?
22. Saan makatatagpo ng tunay na kapayapaan at pag-asa?
23. Ano ang espirituwal na relasyon ng tao kay Adan? Ano naman ang ating relasyon kay Jesu- Cristo?
24. Ano nga ba ang biyaya o kagandahang-loob ng Diyos?
25. Ano ang kinalaman ng biyaya ng Diyos sa Kanyang kautusan?
26. Paano namamatay at naipanganganak sa espiritu ang tao?
27. Ano ang relasyon ng Cristiano sa kasalanan?
28. Gaano kahalaga ang pagsunod sa buhay-Cristiano?
29. Bakit labis na nakikipaghamok (struggle) ang Cristianong namumuhay ng tapat?
30. Ilan bang kalikasan mayroon ang Cristiano?
31. Ano ang ginagawa ng Banal na Espiritu sa mananampalataya?
32. Gaano kalapit ang relasyon ng Cristiano sa Diyos?
33. Bakit may mga pagdurusa?
34. Maaari pa bang magbago ang sanlibutan?
35. Ano ang paghirang at pagtatalaga (predestination) ng Diyos?
36. Paano makakapanalangin ng may kaayusan ang Cristiano?
37. Gaano katiyak ang kaligtasan ng mananampalataya?
38. Ano ang kasalukuyang plano ng Diyos sa Israel?
39. Ano ang plano ng Diyos para sa Israel sa hinaharap?
40. Bakit hinirang ng Diyos ang mga Hentil?
41. Ano ang pananagutan ng mga Cristiano sa mga Judio at sa Israel?
42. Ano ang tunay na pagtatalagang espirituwal?
43. Ano ang relasyon ng Cristiano sa sanlibutan? sa mga hindi mananampalataya? sa kapwa Cristiano? At sa lahat ng tao?
44. Ano ang tunay na pag-ibig? At paano ito naipapakita?
45. Paano haharapin ng Cristiano ang isyung hindi naman masasabing tama o mali (neutral)?
46. Ano ang tunay na kalayaan?
47. Gaano kahalaga ang pagkakaisa sa loob ng iglesya?

"Kaya masasabi ni Frederick Godet, “O, santo Pablo! Kahit na isa lamang ang iyong maisulat at ito’y ang sulat mo sa mga taga-Roma, tiyak na ituturing ka nang pinaka-kaibig-ibig ng bawattaong may matinong pag-iisip.”

C. Ang Mga Pangungusap Nito
Ang aklat ng Roma ay nangungusap sa atin ngayon kung paano ito nangusap sa mga tao noong unang siglo. Ito’y nangungusap sa atin tungkol sa :

1. MORALIDAD–Laban sa pangangalunya, kabaklaan, samga pagkamuhi, pagpatay at iba pang mga hindi pagsunod sa batas ng Diyos.

2. KAISIPAN–Sinasabihan tayo na lito ang tao dahil sa kaisipang masama.

3. LIPUNAN–Tinuturuan tayo kung paano makipag-ugnayan sa bawat isa.

4. BAYAN–Tinuturuan tayo kungano ang ating pananagutan sa pamahalaan.

5. SIKOLOHIYA–Sinasabi sa atin kung saan matatagpuan ang tunay na kalayaan sa pag-uusig ng budhi.

6. INTERNASYONAL–Sinasabi sa atin ang wakas sa lupa, lalung-lao na kung ano ang hinaharap ng Israel.

7. ESPIRITUWAL–Sinasagot nito ang hinagpis ng tao sa pamamagitan ng pag-aalok ng pag-asa sa kinabukasan.

8. TEOLOHIYA–Nangangaral ito sa atin tungkol sa relasyon ng laman sa espiritu, batas at biyaya, gawa at pananampalataya.

9. PAGSAMBA–Higit sa lahat, sapamamagitan ng aklat ng Roma, inilalapit ng Diyos ang Kanyang sarili sa atin.

II. AngMay-Akda ng Aklat ng Roma
Imposibleng maunawaan ang aklat ng Roma nang hindi natin pinag-aaralan ang pagkatao ng sumulat nito. Makikita natin ito sa unang salita sa unang kabanata ng aklat ng Roma (sa Bibliang Ingles--- PAUL).

A. Pinanggalingan at Pinag-aralan

1. Saul ang una niyang pangalan, hango sa pangalan ng unang hari ng Israel.

2. Siya’y ipinanganak sa lahi ni Benjamin (Filipos 3:5).

3. Siya’y ipinanganaksa bayan ng Tarsus.

a. Isang mayamang bayan sa probinsya ng Cilicia, doon sa lugar na tinatawag ngayong Turkey.

b. Sentro ng karunungan at kulturang Griyego ang Tarsus, kung saan din matatagpuan ang isa sa tatlong kilala at tinitingalang pamantasan sabuong kaharian ng Roma. Malamang na dito nag-aral si Pablo.

B. Pagiging Judio

1. Tinuli siya ayon sa batas ni Moises (Filipos 3:5).

2. Sa paanan ni Gamaliel, bukod sa kinabisado niya, natuto rin siya kung paano magpaliwanag ng Kasulatan ayon sa tradisyong Rabbinical.

3. Habang siya’y nasa Jerusalem, sumapi siya sa sekta ng mga Pariseo.

4. Siya ay isang Judio na napakataas ng kredensyal sa lipunan. Judio man o Romano, dahil ang kanyang ama ay isang mamamayang Romano.

5. Marunong din siyang gumawa ng lona, na pinaniniwalaang natutunan niya mula sa kanyang magulang (Gawa 18:3).

C. Pag-uusig sa mga Cristiano

1. Pagkatapos ng kanyang pag-aaral sa Jerusalem, naging pinuno siya ng sinagoga sa Tarsus.

2. Dito na niya nabalitaan ang kumakalat na “bagong sekta” sa Jerusalem. Labis niyang ikinagalit ang pag-angkin ni Jesus bilang Mesiyas. Kaya itinalaga niya ang kanyang sarili sa pagsugpo sa mga Cristiano.

3. Sa kabila ng kanyang kabataan, dahil sa kanyang sigasig at likas na abilidad, madali siyang naging tagapanguna sa pag-uusig sa mga mananampalataya.

4. Lalo lang tumigas ang kanyang puso laban sa ebanghelyo sa kanyang pakikibahagi sa pambabato kay Esteban.

a. “Samantala sinikap ni Saulo na wasakin ang iglesya, pinapasok niya ang bahay-bahay at kinakaladkadang mga sumasampalataya at ibinibilanggo, maging lalaki’t maging babae” (Gawa 8:3).

b. “…masidhi ang pagnanais ni Saulo na usigin at patayin ang mga alagad ng Panginoon” (Gawa 9:1).

c. Hindi pa siya naging kuntento sa kanyang pang-uusig sa Jerusalem atJudea. Basahin ang Gawa 9:1, 2; 26:11.

Ipinangaral ni Pastor Larry John Sy sa Disciples of Christ Comunity Church
(Hinalaw mula sa Komentaryo ni Dr. John MacArthur, Jr.)

©2008 The Expositor.Org. All rights reserved. Since September 1999.