Ang Kalikasan ng Tunay na Pananalig

Panimula


Pagtalakay


I. Buhay na Walang Hanggan Mula sa Patay na Pananampalataya?

A. Hindi Lahat ng Pananampalataya ay Nakatutubos

1. Maliwanag na sinasabi ng Jacobo (Santiago) 2:14-16 na ang pananampalatayang walang gawa ay patay at di nakapagliligtas.

a. Sa tanong ng t.14, na simulan sa salitang Griego me ay nag-aabang ng negatibong sagot: “Maililigtas ba siya ng gayong pananampalataya? Siguradong hindi!”2

b. Inilalarawan ni Jacobo ang huwad na pananampalataya bilang purong pagpapaimbabaw lamang (t. 16), kamalayan lamang (t. 19), walang maipakitang gawa na nakapagpapatibay (t. 17-18) --- wala itong pinagkaiba sa paniniwala ng mga demonyo (t. 19).

c. Ang pananampalatayang walang ginagawa ay walang kabuluhan (t. 20)

2. Inaalis ng iba ang relasyon ng gawa sa pananampalataya.

a. Sabi nga ni Ray Stanford sa kanyang aklat na Handbook of Personal Evangelism,3 ang patay na pananampalataya ay nakapagliligtas.

b. Sa Gospel Under Seige ni Zane C. Hodges4, sinasabi niyang ang patay na pananampalataya na tinutukoy ng Jacobo 2 ay katibayan pa nga raw ng kaligtasan.

1) Ayon pa sa kanya, para raw mamatay ang pananampalataya, tiyak na ito raw ay dating buhay (p. 20)

2) Ngunit iyan ay baluktot na lohika. Ang patay na pananampalataya ay di nagpapatunay na ito’y dating buhay, lalong higit din naman na hindi implikasyon ng Efeso 2:1 na ang mga namumuhay sa kasalanan ay dating mga espirituwal na buhay.

c. Inaamin naman ng iba na ang pagtango lamang ng isipan sa mga katotohanan tungkol kay Jesus ay di matatawag na tunay na pananampalataya, ngunit kasabay nito ay sinasabi rin nilang walang kinalaman sa pananampalataya ang pagtatalaga o pagpapasakop ng buhay kay Cristo.5

d. Ganito rin ang sinasabi ni Ryrie, “Ang mensahe ng pananampalataya at pagpapasakop ng buhay… ay di maaaring matawag na Mabuting Balita.”6

B. Kamalian ng Popular na Paraan ng Paghahayag ng Mabuting Balita

1. Sa makabagong kahulugan ng pananampalataya, inaalis ang pagsisisi, binubura ang moral na kahalagahan ng pananalig, pinapawi ang pagkilos ng Diyos sa puso ng makasalanan, at ginagawang opsyonal ang kasalukyang pagtitiwal sa Panginoon.

2. Sa halip na ipaglaban ang katotohanan na ang gawa ng tao ay walang lugar sa kaligtasan, ang makabagong madaliang pananalig ay ginawang ganap na gawa ng tao ang pananampalataya, marupok, at panandaliang katangian lamang na maaaring tumagal o di-tumagal.

3. Hindi tamang sabihin na may pananampalataya tayo sa oras na yaon ng kaligtasan at pagkatapos at di kailanman maranasan ang mga bunga ito.

a. Ano ba ang sabi ni Pablo tungkol dito sa 2 Tim. 2:12-13?

b. Pagtitiis ang palatandaan ng mga taong kasamang maghahari ni Cristo sa Kanyang kaharian.

c. Kaya naman ang katapatan ng Diyos ay isang mapagpalang kaaliwan sa mga tapat at nanatitiling mananampalataya, ngunit nakakatakot na babala sa mga huwad na nangagsasabi lamang na sila ay Cristiano (cf. Juan 3:17-18).

II. Pananampalataya Ayon sa Paglalarawan ng Kasulatan

A. Kaloob ng Diyos

1. Napatunayan na natin na ang pagsisisi ay ibinibigay na pagkakataon ng Diyos; hindi ito gawa ng tao (Gawa 11:18; 2 Timoteo 2:25).

2. Ganito rin ang pananampalataya, tulad ng sinasabi ng Efeso 2:8-9, “Dahil sa kagandahang-loob ng Diyos ay naligtas kayo sa pamamagitan ng inyong pananalig kay Cristo. At ang kaligtasang ito’y kaloob ng Diyos, hindi mula sa inyo. Hindi ito dahil sa inyong mga gawa kaya’t walang dapat ipagmalaki ang sinuman.”

a. Ano ba rito ang kaloob ng Diyos na tinutukoy ni Pablo?

b. Tinawag ito ni Wescott na nakapagliligtas na enerhiya ng pananampalataya.7

3. Noong tayo’y mga patay ang espiritu, wala tayong kakayahan hanggang nakialam ang Diyos at binuhay Niya ang patay nating espiritu (Efeso 2:5).

B. Hindi Ito Kayang Palitawin ng Kalooban ng Tao

1. Walang paltos na sinasabi ito ng Kasulatan.

a. Sinabi ni Jesus, “Walang makalalapit sa Akin malibang dalhin siya ng Amang nagsugo sa Akin” (Juan 6:44a).

b. Basahin din ang Juan 6:65.

c. Sinasabi ng Gawa 3:16, na “dahil pananalig sa Kanyang pangalan” (faith that comes from Him).

d. Basahin ang Filipos 1:29. Saan daw galing ang pananalig, karapatang maglingkod at pagtitiis?

e. Sa 2 Pedro 1:1, ano ang tawag ni Pedro sa mga kapwa niya mananampalataya?

2. Paano natin malalaman na ang pananampalataya ay kaloob ng Diyos?

a. Kung tayo lamang ang papipiliin, tiyak na walang isa man na mananalig (Roma 3:11).

b. Basahin din ang Roma 9:16.

c. Kung wala ang pananampalatayang ibinigay ng Diyos, hindi kayang maunawaan at makalapit ang tao sa Tagapagligtas (1 Corinto 2:14).

d. Ano sinabi ni Jesus kay Pedro nang panindigan niyang si Cristo nga ang Anak ng Diyos (Mateo 16:17)?

C. Hindi Ito Pabago-bago o Baog

1. May nanatiling kalidad ito na gumagarantiyang magtitiis hanggang wakas.

2. Ang pamilyar na mga salita ng Habakkuk 2:4, “Ang matuwid ay mabubuhay sa kanyang katapatan” (The righteous shall live by his faith), ay hindi lamang tumutukoy sa isang pagkakataon lamang ng pananalig, kundi isang buhay at may pagtitiis na pagtitiwala sa Diyos. (cf. Roma. 1:17; Galacia 3:1; Hebreo 10:38).

3. Idiniin sa Hebreo 3:14 ang pagka-permanente ng tunay na pananampalataya. Ang katatagan nito ay katibayan ng ganap nitong katunayan.

4. Ang gawain ng pagliligtas ay di kayang mapigilan kahit na sa katapus-tapusan. Iyan ang sinasabi ng Filipos 1:6 (cf. 1 Corinto 1:8; Colosas 1:22-23).

D. Hindi Ito Nahihiwalay sa Pagsunod

1. Ang pananampalataya ay ipinagkaloob ng mabiyayang Diyos, kusang-loob (volition) at kakayahang makasunod sa Kanyang kalooban

a. Ayon sa Filipos 2:13, “Sapagkat ang Diyos ang nagbibigay sa inyo… ng kakayahang maisagawa ang Kanyang kalooban.”

b. Maliwanag na hindi maipaghihiwalay ang pananampalataya sa pagsunod.

2. Nakita ni Berkhof ang tatlong sangkap ng tunay na pananampalataya8

a. Pang-intelektwal na sangkap (notitia), na siyang “positibong pagkilala ng katotohanan;”

b. Pang-emosyonal na sangkap (assensus), na kasama “ang isang malalim na paninindigan [at pagsang-ayon] ng katotohanan;”

c. Pang-kusang-loob (fiducia), na kasama “ang personal na pagtitiwala kay Cristo bilang Tagapagligtas at Panginoon, kasama dito ang pagpapasakop… kay Cristo.”

3. Ngunit kinikilala lamang ng makabago at tanyag na teolohiya ang notitia pati na assensus ngunit tinatanggal nila ang fiducia.

a. Subalit hindi totoong pananampalataya ang pananampalatayang kapos sa pagpapasakop sa kapangyarihan ni Cristo.

b. Ayon sa isinulat ni W.E. Vine tungkol sa pandiwang “sumunod” (peiqo [peitho]):
Ang peitho at pisteuo, “magtiwala,” ay magkalapit ang kaugnayan ayon sa etymology8 nito; ang kaibahan lamang nila sa kahulugan ay ang naunang nabanggit ay nagpapahiwatig ng pagsunod na siyang bunga ng nahuling nabanggit, cp. Heb. 3:18-19, kung saan ang di pagsunod daw ng mga Israelita ay sinasabing katibayan nga ng kanilang di panananalig… Kapag sumusunod ang isang tao sa Diyos ipinakikita niya ang tanging posibleng katibayan na nasa kanyang puso ang pananalig sa Diyos… Ang Peitho sa Bagong Tipan ay nagsusuhestiyon ng isang aktuwal at panlabas na resulta ng nakumbinsing kalooban dahil sa pananampalataya.10

4. Kaya naman ang taong nananalig ay mananabik na sumunod.

a. Dahil nga narito pa tayo sa katawang-lupa na may sangkap pa ng kasalanan, walang sinuman na makasusunod ng perpekto (cf. 2 Corinto 7:1, 1 Tesalonika 3:10);

b. Ngunit ang pagnanais na sundin ang kalooban ng Diyos ay laging nasa kalooban ng mga tunay na mananampalataya (cf. Roma 7:18).

5. Ang pananaw na may pananampalatayang hindi nagbubunga ng pagpapasakop ng kalooban ay sumisira sa mensahe ng kaligtasan.

a. Tinalakay ni Pablo na ang ebanghelyo ay dapat sundin (Roma 10:16 KJV; 2 Tesalonika 1:8).

b. Ganito ang paglalarawan niya sa pagbabalik-loob ng isang tao: “…kayong dating mga alipin ng kasalanan ay naging masunurin sa aral na tinanggap ninyo” (Roma 6:17).

c. Ang resultang hinahanap niya sa kanyang gawain ng paghahayag ng Mabuting Balita ay “obedience… by word and deed” [pagsunod… sa salita at gawa] (Romans 15:18).

d. At paulit-ulit niyang binanggit sa kanyang mga sulat ang “pananampalataya at pagsunod” [obedience to the faith] (Roma 1:5; 16:26).

E. Biblikal na Konsepto ng Pananampalataya

1. Maliwanag na ang tunay na pananampalataya ay tiyak na tutungo sa pagsunod.

a. Pareho ang trato ng “nananalig” sa “tumatalima” ayon sa Juan 3:36.

b. Ipinakita sa Gawa 6:7 kung paano naintindihan ng unang iglesya ang pananampalataya: “…at maging sa mga saserdote, marami ang sumampalataya” [and a great many of the priests were obedient to the faith.]

c. Ganito rin ang pagpaunawa ng Hebreo 5:9: “At nang maganap na Niya ito, siya’y naging walang hanggang Tagapagligtas ng lahat ng mga sumusunod sa Kanya.”

d. Sa listahan ng mga bayani ng pananampalataya nakatala sa Hebreo 11 ay nagpakita ng kanilang pananalig sa kanilang pagsunod.

2. Pagsunod ang di-maiiwasang kapahayagan ng tunay na pananampalataya.

a. Pinansin ito ni Pablo nang sulatan niya si Tito “…ngunit sa masasama at di nananampalataya… Ang sabi nila’y kilala nila ang Diyos, ngunit ito’y pinabubulaanan ng kanilang mga gawa” (Tito 1:15-16).

1) Kagulat-gulat na sinabi ni Zane Hodges na ang tinutukoy raw ni Pablo rito ay mga tunay na mananampalataya.

2) Ganito ang kanyang sinabi sa Gospel Under Seige, p. 96:

br> Ang mga taong nasa isip ni Pablo sa Tito 1:16 ay maliwanag na pareho doon sa t. 13: “Dahil dito mahigpit mo silang pagsabihan upang sila’y mamuhay ng maayos ayon sa kanilang pananampalataya.” Ang Griegong salita para sa “mamuhay ng maayos” ay nangangahulugan ng pagiging malusog. Kaya nga, ang mga taong tinutukoy niya ay hindi mga “di-nananampalataya.” Sila ay mga taong may espirituwal na karamdaman at nangangailangan lamang na pagsabihan upang manumbalik sa kalusugan.

3) Subalit ganap nitong binale-wala ang sinabi ni Pablo na sila’y “masasama at di nananampalataya, walang bagay na malinis sapagkat marumi ang kanilang budhi at isipan” (t. 15), at “Sila’y kasuklam-suklam at suwail at di nararapat sa anumang mabuting gawain” (t.16). Hindi ito maaaring maging larawan ng mga anak ng Diyos!

b. Sinabi naman ni Spurgeon: “Nakakatiyak tayo na hindi nga naliligtas ang tao ng dahil sa kanilang mga gawa, subalit sabay ring nakatitiyak tayo na walang sinumang maliligtas nang wala ang mga ito.”11 Ang tunay na pananampalataya ay nahahayag lamang sa pagsunod.

3. Hindi nagkakalayong konsepto sa mga Cristiano noong unang siglo ang pananampalataya at katapatan.

a. Sa katunayan, ang Griegong salitang pistiv (pistis) bilang bunga ng Espiritu ay naisalin sa Gal. 5:22 na katapatan. Ito rin ang Griegong salita na naisalin naman na pananalig ang makikita sa Efeso 2:8.

b. Kaya naman, ang mga nananalig (faithful/believing) ay matapat/masunurin (obedient) din.

c. Nakabalot sa ideya ng pananalig ang “kapatatan (fidelity), di pabago-bago (constancy), katatagan (firmness), mapagkakatiwalaan (confidence), maaasahan (reliance), pagtitiwala (trust) at paniniwala (belief).”

d. Matuwid na pamumuhay ang siyang di-maiiwasang bunga ng tunay na pananampalataya (Roma 10:10).

4. Siyempre naman, hindi natin sinasabi na ang pananampalataya ay nagbubunga ng kaperpektuhan at kawalan ng pagkakasala.

a. Ang lahat ng tunay na mananampalataya ay nauunawaan ang pakiusap ng ama ng batang inaalihan ng demonyo, “Nananalig po ako. Tulungan ninyo ako bagama’t ako’y nagkulang” (Marcos 9:24).

b. Magnanais sumunod ang mga nananampalataya, kahit na sa maraming pagkakataon ay di perpekto ang kanilang pagsunod. Ang lagay ng isip na ayaw sumunod ay puro at simpleng di-pananalig.

c. Yaong sinasabing pananampalataya sa Diyos na di nagbubunga ng ganitong pagnanais na ipasakop ang sariling kalooban ay hindi maaaring tawaging pananampalataya kailanman.

III. Pananampalataya Ayon Paglalahad ni Jesus

A. Katangian ng mga Mapalad (The Beatitudes) – Mateo 5:3-12

1. Nakatala rito ang mga katangian na kumon sa lahat ng nananampalataya.

2. Walang dudang tinutukoy ng Panginoon ang mananampalataya sa unang katangian binanggit dito sa listahan ng mga mapapalad.

a. Mateo 5:3, “Mapalad ang mga aba [mababang-loob] na wala nang inaasahan kundi ang Diyos, sapagkat makakasama sila sa Kanyang kaharian.”

b. Inilalarawan Niya ang mga taong tinubos na, silang mga sumampalataya, silang mga naging bahagi ng kaharian.

3. Ganito ang katangian ng kanilang pananalig:

a. Ang pundasyon ay pagka-aba (t. 3)--- isang aba sa espiritu, mga nasiraan na ng loob dahil sa pagkilala nila sa kanilang espirituwal na kahungkagan.

b. Kasunod nito ang pagkahapis (t. 4), ang kalungkutang dulot ng tunay na pagsisisi.

c. Nailulugmok nito ang mananampalataya sa lalo pang pagpapakumbaba (t. 5).

d. Siya’y nagmimithi makatupad sa kalooban ng Diyos (t. 6);

e. Nagiging mahabagin sila (t. 7), malinis na puso (t. 8) at gumagawa ng daan sa ipagkakasundo.

f. Katapus-tapusan, siya ay uusigin dahil sa kanyang pagsunod sa kalooban ng Diyos (t. 10).

B. Higit Ito sa Katuwiran ng mga Pariseo

1. Pansinin sa listahan ng mga mapalad, higit pa sa panlabas na ikinikilos ang kanilang pagsunod ng may pananampalataya, nagmumula ito sa puso. Kaya naman nakahihigit ang kanilang katuwiran kaysa katuwiran ng mga Pariseo (Mateo 5:20).

2. Lalo pang inilarawan ni Jesus ang tunay na katuwiran --- ang katuwirang isinisilang ng pananampalataya (cf. Roma. 10:16)

a. Sa Mateo 5:21-48, ipinaliwanag Niya na hindi lamang ito pagsunod ng letra por letra sa kautusan, kundi pati na ang espiritu ng kautusan.

b. Ang katuwirang ito ay hindi lamang umiiwas sa mga pangangalunya; idinadamay na rito ang mga mapangalunyang kaisipan. Ipinapantay nito ang galit sa pagpatay.

C. Pananampalatayang Tulad ng sa Bata

1. Upang mailarawan ni Jesus ang katangian ng pananampalatayang nakapagliligtas, pinalapit niya ang isa batang paslit at sinabi Niya sa kalagitnaan ng Kanyang mga alagad, “Tandaan ninyo ito: kapag hindi kayo nagbago at tumulad sa mga bata, hinding-hindi kayo mabibilang sa mga pinaghaharian ng Diyos” (Mateo 18:3).

2. Ginamit Niya itong halimbawa upang ituro sa atin na kung ipipilit natin ang mga karapatang hawak natin bilang mga matatanda --- kung nais nating manatiling mga boss ng ating buhay --- hindi tayo makapapasok sa kaharian ng Diyos.

3. Subalit kung handa tayong magpakumbaba at lumapit na parang mga bata sa pananampalataya at tanggapin ang kaligtasan tulad ng isang bata, at handang ipasakop ang ating buhay sa paghahari ni Cristo, saka lamang tayo tatanggapin sa langit.

4. Basahin ang Juan 10:27-28.

a. Sino ang mga tunay na tupa? Ang mga sumusunod.

b. Sino ang mga sumusunod? Ang mga nabigyan ng buhay na walang hanggan.

Pagtatapos


1 Charles C. Ryrie, Balancing the Christian Life (Chicago: Moody Press. 1969).
2 A. T. Robertson, Word Pictures in the New Testament (Nashville: Broadman, 1933), 6:34.
3 Hollywood, Fla: Florida Bible College, n.d., 102-3.
4 Dallas: Redencion Viva, 1981, 19v 5 Livingston, Blauvelt, Jr., “does the Bible Teach Lordship Salvation?” Bibliotheca Sacra (January—March, 1986), 37-45.
6 Ryrie, Balancing the Christian Life, 170.
7 B.F. Westcott, St. Paul’s Epistle to the Ephesians (Minneapolis: Klock and Klock, n.d.., reprint of 1906 volum), 32
8 Louis Berkhof, Systematic Tehology (Grand Rapids: Eerdmans, 1939), 503-5.
9 Ang siyensya ng mga wika na nagsasaliksik sa kaayusan at kasaysayan ng mga salita.
10 W.E. Vine, Vine’s Expository Dictionary of Old and New Testament Words (Old Tappan, N.J.: Revell, 1981), 3:124.
11 Charles H. Spurgeon, The New park Street Pulpit (Grand Rapids: Zondervan, 1962 reprint of 1858 volume), 4:265.

Ipinangaral ni Pastor Larry John Sy sa Disciples of Christ Comunity Church
(Hinalaw mula sa aklat ni Dr. John MacArthur, Jr., The Gospel According to Jesus)

©2011 The Expositor.Org. All rights reserved. Since September 1999.