Ang Nauuna at ang Nahuhuli

Panimula


Pagtalakay


I. Patas ba Ito?

A. Pagkabukas-Palad ng May-ari

1. Pakiramdam ng mga manggagawa na maghapong nagpagal na sila'y nadaya yata.

2. Ngunit hindi nandaya sa kanila ang may-ari ng ubasan.

a. Naging bukas ang palad niya sa mga manggagawang kaunting oras lamang nagpagal dahil nahuli silang tinawag.

b. Ang suweldo ng isang denaryo bawat araw ay katulad ng isang araw na suweldo ng isang sundalo.

3. Walang sinuman sa kanila ang may karapatan na magreklamo.

a. Lahat sila'y binayaran ayon sa napagkasunduan -- isang denaryo sa isang araw (t. 2)

b. Nagpagal sila sa ganitong usapan, kaya nga’t higit pa ito sa patas.

4. Ang tunay na problema nila ay hindi dahil sa hindi patas ang suweldo, kundi dahil hindi nila matanggap ang mas mabuting kapalaran ng iba. Puno sila ng kainggitan!

B. Masama ang Iniisip ng Tao

1. Napakadali kasi nating kampihan ang mga manggagawang nagpagal ng maghapon!

2. Sa ating isipan, hindi makatarungan na tumanggap ang iba ng mas higit na bayad kaysa sa atin.

a. Paano naging higit? Isang oras lamang ang pagpapagal ng mga nahuli kaysa sa mga naunang tinawag na manggagawa!

b. Kaya't kung kukuwentahin, dapat ay mas maliit na suweldo lamang ang kanilang tinanggap!

3. Ngunit minsan ang "di-patas" na trato ay pagpapakita ng kagandahang-loob.

a. Sinaway ng may-ari ng ubasan ang mga manggagawang maghapong nagpagal (20:15).

b. Hindi masama ang pagiging bukas-palad ng may-ari, kundi ang pagkainggit ng mga manggagawa.

c. Hindi nila matiis na tatanggap ng patas na bayad ang mga manggagawang hindi naman nagpagal ng kasingtagal at kasinghirap na tulad nila. Kaya't sa halip na magalak, sila’y nagreklamo.

II. Ang Paksa ng Pagkakapantay-pantay

A. Ano ang Kinalaman Nito sa Kaharian ng Diyos?

1. Simple lamang ang kahulugan nito.

a. Diyos ang may-ari ng ubasan;

b. Ang ubasan ay ang kaharian ng langit -- kinasasakupan ng Diyos;

c. Ang mga manggagawa ay ang mga taong naliligtas na pumapasok sa kaharian ng Diyos at naglilingkod para sa Hari;

d. Ang isang araw ng pagpapagal ay isang panahon ng pamumuhay ng isang tao;

e. Ang pagtatakipsilim (evening in v. 8) ay patungkol sa pagpasok sa walang-hanggang langit;

f. Ang denaryo ay katumbas ng buhay na walang hanggan.

2. Ang sinasabi ni Jesus ay ganito: lahat ng taong papasok sa kaharian Niya ay magmamana ng buhay na walang hanggan.

a. magpagal man siya ng napakaraming taon o kaya'y sa huling oras ng kanyang buhay lamang siya nanampalataya;

b. Hindi mahalaga ang tagal ng panahon sa paglilingkod, ni kung gaano kahirap o dali ang dinanas ng bawat isa sa paglilingkod;

c. Hindi kasi ibinibigay ang buhay na walang hanggan na parang bayad sa kung gaano katapat o hindi ang ating naging buhay dito sa lupa.

d. Ito'y pagmamagandang-loob ng Diyos.

B. Sagot ito sa Tanong ni Pedro sa Mateo 19:27

1. Basahin ang Mateo 19:27-29. Pansinin ang t. 30. Parang ang tanong ni Pablo ay: "Paano naman kami? Kami ang naunang nanampalataya sa Iyo, ano ang matatanggap namin sa aming mga paghihirap?"

2. Hindi maliwanag sa mga alagad kung ano ang gantimpala nila sa kahuli-hulihan.

a. May ilan sa kanila na nag-aakalang itatayo ni Jesus ang Kanyang kaharian dito sa lupa at palalayasin ang Roma sa Israel; at sila raw ay bibigyan ng tig-iisang trono at maghahari sa ibat-ibang kalupaan ng bayang Israel.

b. Hindi nga ba't nagtanong pa rin sila pagkatapos na mabuhay na mag-uli si Jesus -- Mga Gawa 1:6.

c. Sa katunayan, pagkatapos ng talinhagang ito, hinulaan na ni Jesus ang Kanyang nalalapit na kamatayan (Mateo 20:17-19).

d. Pero, sa mga sumunod na talata, nakiusap na ang ina ng magkapatid na Juan at Jacobo (Santiago) kay Cristo kung sino sa dalawang anak ang pauupuin sa tronong nasa kaliwa o kanan ng Panginoong Jesus doon sa kaharian ng Diyos.

e. Hindi pa rin nila naintindihan ang mensahe ni Jesus!

3. Maliwanag ang sinasabi sa Galacia 3:28, "Wala nang pagkakaiba ang Judio at ang mga Griego, ang alipin at ang malaya, ang lalaki at ang babae -- kayong lahat ay iisa dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus."

III. Ang Katangian ng Kaligtasan
* May mga prinsipyong itinuturo ang talinhagang ito tungkol sa kaligtasan na sinasang-ayunan sa ibang bahagi ng Kasulatan.

A. Ang Nagpapasimuno sa Kaligtasan ay ang Diyos

1. Katulad ng may-ari ng ubasan, kusang-loob na nanguna ang Diyos sa paghahanap at pagliligtas sa mga makasalanan, at Siya rin ang nagdadala sa kanila sa Kanyang kaharian ayon sa Kanyang nakapangyayaring kalooban.

2. Tayo nga ay tumutugon sa pagtawag ng Diyos at nagnanais na sumunod kay Cristo, ngunit ang Diyos ang naglalagak sa ating puso ng pagnanais na tumugon at sumunod.

3. Ang kaligtasan ay hindi natatapos sa desisyon ng tao. Diyos ang pinagmumulan at nagsasakdal (nagtatapos) ng ating pananampalataya (Hebreo 12:2).

a. "Tayo’y umiibig sapagkat ang Diyos ang unang umibig sa atin" (1 Juan 4:19).

b. Kaya naman, wala tayong karapatan na hilingin kung ano ang ating nararapat na tanggapin, nauna man tayo o nahuli -- Kanya itong kalooban.

B. Diyos ang Nagtatakda ng Kundisyones ng Kaligtasan

1. Itinakda ng may-ari ng ubasan ang suweldo ng bawat manggagawa --- isang denaryo isang araw.

a. Sa mga tinawag niya ng maaga pa, ganyan ang kanilang napagkasunduan. Siya ang nagtakda ng halaga ng suweldo nila;

b. Sa mga tinawag niya nang mag-iikalima ng hapon (mga nahuli), hindi na nga halos binanggit kung magkano ang kanilang bayad. Basta na lang sila pinapunta roon sa ubasan at pinagtrabaho. Wala na rin silang magagawa dahil patapos na ang araw, habag na lang ang kanilang pag-asa.

c. Sabi nga sa Ingles, “Whatever is right, I will give you” (20:4).

2. Tinanggap ng mga manggagawa ito.

a. Di tulad noong mayamang binata, ayaw niyang sundin ang kundisyon ni Cristo.

b. Yaong mga taong higit na nangangailangan ay hindi na halos makikipagtawaran pa sa mga kundisyones ng paghahanapbuhay.

C. Patuloy na Tumatawag ang Diyos ng mga Lalaki at Babae na Pumasok sa Kanyang Kaharian

1. Nagpabalik-balik ang may-ari ng ubasan upang tumawag ng mga manggagawa sa kanyang ubasan.

2. Ganito rin ang Diyos, hindi Siya tumitigil sa pagyayakag ng mga tao upang maging mga manggagawa sa Kanyang kaharian

3. Sinabi ni Jesus sa Juan 9:4, “Dapat nating gawin ang mga ipinagagawa ng nagsugo sa Akin samantalang araw pa; dumarating ang gabi at wala nang makagagawa.” Nalalapit na ang gabi ng paghahatol, ngunit patuloy ang pagtawag Niya sa tao na gumawa.

D. Lahat ng Tinubos ng Diyos ay Nahahandang Gumawa para sa Kanya

1. Lahat ng mga manggagawa dito sa talinhaga ay naghahanap ng ikabubuhay kaya nga sila pumunta roon sa liwasang-bayan (hiring place; like a recruitment agency).

2. Lahat ng pumasok sa ubasan ay gumawa.

a. May mga nauna at buong maghapong gumawa;

b. May mga nahuli at mga isang oras na lang gumawa.

3. Iyan ang paraan ng kaligtasan. Ang pananampalataya ay naipapakita sa pamamagitan ng gawa (Jacobo 2:24).

E. Mahabagin ang Diyos sa mga Taong Nakikilala ang Kanilang Pangangailangan

1. May mga manggagawa pa ring pumunta sa liwasang-bayan kahit na kahapunan na dahil sa kanilang pangangailangan.

a. Labis ang kanilang pangangailangan kaya’t maghapon silang naghintay ng aarkila sa kanila;

b. Di ba’t nagtanong ang may-ari ng ubasan sa kanila, ano ang kanilang sagot (Mateo 20:7)?

2. Ganito rin ang katangian ng pananampalatayang nakapagliligtas, halos aba na sa kahirapan (Mateo 5:3).

3. Tinatawag ng Diyos sa Kanyang kaharian ang mga taong nakikilala ang kanilang pangangailangan, at hindi ang mga kuntento na at nasisiyahan sa kanilang sariling kalagayan.

F. Tinutupad ng Diyos ang Kanyang Pangako

1. Binayaran ng may-ari ng ubasan ang napagkasunduang suweldo ng mga manggagawa --- isang denaryo sa isang araw na paggawa.

2. Walang tumanggap ng mas mababasa sa kanyang naipangako.

G. Palagian Din na Ibinibigay ng Diyos ang Higit sa Nararapat na Tanggapin ng Tao

1. Ang kaligtasan ay dalisay na kagandahang-loob lamang ng Diyos. Walang sinuman ang may karapatan sa buhay na walang hanggan. Ngunit ito’y ibinibigay ng Diyos ng pantay-pantay sa lahat ng mananalig o mananamplataya sa Kanyang Anak.

2. Inligtas tayo ng Diyos “hindi dahil sa ating mabubuting gawa, kundi sa Kanyang habag sa atin” (Tito 3:5).

3. Walang puwesto sa kaharian ng Diyos ang inggitan. Ang nararapat na tugon ay lubos na pagpapakumbaba.

IV. Larawan ng Kagandahang-loob

A. Pagkakataon ba o Kalooban ng Diyos?

1. Sa aklat lamang ni Lukas naitala ang kakaibang pagliligtas na ginawa ni Cristo sa isang magnanakaw.

a. Habang naghihirap na nakapako si Cristo sa krus, pasan ang kasalanan ng sanlibutan, ay nilingon Niya ang katabi upang iligtas ang isang kondenadong kriminal na patungo na sa walang hanggang kamatayan.

b. Ang magnanakaw na ito ay hanapbuhay na ang pagka-kriminal, at ayon sa batas ng Roma, siya ay parurusahang mapako at mamatay sa krus.

2. Ang nakapangyayaring kalooban at kagandahang-loob ng Diyos ang naglagay sa kanya doon sa mismong bulubundukin na pinapagkuan din ng Tagapagligtas, kung saan nakita niyang mamamatay para sa kanyang mga kasalanan ang Panginoon ng kaluwalhatian.

B. Ang Naging Pagbabago ng Magnanakaw

1. Noong maaga-aga pang bahagi ng Pagpapako kay Cristo, buong yabang na inalipusta Siya ng dalawang magnanakaw (na naparusahan din ng pagkakapako sa krus) na nasa magkabilang panig ng Kanyang krus, at kasamang sumisigaw ng mga maraming tao (Marcos 15:32; Mateo 27:44).

2. Ngunit sa Lukas 23:41, bago namatay ang isang magnanakaw, ang kanyang pang-aalipusta ay napalitan ng pagsisisi sa kanyang sariling kasalanan at pagtatanggol sa kawalang sala ni Jesus.

3. Pagkatapos ay humarap ang magnanakaw na ito sa Panginoon at sinabi, “Jesus, alalahanin Mo ako kapag naghahari Ka na” (t. 42).

C. Ipinangako ni Cristo ang Kaligtasan sa Nagsisising Magnanakaw

1. Ang naging tugon ni Jesus ay isang maluwalhating pangako sa isang mamamatay nang makasalanan: “Sumagot si Jesus, Sinasabi Ko sa iyo: ngayon di’y isasama kita sa Paraiso” (t. 43).

a. Ito lamang ang mga katagang nasabi ni Jesus para sa magnanakaw;

b. Walang naunang panghihikayat, o preparasyon bago magbigay ng mabuting balita, at wala ring 4 na puntong mensahe.

2. Ang kanyang pagkakaligtas, kahit na naganap mga ilang oras lamang bago siya namatay, ay hindi mas huwad kaysa sa kaligtasang tinanggapni Pablo.

a. Tinanggap ng magnanakaw ang magkapantay na uri ng buhay na walang hanggan, kahit na naubos niya ang kanyang buong buhay sa paggawa ng krimen at paglabag sa batas.

b. Sa sandaling dinala siya sa pagsisisi ng kanyang pananampalataya kay Cristo, tinanggap na siya ng Tagapagligtas sa kaharian ng Diyos.

3. Kahit na naligtas ang magnanakaw sa iilang oras na lamang bago siya namatay, nakitaan siya ng mga palatandaan ng tunay na pananampalataya.

a. Nagkaroon ng matinding pagbabago sa kanyang mga ikinilos at sinabi dahil sa kanyang pagsisisi; nagbago siya mula sa pang-aalipusta patungo sa pagtatangol kay Cristo.

b. Inamin niya ang kanyang kasalanan at tinanggap niya na nararapat lamang ang parusang ipinataw sa kanya;

c. Kinilala rin niya na walang kasalanan si Jesus (t. 41); lahat ito’y nagpapakita na tinalikuran na niya ang kanyang sarili at sumusuko sa Pagka-Panginoon ni Cristo.

Pagtatapos

Ipinangaral ni Pastor Larry John Sy sa Disciples of Christ Comunity Church
(Hinalaw mula sa aklat ni Dr. John MacArthur, Jr., The Gospel According to Jesus)

©2006 The Expositor.Org. All rights reserved. Since September 1999.