Ang Triguhan at Masasamang Damo

Panimula


Pagtalakay


I. Mga Aktor sa Eksena

A. Anak ng Tao

1. Sa t. 36 sinimulan na kaagad ni Jesus na ipaliwanag na ang taong naghahasik ng mabuting binhi ay walang iba kundi ang mismong Panginoong Jesu-Cristo.

2. Ito ang titulong lagi Niyang ginagamit sa pagpapakila sa Kanyang sarili.

a. ipinakikilala nito ang Kanyang pagiging tao; ang lahat ng kaperpektuhan na na maaaring maging kalagayan ng isang tao.

b. Ipinahahayag din nito na Siya ang ikalawang Adan, ang walang-salang kinatawan ng lahing tao.

c. At nakadikit din ito sa hula ng Kanyang pagiging Mesiyas (Dan. 7:31).

3. Pagmamay-ari ni Jesus ng bukid (sanlibutan)

a. Ayon sa t. 38, "Ang bukid ay ang sanlibutan." Ang implikasyon nito ay ang maghahasik ang may-ari ng bukid---ang Anak ng Tao.

b. Nasa Kanya ang titulo ng lupa; Siya ang nakapangyayaring hari nito; at doon Niya pinalalago ang Kanyang mga binhi.

B. Mga Taong Pinaghaharian ng Diyos (t. 38)

1. Ang mga mabuting binhi ay tumutukoy sa mga anak ng kaharian ng Diyos --- mga mananampalataya.

2. Sila ang mga nagpapasakop sa Hari at sila'y isinasaboy Niya sa buong bukid, ang sanlibutan.

C. Mga Taong Pinaghaharian ng Diyablo (t. 38-39)

1. Sila'y mga di mananampalataya. Pareho ito sa pagkakagamit ni Jesus sa Juan 8:44.

2. Basahin ang 1 Juan 3:10. Sino daw ang mga hindi anak ng Diyos?

II. Aral ng Talinghaga

A. Maliwanag na Kahulugan

1. Inihahasik ng anak ng Tao---si Jesus---ang mga anak ng Kanyang kaharian sa sanlibutan.

2. Ang kaaway---si Satanas---ay naninira ng kadalisayan ng pananim at pinaghahalo niya ang kanyang mga anak kasama ng mga inihasik ng Anak ng Tao.

3. Sila ay magkasamang namumuhay sa daigdig at sa pagdating ng paghahatol paghihiwalayin ng Diyos ang triguhan sa mga masasamang damo.

B. Di-Tamang Pagpakahulugan

1. Maliwanag naman na sinabi ni Jesus na ang bukid ay ang sanlibutan (Mateo 13:38), ngunit may mga komentarista pa rin na nagsasabing ito raw ay ang iglesya.

2. Sa kanila, ito raw ang punto ng talinghaga ni Jesus:

a. may mga huwad na miyembro raw sa loob ng iglesya at

b. may permiso daw tayo na huwag pakialaman sila hanggang dumating ang mga anghel ng Panginoon sa panahon ng paghatol, at hayaan silang maghiwa-hiwalay ng huwad sa tunay na mananampalataya.

C. Lalabagin Nito ang Turo ng Bagong Tipan Tungkol sa Disiplina

1. Nais ni Satanas an maghasik ng kanyang mga damo sa tabi ng mga triguhan, at naghahasik din siya ng ilan sa loob ng iglesya.

2. Ngunit ang talingyagang ito ay hindi nagtuturo sa mga Cristiano na pabayaan lamang ang mga di-mananampalataya sa kapulungan ng iglesya.

3. Ano ba ang sabi ng 2 Juan 9-11 at 2 Cor. 5:2, 7?

v4. Ang talinghagang ito ay naglalaman ng mga aral ukol sa iglesya na nasa sanlibutan, hindi ito libreng paraan na ang sanlibutan ay pumasok sa iglesya.

D. Huwag Sapilitang Alisin ang mga Di-Mananampalataya sa Sanlibutan

1. Ang sinasabi ni Jesus ay hindi Niya pinahihintulutan na sapilitang alisin sa anuman paraan ang mga di-mananampalataya dito sa sanlibutan.

2. Handa na nga kasi ang mga alagad na sikwatin ng karit at tanggalin na ang mga anak ng demonyo.

a. Iyan din ang panalangin ng mang-aawit --- Awit 68:2

b. Hiling din nina Juan at Santiago (Jacobo) sa Lukas 9:54

3. Patunay ng kasaysayan

a. Pinatutunayan ng kasaysayan na matuwid ang payong ito ni Cristo

b. Sa tuwing may panrelihiyong pagkilos upang tanggalin sa sanlibutan ang paganismo, ang tunay na iglesya ang siyang karaniwang na nagdurusa.

c. Basahin lamang ang Foxe's Book of Martyrs at mababasa natin sa buong kasaysayan ng iglesya ang mga pinagpapatay dahil sa kanilang pananalig ay mga tapat na mananampalataya, n apinatay ng mga naliligaw na taong masigasig na nag-aakalang ginagawa nila iyon dahil sa kanilang pagsunod sa Diyos.

d. Napakaraming pinahirapan at pinagpapatay ng Inquisition dahil sa kanilang paninindigan na kataasan ng Salita ng Diyos kaysa sa katuruan ng mga namumuno sa iglesya catolica.

E. Dagdag na Aral ng Talinghaga

1. Dito rin mahihimay ng husto ang mga simbolismo. Ang tunay na damo ay hindi maaaring maging triguhan, subalit ang anak ni Satanas ay maaaring maging isang anak ng kaharian. Ito ang buong pakay ng kaligtasan:

a. Anong sinasabi ng Efe. 2:3?

b. Sabi rin ng Efe. 2:2 at 19 – na tayo raw ay binigyan ng bagong kalikasan at binago mula sa “taong suwail” patungo sa pagiging “kabilang sa Kanyang sambahayan.”

c. Tayo ay “Kanyang nilalang (His workmanship), nilikha sa pamamagitan ni Cristo Jesus upang iukol natin ang ating buhay paggawa ng mabuti.”

d. Ibig sabihin, nagsimula tayo bilang mga masamang damo at binago ng Diyos at ginawang mga triguhan.

2. Hindi natin mapipilit na magbago ang masamang damo.

a. Hindi rin natin sila dapat bunutin sa bukid (sanlibutan) o piliting mamuhay ayon sa mga espirituwal na tuntunin ng kaharian.

b. Walang saysay at pag-aaksaya lamang ng panahon na pagsikapang sila’y magbunga ng mahusay na ani. Kung hindi rin lang sa bagong kapanganakang galing sa Diyos, walang masamang damo na maaaring maging triguhan.

c. Ito ang payo ni Jesus sa Mateo 7:6. Basahin.

d. Hindi tayo inutusan ni Cristo na kondenahin ang sanlibutan o pilitin itong sumunod sa mga tuntutin ng kaharian Niya. Ang panangutan natin ay mangaral laban sa mga kasalanan nito, ipahayag ang Mabuting Balita (Mateo 28:19-20) at mamuhay bilang isang mabuting halimbawa ng katuwiran.

III. Ang Plano

A. Pagsasahiwalay ng Masamang Damo

1. Sa panahon ng pag-ani, ihihiwalay ang mga masasamang damo sa triguhan.

a. Ang gagawa ng pagsasahihiwalay ay ang mga anghel (Mat. 13:39).

b. Sila ang magsasakatuparan ng paghahatol sa katapusan ng panahon.

c. Sino ang mga masasamang damo ayon sa t. 40? At saan daw sila itatapon (t. 42)?

d. At sila raw ay mananangis doon at magngangalit ang mga ngipin!

e. Ang mga matuwid naman ay magliliwanag na parang araw --- larawan ng pananahan sa kaharian ng Diyos.

2. Paano malalaman ng mga tagapag-ani kung sino ang masamang damo o triguhan?

a. Ang kanilang espirituwal na bunga ang batayan.

b. Hindi makakayanan ng mga masasamang damo na magbunga ng katuwiran, yaon lamang mga triguhan ang may tanging kakayahan na magbunga nito. Basahin ang Mat. 7:18.

c. Ang lengguwahe ng talinghaga ang nagpapatunay nito: ang mga masasamang damo ay tinatawag na “nagiging sanhi ng pagkakasala at… gumagawa ng masama” (t. 41). Ang triguhan ay tinatawag na “mga matuwid” (t. 43).

B. Hindi Sinasabi ng Talinghagang Ito

1. Huwag daw tayong makialam sa malaking kaibahan ng mga masasamang damo sa triguhan;

2. Tanggapin daw natin ang mga masasamang damo na kapuwa triguhan;

3. Huwag daw tayong makialam sa mga kasalanan ng mga naliligaw;

4. Kalimutan daw natin na may mg analiligaw na masamang damo sa bukid at hayaan natin sila sa kapahamakang nag-aabang sa kanila.
· Simple lang ang sinasabi nito, hayaan natin ang huling paghahatol at paghihiganti sa kamay ng Diyos at Kanyang mga anghel.

Pagtatapos

Ipinangaral ni Pastor Larry John Sy sa Disciples of Christ Comunity Church
(Hinalaw mula sa aklat ni Dr. John MacArthur, Jr., The Gospel According to Jesus)

©2011 The Expositor.Org. All rights reserved. Since September 1999.