Ang Mabuting Balita Ngayon: Mabuti Nga Ba O Masama?

Panimula

Pagtalakay

I. Kaunting Kasaysayan

A. Noon, walang pumapansin sa pananaw na maaari kang maligtas kahit hindi makitaan ng pagbabago sa iyong buhay.

1. Sa taong 1918, si Lewis Sperry Chafer ay sumulat ng aklat na He That is Spiritual na ang itinuturo ay mayroon daw dalawang uri ng Cristiano---makalaman (karnal) at espirituwal.

a. Ang pagkakahating ito ay batay sa di-tamang pagkaunawa ng 1 Cor. 2:15-3:3.

b. Ayon kay Chafer, ang “karnal” na Cristiano ay mga taong kung mamuhay ay parang mga di-ligtas.

2. Ang aral na ito ay naging batayan ng panibagong paraan ng pagkaunawa sa ebanghelyo.

B. Nang mailathala na ang aklat ni Chafer, itinuring itong napaka-krontrobersyal dahil sa kumontra ito sa pagkaunawa ng iglesya ayon sa kasaysayan tungkol sa relasyon ng pananampalataya at gawa.

1. Maaari nga talagang kumilos ayon sa laman ang mga Cristiano, ang pamumuhay ayon sa laman ay hindi isang hiwalay na kalagayan ng pamumuhay sa espiritu. Maaaring nagkakasala ka, subalit, hindi ka namumuhay o nagpapatuloy sa kasalanan (1 John 3:9-10).

a. Ang aral na ito ni Chafer ay nakakapareho sa doktrina ng “ikalawang pagpapala,” “ikalawang gawa ng biyaya,” o “higher life.”

b. Ang doktrinang ito’y taliwas sa Efeso 1:3; Colosas 2:9-10 and 2 Pedro 1:3.

II. Di-tamang Pagkakatabas ng Salita (2 Timoteo 2:15)

A. Ang “Paghahati-hati ng Panahon” o “Dispensationalism” ay isang tamang sistema ng pag-unawa sa panukala ng Diyos sa kasaysayan, lalo na sa natatanging panukala Niya sa bayang Israel at sa iglesya.

1. Ngunit may mga umabuso sa sistemang ito ng pagpapaliwanag ng Salita ng Diyos at lumikha sila ng di-makabibliyang pagkakaiba ng “pagiging karnal o espirituwal.”

a. Ibang halimbawa pa nito ay pagkakaroon ng paghihiwalay ang kaligtasan sa pagiging alagad, pananampalataya sa pagsisisi, at ng panahon ng batas kontra sa panahon ng biyaya.

b. Pati nga ang Sermon sa Bundok (Sermon on the Mount) ay sinasabing wala raw kinalaman o gamit sa mga Cristiano ngayon. Ngunit, wala namang ipinangaral si Jesus na mawawalang-kabuluhan pagdating ng ibang panahon (Lukas 19:10; Mateo 9:13; Juan 3:17).

2. Ang pagkakaibang ito ay nagdulot ng aral na may kaibahan ang kaligtasan noon sa Lumang Tipan at sa Bagong Tipan.

a. Totoong may mahalagang pagkakaiba ang batas sa biyaya. Ngunit di-tamang sabihin na ganap ang pagkakahiwalay nila sa panukala ng Diyos para sa anumang panahon.

b. Noon pa man ay dahil na rin sa kagandahang-loob ng Diyos at sa pamamagitan ng pananampalataya ang kaligtasan, hindi ayon sa gawa ng batas (Gal. 2:16). Pati nga mga mananampalataya sa Lumang Tipan ay napawangsala sa pamamagitan ng pananampalataya (Roma 4:3, 6-8, 16).

B. Ang maling pagpapakahulugan na ito ay nagbunga sa aral na maaaring tumanggap ang sinuman kay Jesus bilang Tagapagligtas ngunit di naman nagpapasakop sa Kanyang pagka-Panginoon. Nahahati tuloy nila si Cristo (1 Cor. 1:13).

1. Ang tunay na kagandahang-loob ay di lamang nakapagpapabago ng kalagayan ng tao sa harap ng Diyos. Babaguhin din nito ang kanyang pagkatao (Tito 2:12).

2. Ang tunay na pananalig ay higit pa sa pagtanggap ng mga katotohanan. Tumatawag ito ng pagsisisi, pagsuko at pagnanais na sumunod (1 Tesalonika 1:9).

3. Sa mismong labi ni Jesus sinabi Niya, “Kayo’y pagpapahingahin Ko,” at sinundan Niya ng, “pasanin ninyo ang Aking pamatok” (Mateo 11:28-29).

C. Tayo ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya, hindi sa gawa (Efe 2:8-9), Subalit, ang pananampalatayang nakapagliligtas ay ang pananampalatayang gumagawa (Santiago 2:14, 17). Ang kaligtasan ay kaloob, ngunit ang naging halaga nito ay lahat.

1. Una, may pagsisisi ang tunay na panananalig. Nangangahulugan ito na kung paano tayong nasusuka sa buhay ng pagkakasala, tayo rin ay naaakit sa habag ng Tagapagligtas (Lukas 18:10-14).

a. Ang pananalangin ng publikano ay hindi masasabing gawa ng tao o isang paraan upang makamit ang katuwiran. Nagpapakita ito ng kanyang lubos na pagbitiw ng pagtitiwala sa mga pan-relihiyon niyang gawain.

b. Ang larawang ito ay nagtuturo na ang pagsisisi ay nasa kalagitnaan ng pananampalatayang nakapagliligtas (Mateo 5:3).

2. Metanoia sa Griyego ang salitang “pagsisisi,” nangangahulugan ito ng “pagbabago ng isip.”

a. May iba na gustong limitahan ang pagsisisi sa pagbabago lamang ng isip tungkol kay Jesu-Cristo pero wala na raw itong kinalaman sa asal niya sa kasalanan at hindi kinakailangang magbunga ito sa pagbabago sa uri ng kanyang pamumuhay.

b. Ngunit ang pagsisisi ay higit pa sa pagbabago lamang ng isip. Kasama nito ang pagbabago ng direksyon---ganap na pagbabago ng puso, asal at mga pinagkakaabalahan. Sa ibang salita, pagbabalik-loob (conversion) [Lukas 3:7-8].

3. Ang tunay na mananampalataya ay hindi mananatiling rebelde—o kaya’y walang pakialam. Ang tunay na pananampalataya ay tiyak na magbubunga ng pagsunod.

a. Sa Biblia, katumbas ng pananampalataya ang pagsunod (Juan 3:36; Roma 1:5, 2 Tesa. 1:8).

b. Ang pananampalataya at gawa ay hindi magkatunggali. Ang tawag ni Jesus sa pananalig ay isang gawain (John 6:29)—hindi gawain ng tao, kundi mabiyayang gawain ng Diyos sa atin.

c. Dinadala sa atin ng Diyos ang pananampalataya, tapos ay binibigyan Niya tayo ng kakayahang manalig at tumalima (Rom. 16:26).

4. Ang kaligtasang ayon sa pananampalataya ay hindi nagpawawalang-halaga sa gawa (Eph. 2:10). Hindi kailangan ang gawa upang maligtas. Ngunit, ang tunay na kaligtasan ay hindi mabibigong magbunga ng mga mabubuting gawa (Matt. 7:17).

5. Tayo nga’y maaaring magkasala (1 John 2:1)—at tiyak na magkakasala—ngunit patuloy na gumagawa ang Diyos sa atin upang mapaging-ganap hanggang sa araw ni Cristo (Phil. 1:6, 2:13; 1 Tesa. 5:23-24).

Ipinangaral ni Pastor Larry John Sy sa Disciples of Christ Comunity Church
(Hinalaw mula sa aklat ni Dr. John MacArthur, Jr., The Gospel According to Jesus)

©2011 The Expositor.Org. All rights reserved. Since September 1999.