Pagpapakita ng Habag
Mateo 5:7
Abril 15
“Mapapalad ang mga mahabagin, sapagkat sila'y kahahabagan.” (Mateo 5:7)
* * *
Maraming paraan na maipapakita ang kahabagan.
Ang Diyos ay nalulugod sa kahabagan, at bilang mananampalataya may pribilehiyo ka maipakita ang kahabagan sa maraming paraan. Sa kalagayang pisikal maaari kang magbigay ng salapi sa mahirap, pagkain sa nagugutom, o isang higaan para sa walang matirhan. Nais ng Diyos lagi ito ginagawa ng Kanyang bayan. Sinabi ng Deuteronomio 15, “Kung mayroon sa inyong isang dukha, … ay huwag mong pagmamatigasin ang iyong puso, ni maging maramot sa iyong dukhang kapatid; kundi iyo ngang bubuksan ang iyong kamay sa kanya, at papautangin mo siya ng sapat para sa kanyang pangangailangan maging anuman iyon” (tt. 7-8). Nagtuturo ang mga talatang 12-15 sa mga Israelita na nagpalaya ng isang alipin na bigyan sila ng tulong sa kanilang mga pangangailangan. Iyan ang magagawa natin na may kahabagan.
Sa kalagayang espirituwal maaari mong ipakita ang kahabagan sa pamamagitan ng pagka-awa sa ligaw o nawawala. Sinabi ni San Agustin, “Kung iiyak ako para sa nalabing katawan ng kaluluwang namayapa na, paano ako iiyak sa kaluluwang iyon na iniwan na ng Diyos?” (binaggit ni Thomas Watson sa The Beatitudes, p. 144). Nagluluksa tao sa ating mga namatay, subalit nagluluksa din ba tayo gayon para sa mga nawawalang kaluluwa? Nang binabato si Esteban, kinaawan niya ang mga sawing-palad na mga mamatay-tao, hiningi niya sa Diyos na sila’y patawarin (Mga Gawa 7:60). Gayon din ang ginawa ni Jesus (Lukas 23:34). Gayon din dapat ang ating maging ugali.
Isa pang paraan ng pagpaoakita ng kahabagan ay ang sawayin ang kasalanan. Sinasabi ng 2 Timoteo 2:24-25, “Ang alipin ng Panginoon ay hindi dapat makipag-away, kundi maamo sa lahat, …tinuturuan nang may kaamuan ang mga sumasalungat, baka sakaling pagkalooban ng Diyos ng pagsisisi tungo sa pagkakilala sa katotohanan.” Ang sawayin ang mga makasalanan ay kahabagan at pag-ibig dahil nagbibigay ito sa kanila ng pagkakataong magsisi at mapatawad.
Ang panalangin ay isa ring gawain ng kahabagan, gaya rin ng pangangaral ng mabuting balita. Sa katunayan, ang pagbabahagi tungkol kay Cristo sa isang tao ay isang gawaing pinaka-mahabagin!
Marami pang ibang paraan upang maging mahabagin, subalit umaasa akong ang ito’y magpapasigla sa inyong pag-iisip at humamon sa inyong makatuklas pa mas maraming pang paraan upang maibahagi ninyo ang mayamang habag na ipinakita ng Diyos sa inyo.
* * *
Mga Suhestiyon para sa Ipanalangin: Pasalamatan ang Diyos para sa mga kahabagan na iyong natanggap mula sa iba. * Pakinabangan ang bawat pagkakataon na makapaglingkod sa iba.
Para sa Karagdagang na Pag-aaral: Alamin kung sino ang tmatanggap ng kahabagan ayon sa mga sumusunod na talata: Mateo 6:1-14; Tito 3:5-6; Hebreo 4:14-16; Santiago 2:13; and 1 Pedro 2:9-10.
Isinalin ni Pastor Larry John Sy
(Hinalaw mula sa Debosyonal ni Dr. John MacArthur, Jr., Drawing Near)
©2008 The Expositor.Org. All rights reserved. Since September 1999.