Pagsunod sa Halimbawa ni Cristo
Mateo 5:7

Abril 14

“Mapapalad ang mga mahabagin, sapagkat sila'y kahahabagan.” (Mateo 5:7)

* * *

Ang habag ay kumikilos na pakikiramay.


Ang habag ay hindi katangian ng tao. Ito ay kaloob ng Diyos sa mga taong naghahagilap sa Kanya. Sinabi ng Awit 103:11, “Sapagkat kung paanong ang mga langit ay mataas kaysa lupa, ang kanyang tapat na pag-ibig sa mga natatakot sa kanya ay gayon kadakila!”

Ang pandiwang “mahabagin” ay mababasa ng maraming beses sa Kasulatan at nangangahulugan ng “maging mahabagin sa,” “tumulong sa may dalamhati,” “tumulong sa mga hamak,” o “sagipin ang kapus-palad.” Karaniwan tumutukoy ito sa anumang gagawin mo para sa ipakikinabang ng isang taong nangangailangan. Ang anyong pang-uri nito ay ginamit ng makalawang ulit – dito sa Mateo 5:7 at sa Hebreo 2:17, na kung babasahin ay, “Kaya't kailangang Siya'y maging kagaya ng kanyang mga kapatid sa lahat ng mga bagay, upang Siya ay maging isang maawain at tapat na pinakapunong pari…” Si Cristo Mismo ay parehong pinagmumulan at larawan ng kahabagan.

Naging huwaran si Cristo ng kahabagan sa tanang Gawain Niya sa lupa. Pinagaling Niya ang maysakit at pinalakad ang pilantod. Nagbigay Siya ng pagkakakita sa bulag, pandinig sa bingi, at pananalita sa pipi. Niyakap ng Kanyang mapanubos na pag-ibig ang lahat ng uri ng makasalanan. Umiyak Siyang kasama ng mga nahahapis at inaliw ang mga nalulungkot. Niyakap Niya ang mga maliliit na bata at pati na matatanda. Ang Kanyang habag ay kumikilos na pakikiramay!

Sa kabila ng mayaman Niyang habag, si Jesus ay di nakatanggap ng habag mula sa Kanyang mga kaaway. Kinamuhian Siya nang walang dahilan, pinaratangan ng walang katotohan, binugbog Siya, ipinako Siya sa isang krus, dinuraan, at Siya’y minura. Gayun pa man inihingi Niya ng awa sila, na nananalangin, “Ama, patawarin Mo sila; sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa” (Lukas 23:34).

May ilan na ipinakakahulugan ang Mateo 5:7 na nagsasabi daw ito na kung magpapakita ka ng habag sa iba, kahahabagan ka rin nila. Ngayon, iyan ay maaari mangyari sa mangilan-ngilan na pagkakataon, subalit hindi laging ganyan dito nabubulok na mundo – tulad ng maliwanag na ipinakita ng buhay ni Jesus. Marami nang Cristiano ang nakaranas ng paninirang-puri, nasaway, nademanda, at pait na kamatayan dahil sa kanilang mga marangal na gawain. Hindi ginarantiyahan ni Jesus na tatanggap din tao ng mahabaging pagtrato mula sa ibang tao. Ang Kanyang binigyang halaga ay nagbibigay ang Diyos ng habag sa mga taong nagpapakita ng habag sa iba.

Huwag kailanman mag-aatubili na magpakita ng habag sa iba – kahit na hindi nila maunawaan o tratuhin ka pa ng masama. Gagamitin ng Diyos ang iyong kabaitan para sa Kanyang kaluwahatian and gagantimpalaan ka Niya.

* * *

Mga Suhestiyon para sa Ipanalangin: Purihin si Jesus para sa pagkukusa Niyang magdusa ng kamatayan upang ikaw ay tumanggap ng kahabagan. * Mayroon bang isang tao na maaari mong pakitaan ng habag ngayon na may tiyak na parang kapaki-pakinabang?

Para sa Karagdagang na Pag-aaral: Basahin ang Juan 5:1-18. * Paano ba ipinakita ni Cristo ang Kanyang habag sa taong maysakit? * Paano gumanti ang mga pinuno ng relihiyong Judaismo?

Isinalin ni Pastor Larry John Sy
(Hinalaw mula sa Debosyonal ni Dr. John MacArthur, Jr., Drawing Near)

©2008 The Expositor.Org. All rights reserved. Since September 1999.