Ang Kaligayahan ay...
Mateo 5:3-10

Abril 2

"Mapapalad ang mga dukha sa espiritu, mga nahahapis, mga mapagpakumbaba, mga nagugutom at nauuhaw, mga mahabagin, mga may malinis na puso, mga mapagpayapa, at mga inuusig dahil sa katuwiran." (Mateo 5:3-10)

* * *

Sa pamantayan ng sanilbutan, ang pakahulgan ni Cristo ng kaligayahan ay kasindak-sindak at pasalungat!


May pagsusulit sa isang tanyag na babasahin na ipinakikita na ang mga maliligayang tao ay yaong nasisiyahang kasama ang ibang tao ngunit hindi nagsasakripisyo ng sarili, na ayaw makisali sa mga negatibong damdamin, at may palagay na may natapos na silang gawin batay sa kanilang sariling-kasapatan.

Subalit naiiba ang paglalarawan ni Jesus sa mga maliligayang tao. Sa katunayan, ipinakikita Niya sila bilang mga espirituwal na namamalimos na inaaming wala silang anumang kakayahan sa kanilang sarili.Sinabi Niya na sila ay mapagpakumbaba kaysa sa palalo, nahahapis sa kasalanan, isinasakripisyo ang sarili, at handang magtii ng pang-uusig upang madala a panunumbalik ang tao sa Diyos.

Sa pamantayan ng sanlibutan, mas mukhang paghihirap iyan kaysa sa kaligayahan! Subalit di nauunawaan ng mga taga-sanlibutan na ang karaniwang naiisip na paghihirap ay sa katunayan ang susi sa kaligayahan.

Sundan ang pagsulong ng nasa isip ng Panginoon: ang tunay na kaligayahan ay nagsisimula sa pagiging "dukha sa espiritu" (t. 3). Ang ibig niyang sabihin may tama kang pananaw sa kasalanan, na aakay sa iyo na "mahapis" dito (t.4).Ang kahapisan sa kasalanan ay nagbubunga ng kababaang-loob na tutungo sa pagkagutom at pagkauhaw sa katuwiran (tt.5-6), na magbubunga sa kahabagan, kalinisan ng puso, at isang mapagpayapang espiritu (tt.7-9) -- mga asal na nagdudulot ng tunay na kaligayahan.

Kapag naitatanghal mo ang mga asal na ito, maasahan mong ikaw ay alipustahin, uuigin, at pararatangan ng walang katarungan (tt.10-11) dahil ang iyong buhay ay nakayayamot na saway sa mga makaanlibutang tao. Ngunit kahit na sa gitna ng pang-usig, maaari kayong magalak, at magsaya, sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit" (t.12).

Ikaw ay isa sa mga ilawan ng Diyos sa isang madilim sa kasalanang mundo (t.15), at habang karamihan sa mga tao ay tatanggi kay Cristo, ang iba naman ay maaakit sa Kanya sa pamamagitan ng patotoo ng iyong buhay. Maging tapat sa Kanya ngayon, upang magamit ka Niya sa ganyang paraan.

* * *

Mga Suhestiyon para sa Ipanalangin: Pasalamatan ang Diyos para sa biyaya na Kanyang ibinibigay sa iyo, upang magkaroon ka ng mga asal na pinagpala. * Hilingin sa Kanya na gawin kang isang maningning na liwanag sa buhay ng isang tao ngayon.

Para sa Karagdagang na Pag-aaral: Basahin ang 1 Pedro 2:1-23. * Paano ba tumugon si Jesus sa pang-uusig? Paano ka ba dapat tumugon?

Isinalin ni Pastor Larry John Sy
(Hinalaw mula sa Debosyonal ni Dr. John MacArthur, Jr., Drawing Near)

©2008 The Expositor.Org. All rights reserved. Since September 1999.