Pagpapawalang-sala ng Diyos sa Pamamagitan
ng Pananampalataya Lamang
Galacia 2:11-21
Panimula
- Ang kauna-unahang relihiyon ng gawa --- sa gawa ng tao nagiging matuwid o ligtas siya --- ay pinasimulan ni Cain nang maghain siya (sakripisyo) ng mga bunga ng kanyang pananim sa Panginoon. Nagkasala siya ng makalawa dahil ---
- pasuway na nag-alay siya ng maling uri ng handog;
- inialay niya ito sa hindi nararapat na asal --- buong yabang niyang inakala na yaiong inialay niya, kahit pa ito hindi umaayon sa itinakda ng Diyos, ay nararapat na tanggapin ng Diyos tulad ng pagtanggap Niya sa alay ni Abel na umaayon sa Kanynag itinakda.
- Dahil tinaggihan ni Cain ang itinakdang pansakripisyong hayup ng Diyos, tinaggihan na rin niya ang inilaang nakapagliligtas na paghalinhin ng kanyang Anak na siyang itinuturo ng pag-aalay na ito ng dugo ng hayup.
- Si Abel naman, dahil sa sinunod niya ang pagsasakripisyo ng dugo ng hayup na siyang itinakda ng Diyos, may pananalig na lumukso siya sa libong taon makalilipas at naabot niya ang krus. Tinanggap ng Diyos ang alay niya hindi dahil mayroon itong pang-espirituwal na pakinabang, kundi dahil inihandog niya ito nang may pagsunod at pananampalataya.
- Mula sa panahon nina cain at Abel, palagi nang may 2 mukha ang relihiyon ng tao --- ayon sa gawa at ayon sa pananampalataya.
- Pansinin ito ----
| Ayon sa Gawa | Ayon sa Pananampalataya |
| 1– Ayon sa paraan ng tao, anuman ito, sumusunod sa kasinungalingan ni Satanas at paraan ni Cain | -- Ayon sa paraan ng Diyos ay sumusunod sa paraan ni Abel --- ang daan ng grasya at kapatawaran. |
| 2—Mga nagtindig ng Tore at Babel | -- si Noe at ang kanyang pamilya. |
| 3—ang nakararaming tao sa mundo. | -- si Abraham at ang kanyang mga kasambahay. |
- Yaong mga tagasunod sa makipot na daan ng pananampalataya ay palaging kakaunti, ngunit sa mga matapat na natitira, hindi tumitigil ang pagpapala ng Diyos at hindi pumapalso ang kanyang mga pangako.
- Sa panahon ng kapanganakan ni Jesus, ang natitirang pananampalataya ay sina Maria, Jose, Elizabeth, Zacharias, Anna, Simeon at iba pa sa kanilang mga pangalan ay di binanggit ng Biblia.
- Inilalagak nila ang pagtitiwala sa Diyos ng Israel para sa kanilang ikaliligtas at sa kanilang paniniwala sa Lumang Tipan bilang inihayag na Salita ng Diyos.
- Tapat nilang sinunod at kusang-loob na iniayon ang kanilang ikinikilos sa mga itinakdang seremonya at pamantayan ng Diyos, habang kanilang naipapakita ang kanilang pagtitiwala na Panginoon mismo, hindi roon sa pagganap ng mga seremonya at pamantayan.
- Karamihan sa mga punong-panrelihiyon ng Judaismo --- na karaniwan ang mga Pariseo at eskriba – ay buong yabang na naniniwala na ang kanilang panrelihiyong gawain ay naglalagay daw sa kanila sa espesyal na grasya/pabor ng Diyos at nabibigyan daw sila ng kapatawaran sa kanilang kasalanan.
- Mula sa ganitong samahan ng mga legalistang Judio nanggaling ang mga maka-Judio (Judaizers); nagsasabing sila’y sumusunod daw kay Cristo ngunit nagtuturo na kailangang matuli ang Hentil at sumunod sa batas ni Moises bago siya maligtas, at ang lahat ng mananampalataya, Judio man o Hentil, ay kailangang patuloy na ganapin ang kautusan upang mapanatili ang relasyon sa Diyos.
- Ang kanilang itinuturo ay hindi lamang nabaluktot ang Mabuting Balita kundi pati ang aral ng Lumang Tipan --- kung saan ang paraan ng kaligtasan ay dati na at tanging sa pamamagitan ng nananampalatayang pagsunod sa Diyos.
- Ang mga maka-Judio ay hindi nagtuturo ng doktrina ng Lumang Tipan, kundi ang doktrina ni Satanas, na matatanggap ng Diyos ang isang sa pagpapakita niya ng kanyang sariling kabutihan at mga mabuting gawa.
- Kaya nga ang tawag ni Pablo sa kanila ay “mga taong asal-hayup, mahihilig sa paggawa ng masama, at nagpupungos ng maselang bahagi ng katawan” (Filipos 3:2). [false circumcision].
- Sinasabi ni Pablo na ang isang di-mananampalataya, anuman ang kalagayan niya sa pagka-Judio, ang kanyang pagtutuli ay hindi na tataas pa sa mala-paganong pagpupungos (mutilation) ng maselang bahagi ng katawan [Roma 2:28-29].
- Ngunit mula ng dumating si Cristo mga Cristiano lamang ang maaaring “mabago ang puso’t kalooban” [circumcise in the heart] (Filipos 3:3).
- Kaya dito sa Galacia 2:11-21, ipinagpatuloy ni Pablo ang pagtatanggol sa kanyang pagka-apostol nang isalaysay niya kung paano niya sinaway si Pedro --- na kinikilalang haligi ng iglesya. Ipinaliwanag niya kung paano lumihis si Pedro sa Mabuting Balita at saka niya inihayag ang tunay na mensahe nito.
Pagtalakay
I. Paglihis ni Pedro (2:11-13)
A. Hayagang Saway (t. 11)
1. Mahalaga ang pangyayaring ito dahil nga sa ikinalat ng mga maka-Judio sa mga iglesya sa Galacia na hindi tunay ang pagka-apostol ni Pablo.
2. Hindi lamang kapantay ni Pablo ang iba pang mga apostol kundi nasaway pa niya si Pedro (Cephas) --- siya ang kinikilalang tagapanguna ng 12 apostol. Paano sila magkapantay?
a. Parehong silang naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya dahil sa kagandahang-loob ng Diyos.
b. Pareho silang direktang/personal na pinili ng nabuhay na muling Cristo upang maging mga apostol;
c. Pareho rin silang ginamit ng Banal na Espiritu sa pagtatatag at pagtuturo sa iglesya.
d. Maaari ngang hatiin ang aklat ng Gawa na paganito –-
1) mula sa Gawa 1-12 --- nakasentro sa gawain ni Pedro;
2) mula sa Gawa 13-28 --- nakasentro sa gawain ni Pablo.
3. Hayagang sinaway ni Pablo si Pedro dahil malinaw na mali ang kanyang ginagawa.
a. hayagang sinabi – (opposed to his face) dala nito ang kahulugan ng pagpigil o pagbabawal.
b. Dahil lamang sa lumayo si Pedro sa mga Hentil, para na rin niyang kinampihan ang mga maka-Judio sa pagmamaliit sa mga itinuro ni Pablo --- lalo na ang tungkol sa doktrina ng kaligtasan.
4. maling ginagawa --- (he stood condemned)
a. Hindi naman siya nawalan ng kaligtasan.
b. Kundi siya ay “guilty” --- nagkasala sa kanyang pagkakamali.
c. Tiyak na litaw sa mga Hentil na mananampalataya ang kanyang pagkakasala at sila rin ay nasaktan sa kanyang ginawa, dahil na rin sa matibay na kaalaman nila sa Mabuting Balita, sila rin ang nalito kay Pedro.
5. Kaya’t bago lalo pang makasira ang ginawang kompromiso ni Pedro sa iglesya ng Antioquia, ginamit ng Diyos si Pablo upang putulin na kaagad ang kamalian.
a. Dahil dito, binigyan din ng Diyos si Pablo ng isa pang mas malakas na katibayan na magpapatunay ng kanyang kapangyarihan bilang apostol.
B. Dahilan ng Saway (t. 12)
1. Nasa Antioquia na si Pedro bago pa dumating ang mga maka-Judio.
a. Ilang lalaking oinapaunta ni Jacobo (James).
1) Sila’y mga maka-Judio na nagsasabing galing daw o sinugo sila ni Jacobo.
2) Hindi totoo ito dahil si Jacobo pa nga ang nagbigay buod sa desisyon ng konseho sa mga maka-Judio (Gawa 15:13, 19).
2. Pagkakamali ni Pedro
a. Sumasalo na siya sa mga kainan at pagtitipon ng mga Hentil na mananampalataya---pagpapakita ito ngkanilang kaisahan at pag-uugnayan (fellowship).
b. Nang dumating ang mga maka-Judio, siya ay unti-unting lumalayo sa mga Hentil na kapatiran.
1) Hindi na siya nakisalo;
2) Dahil sa takot sa pangkat ng mga Judio;
3) Hindi naman siya papatayin ng mga ito dahil naghayag naman silang mga Cristiano din --- kaya’t wala silang awtoridad mula sa Sanhedrin para magpakulong, manghuli o pumatay.
4) Ang magagawa lamang nila ay hiyain o pagtawanan siya.
5) Natakot siyang mawala ang kanya katanyagan sa grupo ng mga maka-Judio.
c. Ngunit alam ni Pablo ang mga bagay na ito nang higit sa ibang apostol.
1) Narinig niya kay Jesus na lahat ng uri ng pagkain ay malinis na kainin ng Cristiano at ang pagkakapantay ng mga mananampalataya [Marcos 7:18-19].
2) Sinabi rin niya sa Gawa 10:34.
3) Sa konseho ng Jerusalem--- hayagan niyang sinaway ang mga maka-Judio [Gawa 15:7-11]
d. Bukod dito nagpapakita rin ito ng pagiging mapagtangi sa loob ng iglesya.
C. Naging Bunga (t. 13)
1. Dahil sa naging halimbawa ni Pedro; napagaya sa kanya ang iba pang mga kapatirang Judio at pati na si Bernabe.
a. Si Bernabe ay kasalukuyang isa sa mga pastor doon sa Antioquia.
2. Aral na makukuha sa kamalian si Pedro.
a. Kahit na mahusay at pinagpalang ministro / manggagawa ng Mabuting Balita ay maaaring makagawa ng malaki at seryosong pagkakamali --- minsan doon pa sa kamalian o kasalanan na buong tapang nilang sinasaway sa pangangaral laban dito.
* Sinasabi ng dalubhasa ng Vatican, hindi raw ito ang unang papa, kapangalan lamang daw ito.
b. Ang katapatan ay higit pa sa paniniwala sa tamang dokotrina. Pagkukunwari ang bunga ng tamang doktrina ngunit di-tamang asal.
c. Mas mahalaga ang katotohanan kaysa sa panlabas na pagkakasundo at kapayapaan.
d. Hindi nga makataong situwasyon ang nagdidikta kung ano ang tama o mali.
e. Ang kamalian ay di-dapat binabalewala, kahit na maraming hindi magandang reaksyon sa paglaban dito [1 Timoteo 5:20].
II. Doktrina ni Pablo (2:11-21)
A. Reaksyon ni Pablo (t. 14-15)
1. Agad na hinaharap at sinaway ni Pablo ang kamalian ni Pedro ---
a. sapagkat hindi na sila namumuhay ayon sa tunay na diwa ng Mabuting Balita;
2. Sa harapan ng lahat --- dahil sa harapan ng lahat ang pagkakasala ni Pedro, dapat din na sa publiko ang gawing pagsaway at pagtutuwid sa kanya.
3. Hinayag ni Pablo ang pagpapaimbabaw ni Pedro
a. Si Pedro na isang Judio ay namuhay na parang isang Hentil, kasama / nakisalamuha sa mga kapatirang Hentil;
b. Di-bilang isang Judio, hindi niya ginawang dahilan ang kanyang pagka-Judio para makisalamuha sa mga kapatiran.
c. Sa ikinilos niya mula ng dumating ang mga maka-Judio, parang pinipilit niyang mamuhay na gaya ng Judio ang mga Cristianong Hentil.
B. Ipinahayag ang Doktrina Niya (t. 15-16)
1. Bilang dating Judio, alam nila ang mamuhay ayon sa kautusan.
a. kami --- kasama sina Pablo, Pedro, Bernabe at iba pang Cristianong Judio;
b. Sa pananampalataya kay Jesu-Cristo sila naligtas at hindi sa kanilang pamumuhay ayon sa kautusan.
2. makasalanang Hentil --- terminong pang-legal
a. Sa isip ng mga Judio, makasalanan ang mga Hentil dahil wala silang kautusan na gagabay sa kanila na mamuhay ng matuwid at magbigay lugod sa Diyos.
b. Kahit na may uto o wala, hindi maliligtas kung hindi mananampalataya kay Cristo Jesus.
3. Pinawalang-sala dahil sa pananalaig kay Jesu-Cristo.
a. Ang ugat ng kasalanan ng tao ay nasa puso, wala sa gawain.
b. Kaya kahit anong pagtalima (gawa) ng tao sa kautusan walang taong mapapawalang-sala dahil dito [Roma 3:21-24, 28].
c. 3 beses na inihayag ni Pablo na ang kaligtasan ay tanging sa pananampalataya lamang kay Cristo at hindi sa pagtalima sa kautusan.
1) Pangkalahatan: ang tao’y pinawawalang-sala dahil sa pananalig kay Jesu-Cristo at hindi dahil sa mga ayon sa kautusan;
2) Personal: nanalig din kami kay Cristo Jesus upang pawalang-sala ng Diyos sa pamamagitan ng pananalig kay Cristo, at hindi sa pamamagitan ng pagtupad sa kautusan;
3) Unibersal: ang tao’y di mapawawalang-sala sa pamamagitan ng pagtalima sa kautusan.
C. Pinagtanggol ni Pablo (t. 17-21)
1. Kung tama ang mga maka-Judio, natagpuang makasalanan kami (mga Cristianong Judio).
a. Kung tama ang doktrina ng mga maka-Judio ---
1) kailangang magpatuli upang maligtas;
2) kailangang sundin ang batas ni Moises upang mapanatili ang kanilang kaligtasan.
b. Nagkasala na sila dahil buong laya silang nakisalo sa kainan at nakipag-ugnayan sa mga Hentil; ito’y mahigpit na ipinagbabawal ng batas/tradisyong Judaismo.
c. Ibig sabihin, hindi pa dumarating ang mga maka-Judio, matagal na silang nagkakasala sa Diyos!
2. Kung nagkasala nga ang mga Cristianong Judio dahil sa pakikipag-ugnayan sa mga Cristianong Hentil (na kapatiran), naging tagapagtanggol ng kasalanan si Cristo! Paano?
a. Maliwanag na nagturo si Jesus na walang anumang pagkain na makapagpaparumi o makapagbibigay ng kasalanan sa isang tao dahil hindi maapektuhan ng pagkain ang puso (Marcos 7:14-18, 19).
b. Sa Gawa 10, sa pamamagitan ng pangitain ng mga hayop na itinuturing na marumi at nang pagiging mananampalataya ni Cornelio, na isang Hentil, binigyan si Pablo ng Diyos ng matibay na katibayan na pantay sa lahat ng aspeto ang mga Hentil at Judiong Cristiano.
c. Itinuro rin ni Jesus sa maraming pagkakataon, na ang sinumang nakipag-isa sa Kanya ay nakipag-isa na rin sa lahat ng nanalig sa Kanya. Bago naaresto si Jesus, iyan ang Kanyang panalangin (Juan 17:21-23).
3. Kung tama ang maka-Judio, mali si Jesus
a. Kung sila nga naman ay nagtuturo ng katotohanan, kamalian ang naituro ni Jesus kaya nga Siya naging tagapagtaguyod o lingkod ng kasalanan!
b. Malamang na nanginig hanggang buto si Pablo sa paratang na ito.
1) Ang matawag na ipokrito ay nakakapaso na!
2) Ngunit ang maturingang makasalanan ay masakit sa loob;
3) At ang maparatangan na ginagawa nilang tagapagtaguyod ng kasalanan si Cristo ay nakabibigla at nakapang-iinsulto.
c. Ngunit sa lohika ni Pablo, dahil sa ikinilos ni Pedro para na rin niyang kinondena si Cristo!
1) Kaya’t marapat lamang na talikuran niya ang pagkampi sa mga maka-Judio o patuloy niyang mapalitaw na sinungaling ang kanyang Panginoon.
d. Sa tanong ni Pablo, nangangahulugan bang tagapagtaguyod ng kasalanan si Cristo? Ang matunog na sagot niya’y --- Hindi!
) Napakasakit siguro para kay Pablo na maisali si Jesus sa gawain o pagpapalawak ng kasalanan.
2) Ngunit ang panganib ng legalistang Judaismo ay hinihingi ang ganitong lohika.
3) Wala nang maisip na paraan si Pablo upang makumbinsi si Pedro at ang iba pa
4. Ipokrito si Pablo kung bubuuin niyang muli ang doktrinang winasak na niya.
a. Sandaling isinali ni Pablo ang sarili sa mga nakikikumpromiso upang mas maging malinaw ang kanyang paliwanag.
b. Sinabi niyang kung itatayo nga naman niya ulit ang sistema ng legalismo pagkatapos niyang ito’y wasakin sa pamamagitan ng pananalig at pangangaral ng mabuting balita ng kapangyarihan ng kagandahang-loob ng Diyos at ang kawalang pag-asa ng pagka-makasalanan ng tao, napatunayan na siya, hindi si Cristo, ang nagkasala.
c. Subalit hindi niya ito magagawa.
1) Dahil nga katunggali ng maliwanag na katotohanan ng Diyos ang panukala ng legalismo.
2) Isa pa, tinanggap na ni Pablo ang grasya ng Diyos at siya’y namatay na sa kautusan; hindi na siya makababalik.
d. Basahin ang Roma 7:1-2, 4 at 6:1-14
Pagtatapos
- Hindi makapayag si Pablo na mapawalang kabuluhan ang kagandahang-loob ng Diyos sa pamamagitan ng pagpapahintulot kay Pedro na ipakita na nakakahigit ang Judaismo kaysa sa Cristianismo.
- Kung ang pagiging matuwid ay makakamit ng tao sa pamamagitan ng pagsunod sa kautusan, nawalan ng kabuluhan ang kamatayan ni Cristo.
- Ang dalawang haligi ng Mabuting Balita ay ang kagandahang-loob ng Diyos at kamatayan ni Cristo, at ang dalawang haliging ito, dahil sa katangian nila, ang pilit na winawasak ng legalismo
Ipinangaral ni Pastor Larry John Sy
(Hinalaw mula sa Komentaryo ni Dr. John MacArthur, Jr.)
©2006 The Expositor.Org. All rights reserved. Since September 1999.