Kinilala ang Pagka-Apostol
Galacia 2:1-10
Panimula
- Tulad ng pagtuturo ni Jesus sa talinhaga ng triguhan at masamang damo (Mateo 13:24-30), tiniyak Niya na tuwing naitatanim ang mabuting binhi ng katotohanan ng Diyos --- naroroon din si Satanas upang maghasik ng kanyang binhi ng kasinungalingan.
- Kaya naman, habang buong katapatan at kapangyarihan na itinanim ni Pablo ang katotohanan ng Mabuting Balita, ang mga huwad na mangangaral ni Satanas ay nakabuntot naman at naghahasik ng kasinungalingan. Binalaan ni Pablo ang mga matatanda sa Efeso (Gawa 20:28-30) at si Timoteo (1 Timoteo 4:1-2) tungkol sa mga huwad na mangangaral.
- Mula sa Galacia 2:1-10, ipinagpatuloy ni Pablo ang pagtatanggol sa sarili laban sa mga paratang ng mga sugo ni Satanas na siya raw ay isang huwad na apostol at nangangaral ng inimbentong mensahe na hindi kapareho ng mensahe nina Pedro at iba pang apostol sa Jerusalem.
Pagtalakay
I. Pakikipagpulong ni Pablo (2:1-2)
A. Tatlong Pagkakataon na Bumisita sa Jerusalem
1. Ang unang pagkakataon ay nang makalipas ang mga tatlong taon mula nang si Pablo ay maligtas at tawagin sa paglilingkod.
a. Siya ay nakasama ni Pedro ng 15 araw sa Jerusalem (Gawa 9:26-28).
2. Siya’y bumalik sa Jerusalem sa pangalawang pagkakataon upang tulungan si Bernabe na madala ang pinansyal na tulong ng iglesya sa Antioquia para sa mga kapatid na nagugutom sa Judea (Gawa 11:27-30; 12:24-25).
3. Nakalipas ang 14 na taon pa at saka pa ulit, sa pangatlong pagkakataon, ay bumalik siya sa Jerusalem.
a. Ibig sabihin, 17 taon na nangangaral siya ng Mabuting Balita na hindi itinuro sa kanya ng tao --- ito’y ganap na kapahayagang diretsong nagmula sa Diyos (Gawa 1:11-12, 16-17).
b. Sa pagkakataong ito ay humarap na siya sa kalipunan ng mga matatanda at apostol sa iglesya ng Jerusalem. Kasama niya si Bernabe na pinapunta roon ng iglesya sa Antioquia (Gawa 15:1-2)
B. Sumunod Siya sa Utos ng Diyos (t. 2)
1. Sumang-ayon ang pamunuan ng iglesya sa Antioquia sa naisin ng Diyos na papuntahin sa Jerusalem si Pablo.
a. Maaaring pareho silang kinausap ng Diyos;
b. Kaya’t nagpasakop sila sa kalooban ng Diyos.
2. Ipinaliwanag niya ang Mabuting Balita na ipinangangaral niya sa mga Hentil.
a. sa kanila --- sa harap ng mga matatanda at lokal na apostol; maaaring may mga bumibisitang kapatiran mula sa ibang iglesya; naroon din ang buong iglesya ng Jerusalem.
b. Isinalaysay nila (kasama si Bernabe) ang lahat ng isinagawa ng Diyos sa pamamagitan nila (Gawa 15:4-5); at muli na namang isiningit ng mga maka-Judio ang pagpapatuli.
C. Sarilinan sa Pakikipagpulong
1. Ginawa ni Pablo ito upang hindi mawalan ng kabuluhan ang kanyang pagpapagal.
a. Nais niyang maihambing yung Mabuting Balita na ipinangangaral niya sa itinuturo ng mga mangangaral at Apostol sa Jerusalem; Kinailangan niyang tiyakin na hindi pa naaapektuhan ng mga maka-Judio ang ebanghelyong ipinangangaral ng mga apostol sa Jerusalem.
b. Ayon sa Gal. 2:6, walang pinuna yaong mga kinikilalang pangunahin --- sa kanyang naisalaysay na uri ng Mabuting Balita na kanyang ipinangangaral.
2. Pagkatapos na masang-ayunan siya ng sarilinan ay kanya na itong inihayag sa kalipunan – Gawa 15:4-19.
II. Mga Naging Kasama ni Pablo (2:3-5)
A. Si Tito ay Hindi Napilit Patuli
1. Si Tito ay isang Hentil na naging Cristiano.
a. Siya ang matibay na katibayan na ang pagtutuli at mga seremonyang maka-Moises ay hindi kailangan upang maligtas.
b. Hindi pumayag ang kalipunan sa Jerusalem na ipatuli si Tito laban sa ibig ng mga “nagpapanggap na kapatid” na nakikihalubilo upang maniktik lamang.
2. Makalipas ang ilang taon, tinuli ni Pablo si Timoteo (Gawa 16:1-3).
a. dahil sa kalahating Judio at Hentil si Timoteo;
b. ginawa niya ito upang mas madaling makalapit si Timoteo sa mga Judio; walang kinalaman ang pagpapatuli niya sa kanyang kaligtasan.
B. Mga Nagpatanggap na Kapatid
1. Ang mga taong ito’y nagsasabing sila’y Cristiano at nakabuo sila ng hilaw na pananampalataya --- parehong hindi tapat sa Judaismo at Cristianismo.
a. hindi tapat sa Judaismo --- kasi sinasabi nilang tagasunod sila ni Cristo;
b. hindi tapat sa Cristianismo --- dahil hinihingi nila ang pagpapatuli at pagsunod sa mga utos ni Moises upang maligtas.
2. Imposible na parehong maging Cristiano at legalista --
a. Galacia 5:2-4
3. Nais lamang nilang maniktik at sirain ang kalayaan ng mga Cristiano at muling ipaalipin sa legalismo.
a. Hindi nila matanggap ang kalayaan ng mga tunay na mananampalataya ni Cristo –
1) Roma 7:6
2) 2 Corinto 3:17
3) Juan 8:36
4) Roma 6:18
C. Iningatan ang Tunay na Mabuting Balita (t. 5)
1. Hindi siya pumayag na makompromiso ang mensahe ng Mabuting Balita sa mga huwad na Cristiano.
2. Ngunit --- ayon sa 1 Corinto 9:22, maaari niyang ibaba ang pamamaraan ng paglilingkod, upang matulungan ang mga mahihinang Cristiano na lumago.
III. Pagkakahirang ni Pablo (2:6-9a)
A. Mga Kinikilalang Pangunahin (those of high reputation)
1. Ito rin ang termino na ginagamit ng mga maka-Judio na may pagka-sarkastiko, patungkol sa mga matatanda at tagapanguna sa iglesya ng Jerusalem.
2. Dahil sinabi ni Pablo --- “hindi mahalaga sa akin kung sinuman sila,” hindi nangangahulugan na binabalewala niya ang kanilang kahalagahan, bakit?
a. hindi na sana siya nakipagsarilinan sa mga tagapanguna;
b. hindi na rin niya sana iginalang ang pampublikong pagsang-ayon (confirmation) na tama ang kanyang ipinangangaral.
c. Ang punto niya ay --- hindi niya kailangan ang pagsang-ayon (approval) nila upang maniwala siya sa kanyang pagkakatawag --- wala siyang duda rito.
3. Maaaring ipinagdidiinan ng mga maka-Judio na ---
a. ang 12 apostol na nakasama ni Jesus sa buong panahon ng Kanyang paglilingkod, di tulad niya.
b. ang mga apostol ay mga pinuno sa iglesya ng Jerusalem, kaya’t mataas ang pagkilala ng mga Cristiano sa kanila.
c. Kaya sinabi ni Pablo, ”walang itinatangi ang Diyos.” Hindi mas lehitimo o makapangyarihan ang 12 Apostol kaysa kay Pablo dahil lamang sa kakaiba nilang pribilehiyo.
4. Wala na silang pinuna sa mga sinabi ni Pablo
a. Ibig sabihin lamang na hindi sila nakadagdag sa kaalaman ni Pablo sa ebanghelyo o sa kapangyarihan nitong mangaral;
b. 17 taon na siyang nangangaral na wala man lang silang naging kontribusyon dito ni katiting.
c. Pumunta siya sa Jerusalem hindi upang kumuha ng pagsang-ayon kundi upang makamit ang kanilang pagkilala (recognition); para sa pakinabang ng mga Cristianong nalinlang ng mga maka-Judio.
B. Kinilala ang Pagkahirang sa Pagka-Apostol
1. Dito na tinapos ng mga pangunahin ng iglesya sa Jerusalem ang mga paratang laban kay Pablo ng mga maka-Judio ---
a. sa paghahayag sa kalipunan at sa harap ng mga mananampalataya na walang pinagkaiba ang mensahe ni Pablo sa kanila;
b. sa kanya rin ipinagkatiwala na ikalat ang kanilang desisyon sa mga iglesya kung saan siya ay siniraan --- Antioquia, Siria, at Cilicia --- Gawa 15:22-24.
2. Kinilala ang kanyang pagka-apostol sa mga Hentil tulad o kapantay ng pagka-apostol ni Pedro sa mga Judio ---
a. Pareho ang mensahe nila, sa Judio man o sa Hentil.
3. Sa saling Ingles, for He who effectually worked for Peter in his apostleship to the circumcised effectually worked for me also to the Gentiles (t. 8)
a. Ang Diyos [Banal na Espiritu] --- (He) na humirang (effectually worked) ay parehong nagbigay ng lakas at kapangyarihan kay Pedro at Pablo.
b. Ibig sabihin, iisang mensahe ng ebanghelyo din ang sinuportahan ng Banal na Espiritu.
4. Sa muling pagbisita ni Pablo sa Jerusalem (ika-apat) makalipas ang marami pang taon --- tinanggap siya ng kapatiran at sila’y nagpuri sa Diyos sa Kanyang ginawa sa kalagitnaan ng mga Hentil [Gawa 21:17-20].
a. Pagkatapos ng kalipunang ito --- natigil na ang pag-kuwestiyon sa mensahe at pagkakahirang ni Apostol Pablo.
b. Pinuri pa nga ni Pedro ang kanyang kapatid na si Pablo --- 2 Pedro 3:15-16.
5. Sa t. 9a, sa Ingles, and recognizing that God had been given me.
a. Kagandahang-loob ng Diyos ang tanging matibay na katunayan na siya---si Pablo--- at iba pang mga hinirang na Apostol --- ay ginamit ng Diyos sa pagpapahayag ng Mabuting Balita.
IV. Pagtanggap kay Pablo (2:9b-10)
A. Mga Kinikilalang Haligi ng Iglesya
1. Sina Pedro, Jacobo (James) at Juan --- ang siya ring ginamit na otoridad ng mga huwad na mangangaral.
2. Ang pa-sarkastikong pagkakasabi ni Pablo dito ay hindi patungkol sa mga kilalang apostol, kundi sa pagkakagamit nito ng mga maka-Judio.
a. Para na rin niyang sinabi na sa pag-atake ng mga maka-Judio sa kanya---inatake nila ang mga kinikilalang haligi ng iglesya.
B. Tinanggap Bilang Kamanggagawa (t. 9b)
“gave to me and Barnabas the right hand of fellowship…”
1. Ibinigay sa kanila ni Barnabas ang kanang-kamay ng pakikipag-ugnayan.
2. Tinanggap na nila (mga kinikilalang haligi ng iglesya) ang katayuan ni Apostol Pablo at ang kanyang Mabuting Balita --- at bilang kapatid sa gawain.
3. Tinatanggap din nila na ang paglilingkuran ni Pablo ay ang mga Hentil at sila naman ay sa mga Judio.
C. Alalahanin ang mga Nahihirap (t. 10)
1. Ang pakiusap nila ay praktikal at hindi doktrinal.
a. Dahil nga sa mahirap na kalagayan ng mga kapatiran sa Judea;
b. Ito rin ay mahalagang espirituwal na pakiusap --- 1 Juan 3:17.
2. Ito naman ay ikinagagalak gawin ni Pablo sapagkat iyan din ang laman ng kanyang puso at gawain.
Pagtatapos
- Gaano ba kahalaga sa iyo ang paninindigan sa doktrina? Tiyak na susuong rin tayo sa pagsubok tulad nang dinanas ni Apostol Pablo. Kaya naman napakahalaga na matibay ang ating pagkakaunawa sa doktrina ng kaligtasan upang di tayo madaling matangay ng kung anu-anong impluwensya upang maikumpromiso and Mabuting Balita ni Cristo.
- Mahalaga ring maunawaan natin na hindi pagtanggap ng tao ang nagbibigay patunay ng ating mensahe kundi ang Salita ng Diyos na ating pinaninindigan.
Ipinangaral ni Pastor Larry John Sy
(Hinalaw mula sa Komentaryo ni Dr. John MacArthur, Jr.)
©2006 The Expositor.Org. All rights reserved. Since September 1999.