Mga Katibayan ni Pablo Bilang Apostol
Galacia 1:10-24

Panimula

Pagtalakay

I. Pangkalahatang Katibayan ni Pablo (1:10-12)

A. Hindi Hangad ang Papuri ng Tao (t. 10)

1. Ang Griegong salita na gar na ang salin ay ngayon ay mas marapat na naisalin sa “dahil nga diyan”

a. Ibig sabihin, tinutukoy ni Pablo yung dalawang ulit na pagsumpa niya sa mga bulaang mangangaral at sa huwad na mabuting balita.

b. Dahil nga sa sinabi niya, maaari bang maparatangan pa siya na naghahangad lamang ng papuri ng tao?

c. Ang kabaligtaran pa nga ang hangad niya --- ang papuri ng Diyos.

2. Kung iyan lamang ang hinahangad ko --- tumutukoy ito noon sa panahon na hinangad nga niya ang mapuri ng kapuwa niya Judio sa kanyang pang-uusig sa mga Cristiano, sa pag-aakala niya noon na katapatan sa Diyos ang kanyang ginagawa.

3. Hindi na sana ako naging alipin ni Cristo ---

a. dahil sa kanyang pangangaral ngayon at sa kanyang nabagong pamumuhay mula nang siya’y manalig kay Cristo, isang kalokohan na hangarin pa niyang mapuri ng tao.

b. Siya’y nagsuko na ng kanyang buhay kay Cristo na nagbunga ng mga pasakit at pilat sa kanyang katawan (Galacia 6:17).

4. Ang mga naghahangad ng papuri ng tao ay hindi handang maging martir

a. lantad na palatandaan nila ang umiwas mapagtawanan at mahirapan;

b. kung papuri ng tao ang hangad ni Pablo, hindi na sana nagbunga sa kanya ito ng pagtitiis at pasakit;

c. yaon pa ngang mga huwad na mangangaral ang siyang naghahangad ng papuri ng tao! Basahin ang Galacia 6:12.

5. Dalawang pakay ni Pablo

a. Una, ayon sa 2 Corinto 5:9, ang maging kalugod-lugod kay Cristo.

1) dahil dito, kinailangan niyang pakasumpain ang sinuman na nagtatangkang mangaral ng doktrina ng kaligtasang batay sa gawa.

b. Ikalawa, nais niyang maligtas ang tao at kaya kailangan ding masaway ang anumang huwad na mabuting balita na makapagpapahamak pa sa mga taong ito.

B. Ang Mensahe ni Pablo ay Hindi Katha ng Tao (1:11)

1. Ibig kong malaman ninyo --- nagbibigay ng matibay na ebidensya; totoo ito at tiyak

2. Nililiwanag ni Pablo na ang mabuting balita na ipinangangaral niya ay ---

a. hindi galing sa tao at sa kapangyarihan ng tao;

b. hindi niya inimbento, binago, o napakialaman ninuman;

c. ganap itong galing sa Diyos, walang halong talino ng tao;

d. kaya, itong mensahe ni Pablo ang sukatan kung alin ang huwad na aral at alin ang sumasang-ayon dito.

3. Kung itong mensahe niya ay nagmula sa katha ng tao ---

a. tiyak na may kasama itong sangkap na gawa upang maging sapat;

b. hindi matanggap ng kahambugan ng tao ang panukala na dahil lamang sa habag at kagandahang-loob ng Diyos ang tanging makapagliligtas sa tao mula sa kasalanan;

c. Kaya naman, lagi niyang isisingit na may magagawa siya upang siya’y maligtas.

4. Isang katunayan na ang ipinangangaral ni Pablo ay isang mensahe ng kaligtasang walang halong gawa ng tao --- ay sapat at maliwanag nang ebidensya na ito’y mula sa Diyos at hindi sa tao.

C. Ang Mensahe ni Pablo ay Hindi Niya Tinanggap sa Tao (1:12a)

1. Ang mga maka-Judio ay tumanggap ng mga aral ng relihiyon mula sa tradisyong rabinikal sa pamamagitan ng pagsasa-ulo.

a. Sa halip na pag-aralan nila ang Kasulatan, marami sa mga Judio ay umasa na lamang sa mga paliwanag ng tao bilang kanilang gabay at otoridad.

b. Ito’y may pinag-ugatan sa Salita ng Diyos, lalo na sa Lumang Tipan, subalit masyado na itong nahaluan at nabaluktot ng mga paliwanag ng tao.

c. Kaya naman, ang Judaismo sa panahon ng Bagong Tipan ay karaniwang mga natanggap mula sa tao at itinuturo ayon sa paliwanag ng tao. Pansinin ang Mateo 15:6b.

2. Ngunit ang pagtuturo at pangangaral ni Pablo ay hindi bumatay sa tao.

a. Ang katagang ni mula sa Gk. na oude na ang ibig sabihin ay hindi man lamang.

b. Sa madaling salita, kinailangang itapon ni Pablo pati na yung mga natutuhan niya bilang isang Pariseo (Mga Gawa 26:5; cf. 23:6) dahil lahat nga iyon ay mula sa tao at hindi sa Diyos.

c. Pinatunayan ni Pablo ito sa Filipos 3:4-8.

d. Walang bahid ng gawa o aral ng tao ang mensaheng tinanggap at ipinangangaral ni Pablo.

e. Maliwanag na tinutugon dito ni Pablo ang isa pang paratang sa kanya ng mga maka-Judio: na siya raw ay naturuan ng mga apostol sa Jerusalem, na tumalikod na rin sa Judaismo.

D. Ang Mensahe ni Pablo ay Nagmula mismo kay Cristo (1:12b)

1. Nagpahayag --- Gk. apokolupsis --- paglalantad ng dati ay nakatago o lihim.

a. Mas mahusay na salin ay ganito: Si Jesus mismo ang kapahayagan ng lahat ng dati ay nakatago.

2. Dati na siyang may alam tungkol kay Cristo –

a. Kaya nga niya inusig ang iglesya dahil sa mga kapahayagang iyan tungkol kay Cristo at sa Kanyang gawain, ay kalaban ng kanyang relihiyong Judaismo. Maliwanag na hindi niya ito pinaniwalaan noon.

b. Doon lamang sa personal na pagkakakita niya sa Panginoong Jesu-Cristo, noong siya’y patungo na sa Damasco upang usigin ang iglesya roon (Mga Gawa 9:1-16), saka lamang niya naunawaan ang lahat ng katotohanan tungkol kay Cristo.

c. Sa 2 Corinto 3:14-16, ipinaliwanag niya kung paanong natatanggal ang tabing ng kabulagan sa mga katotohanan ng Diyos kapag binago na ang puso, upang ang katotohanan tinanggap ay maunawaan na.

3. Sinasabi rin ni Pablo sa talatang ito na espesyal na kapahayagan ang natanggap niya mula kay Cristo tungkol sa mabuting balita.

a. Maraming tao noon at maski na hanggang ngayon ay nagsasabing may ganito rin silang karanasan --- na makarinig ng espesyal na kapahayagan mula sa Diyos --- ngunit hindi ito mapatunayan.

b. Kaya’t mula sa t. 13 hanggang 24 ay pinatunayan ni Pablo ng mga di-matatanggihang katibayan at ang kanyang kredibilidad bilang apostol.

II. Katibayan Mula sa Kasaysayan ng Kanyang Buhay (1:13-24)
· Ipinakikita ni Pablo mula sa mga pangyayari sa kanyang buhay noong bago pa siya naligtas, noong naligtas na siya, at pagkatapos na siya’y maligtas.

A. Mula Pa Noong Bago pa Siya Naligtas (t. 13-14)
· Ito’y nagpapatunay na wala siyang dating pundasyon o kaalaman tungkol sa Mabuting Balita (namuhay [dati] bilang kaanib…)

1. Unang Aspeto --- buong lupit niyang inusig ang iglesya ng Diyos at sinikap na ito’y wasakin.

a. Ang kanyang nabalitaan na ebanghelyo ay hindi nagtuturo ng mabuting gawa upang maligtas ang isang tao, kaya nama kalaban ito ng Judasmong relihiyon na kanyang kinalakhan.

b. masugid na inusig at sinikap na wasakin

1) may tema ito ng patuloy na hangaring makasira;

2) determinado na si Pablo na wasakin ang iglesya.

c. iglesya ng Diyos – ginamit ito ni Pablo upang ipakita na hindi ito samahan lamang binuo ni Jesus, na kung may uusig dito, ay parang inuusig lamang si Jesus. Kundi sinuman ang umuusig sa iglesya ay umuusig sa Diyos.

d. Ang sigasig ni Pablo (Saulo), na dating Pariseo, sa kaugaliang Judaismo ay hindi nagpapahintulot na may tumunggali rito o pakikipagkompromiso ng mga kapwa niya Judio.

e. Nag-iisang pakay ng kanyang matinding pagnanasa para sa Judaismo –-- wasakin ang iglesya.

1) Matapos mapatay ng mga Judio si Esteban, “sinikap ni Saulo na wasakina ng iglesya; pinapasok niya ang bahay-bahay at kinakaladkad ang mga sumasampalataya at ibinibilanggo, maging lalaki’t maging babe”(Gawa 8:3).

2) Narito ang iba pang mga salaysayin ng mga ginawa ni Saulo – Gawa 9:1-2, cf. 22:4-5; 26:10-11.

2. Ikalawang Aspeto --- mas masugid siya kaysa sa maraming Judiong kasinggulang niya sa kaugaliang Judaismo.

a. mas masugid [Gk. prokupto]--- parang tumatagpas ng madaraanan sa gubat; kaya tinatagpas niya ang sinumang maaaring humadlang kanyang daraanan.

1) Sa tindi ng sugid niya ay “pinarurusahan niya [ang mga Judiong ito na naging Cristiano] upang piliting magsalita laban kay Jesus. Sa tindi ng poott niya ay pinag-usig sila kahit sa mga lunsod sa ibang bansa” (Gawa 26:11).

b. malasakit sa mga kaugalian ng aming ninuno --- traditional Judaism

1) Mga pinagpasa-pasahan at mga idinagdag na kaugalian sa mga batas ng Lumang Tipan.

2) Hindi na makilala ang orihinal o tunay na pahayag ng Lumang Tipan dahil natakpan, napaligiran ng mga kaugaliang ito.

c. Sa tindi ng debosyon ni Pablo sa Judaismo noon, sinabi ni John R. W. Stott (The Message of Galatians, 1968, p. 32): “Ang lalaking katulad niya na nasa ganitong kalagayan ng damdamin at pag-iisip ay walang panahon na magbago ng isip, o kaya’y mabago ito para sa kanya ng ibang tao… Tanging Diyos lamang ang maaaring makaabot sa kanya at ginawa nga ito ng Diyos!”

B. Mula Noong Siya’y Maligtas (t. 15-16)

1. Nakapangyayaring Pagkakahirang kay Pablo

a. Kinailangang personal na harapin ng Panginoong Jesus si Pablo upang siya’y lubos na magising at maunawaan ang sinabi sa kanya: “Ako’y si Jesus na iyong inuusig” (Gawa 9:5).

b. Hindi maipapaliwanag ninuman ang pabaligtad na pag-inkot ng buhay ni Pablo mula nang harapin siya ni Jesus.

1) Maliwanag na ang kanyang pagkakahirang sa pagka-apostol ay supernatural at sovereign.

2) Ni hindi nakaimpluwensya ang mga patotoo na maaaring narinig niya sa mga Cristianong pinapapatay o pinahuhuli niya.

c. Ang paglapit ng tao sa Diyos ay dati nang ayon sa nakapangyayaring kalooban at kagandahang-loob ng Diyos.

1) Pinaliwanag ito ni Moises sa bayang Israel doon sa ilang – Deut. 7:7-8;

2) Ganito rin ang mensahe ni Samuel para sa kanyang mga kababayan – 1 Sam. 12:22.

3) Hinirang ng Diyos ng mga Judio ng walang ibang dahilan kundi ang Kanya lamang banal na pagnanais at layunin.

d. Hindi nagmula kay Pablo ang kagustuhan na maligtas o maging apostol.

1) Siya ay hinirang – 1 Corinto 1:1;

2) Walang naliligtas o tinatawag sa paglilingkod sa iglesya maliban sa nauna at nakapangyayaring kalooban ng Diyos --- Efeso 1:5-6, cf. t. 9

3) Hinirang at tinawag si Pablo bago pa naipanganak

a) Hindi dahil magiging mahusay siyang manunulat at may mataas na uri ng kakayahang maging tagapanguna…
· mga halimbawa ng kapareho niya sa pagkakapili ng Diyos

b) Si Jacob na mas bunso kaysa kay Esau – Roma 9:11-13;

c) Si Isaias at Jeremias na pinili noong sila’y nasa sinapupunan pa ng kanilang mga ina – Isa. 49:1; Jer. 1:5

d) Si Juan Bautista noong hindi pa man siya naipaglilihi ng kanyang ina --- Lukas 1:13-17.

e. Ayon sa kagandahang-loob ng Diyos ang pagkakapili at pagkakatawag sa kanya upang maging apostol.

2. Ikinalugod ng Diyos na ipahayag ang Kanyang Anak ng direkta kay pablo (t. 16)

a. Gawa 9:3-6 ----- nagpapakilala si Jesus kay Pablo;

b. Gawa 26:15-17 ---- dagdag na detalye ng pangyayaring ito nang magpatotoo siya sa Haring Agrippa.

3. tinawag upang maging lingkod --- upang maipangaral ang mabuting balita.

a. Lahat ng hinirang na maligtas ay tinatawag na maglingkod ---- Efeso 2:10;

b. 1 Pedro 2:9 --- inligtas tayo upang maging patotoo at mga lingkod ni Cristo.

c. tungkol sa kanya --- laging paksa ng bawat pangangaral ni Pablo.

1) 1 Corinto 2:1-2

2) Kailangang makita ng mga maka-Judio na hindi kailangan pang mapakinggan ng mga Hentil ang mga kaugaliang Judio, sapat na ang mabuting balita ni Jesu-Cristo.

C. Pagkatapos ni Pablo na Maligtas (t. 16b-24)

1. Hindi siya sumangguni kaninuman

a. Ni hindi niya nilapitan sina Ananias o iba pang Cristiano sa Damasco upang humingi ng payo, paliwanag, o paglilinaw ng kanyang kapahayagang natanggap.

b. Mahalaga na makita ng mga Hentil na hindi siya kinukumbinsi ng mga Judiong naging Cristiano sa ganitong doktrina.

c. Maaari rin na hindi madaling tanggapin ng mga Hentil si Pablo kung may bahid ng pagka-Judio ang kanyang ipinangangaral.

2. Nagpunta siya sa Arabia sa halip na Jerusalem.

a. Tiyak na dito siya tinuruan ng Panginoon sa loob ng tatlong taon.

3. Makalipas ang tatlong taon, saka lamang siya tumungo sa Jerusalem

a. upang makipagkita kay Pedro;

b. 15 araw silang nagkasama –

1) hindi ito sapat na panahon upang matutruan siya ni Pedro ng mga doktrina;

2) upang lubos silang maging magkakilala at magkakuwentuhan ng mga personal nilang karanasan noong kasama nila si Jesus.

c. tanging sina Pedro at Santiago ang mga apostol na kanyang hinaharap.

4. T. 20 --- Pinatutunayan niya lahat ito sa kanyang panunumpa, na hindi siya ang nagsasalita.

a. Ito ay kumon na uri ng panunumpa ng mga Judio upang maniwala sa kanila ang mga tagapakinig;

b. Itinutuwid nito ang mga sinasabi ng ibang liberal na tagapaliwanag ng Salita ng Diyos: na ang sinasabi ni Pablo ay kanya lamang personal na kuro-kuro;

c. Siya ay nagsasabi ng totoo at mapagkakatiwalaan siyang tagapagsalita ng Diyos o siya’y isang huwad.

5. T. 21-24 --- napuntahan din niya ang mga bayang ito at ang nagiging reaksyon nila sa taong ito ay “ang dating umuusig sa kanila ay nangangaral ngayon sa pananampalataya.”

a. Una’y nahirapang tanggapin ng mga mananampalataya ang katunayan ng pagkakaligtas ni Pablo (tingnan ang Gawa 9:13-14; 21, 26;

b. Ngunit dahil sa mga dakilang pagkilos ng Diyos sa gawain niya na nagbunga pa ng panguusig sa kanya, nawala na ang kanilang agam-agam (Gawa 9:23-24, 29).

c. Sila’y nagpuri na sa Diyos dahil sa kanya.

Pagtatapos

Ipinangaral ni Pastor Larry John Sy
(Hinalaw mula sa Komentaryo ni Dr. John MacArthur, Jr.)

©2006 The Expositor.Org. All rights reserved. Since September 1999.