Itinalaga sa Kapuksaan
Galacia 1:6-9

Panimula

Pagtalakay


I. Pagtataka ni Pablo sa Pagtalikod ng mga taga-Galacia (1:6)

A. Madaling Pagkakatalikod

1. Nagtataka (thaumazo sa Griego) --- nabigla, hindi agad naintindihan, namangha.

a. Hindi siya nagtaka sa pangugulong ginagawang ng mga bulaang mangangaral.

b. Nagtaka siya sa maaliwalas na pagtanggap ng mga Cristiano sa Galacia sa mga bulaang mangangaral.

2. Madali (tacheos) – kay dali, mabilis, handang-handa, napakadali.

a. Ni hindi na halos tumanggi ang mga taga-Galacia;

b. Kaya’t madali ring nagbago ang paninindigan nila tungkol kay Pablo sa kanyang mga aral.

3. Sila’y tinuruan ng pinakamatinding guro, liban sa Panginoong Jesus.

a. Tinanggap nila ang pinakamahusay na pagtuturo mula kay Apostol Pablo;

b. Tunay nga na napakalaki at matindi ang pangangailangan sa pangangaral at pagtuturo na patuloy na inuulit ang mga katotohanan ng mabuting balita (2 Pedro 1:12-15);

c. Ngunit hindi laging garantiya ang katagalan na sa pagka-Cristiano o kahit na mahusay na pangangaral upang hindi makabitaw at mapayagang mapahina ng mga baluktot na aral.

d. Ang mga taga-Galacia ay mga tunay na Cristiano (3:3, 5; 4:6, 8-9); mga kapatid (1:2, 11; 3:15; 4:12, 31; 5:13) na nalilito at nasa panganib.

4. Sila’y tumalikod

a. Tinalikdan (metatithemi sa Griego) --- ginagamit sa mga sundalo na tumalikod sa kanilang tungkulin na ang katumbas na parusa ay kamatayan; ayon sa pagkakasulat sa Griego, sila ay kusang-loob na tumalikod.

b. Mananagot ang mga bulaang guro sa pagbabaluktot nila ng mabuting balita, at mananagot rin ang mga taga-Galacia sa madali nilang pagkakalinlang!

c. Ang kanilang tinalikdan ay di lamang ang mabuting balita, kundi ang mismong Diyos na tumawag sa kanila “sa pamamagitan ng pag-ibig ni Cristo…”

1) pagkakatawag --- maaaring salin ay “ang tumawag sa inyo ng minsanan.”

2) Pansinin ang mga talatang ito --- 2 Tesa. 2:13-14; 2 Tim. 1:8-9; 1 Pedro 1:15 at lalo ang Roma 8:30.

B. Patungo sa Ibang Mabuting Balita

1. Ang natatanging mabuting balita ng Diyos ay…

a. mabuting balita ng Kanyang kagandahang-loob (Efeso 2:8-10; Roma 5:2)

b. nabubuhay tayo sa Kanyang kagandahang-loob mula pa sa punto ng kaligtasan, at kung tumigil ang kagandahang-loob na ito ng Diyos, tiyak na mawawala ang di-pinaghirapang kaligtasan at tayo’y mapapahamak sa ating kasalanan.

2. Ang pag-ibig (biyaya) ni Cristo ay tumutukoy sa malaya at nakapangyayaring gawa ng Diyos na may pag-ibig at habag sa Kanyang pagkakaloob ng kaligtasan sa pamamagitan ng kamatayan at pagkabuhay na mag-uli ni Jesus.

a. walang halong gawa o magagawa ang tao; ito’y napapanatili Niya hanggang sa kaluwalhatian.

b. isang kalokohan na pagkatapos mong tanggapin ang mabiyayang kaligtasan ay panatilihin mo ang katuwirang ito sa pamamagitan ng sariling gawa, seremonya o rituwal.

3. Panliligaw ng mga maka-Judio

a. Sila’y nagpapanggap na mga Cristiano at karamihan sa kanilang itinuturong doktrina ay may bahid ng katotohanan (orthodoxy).

b. Malamang na kinikilala nila na si Jesus ang ipinangakong Mesias at maaari rin na tinanggap nila ang kahalagahan ng Kanyang sakripisyong kamatayan sa krus.

1) kasi kung hindi, tiyak na hindi na sila pinakinggan agad ng iglesya;

2) maaaring sinasabi nila na nananalig din sila sa iba pang katotohanan na pinaniniwalaan ng mga Cristiano;

3) hindi nila lantarang itinatanggi ang mabuting balita, subalit kanila daw itong pinahusay (improved) sa pagdadagdag ng mga reglamento, seremonya at pamantayan ng Lumang Kasunduan.

c. Ngunit gigibain ng anumang pagdadagdag o pagbawas sa grasya (biyaya). Tingnan ang Roma 11:6.

C. Panganib na Nakapaninira sa Mabuting Balita

1. Hindi ateismo, paganong relihiyon, o mga kulto ang pinakamatinding panganib sa mabuting balita kundi mga…

a. Kilusang Cristiano na maraming tamang doktrina ngunit ang mga namamali nilang doktrina ay hindi pinapansin dahil “harmless” daw.

b. Isang patak na lason sa isang dram ng tubig ay sapat na upang makamatay!

c. Isang huwad na aral na tatapyas o ihahalo sa doktrina ng grasya ay sapat na upang sirain ito --- sirain ang buong sistema ng ating pananampalataya.

2. Hindi ito mapapayagan ni Pablo

a. Pansinin ang sinabi niya sa Galacia 5:4.

b. Hindi ito patungkol sa nawawalang kaligtasan, kundi napuputol ng huwad na doktrina ng mga maka-Judio ang daloy ng ugnayan (fellowship) at kapangyarihan ni Cristo sa mananampalataya.

3. Dahil nga sa pagtuturo ng mga maka-Judio ng ibang mabuting balita, naapektuhan ang mga taga-Galacia.

a. Galacia 3:3

b. Galacia 4:9

c. Galacia 5:7

II. Kaalaman ni Pablo sa Panlilinlang ng mga Bulaang Guro (1:7)

A. Walang Ibang Mabuting Balita

1. Iba (allos sa Griego) --- iba na magkapareho; exactly the same kind.

a. Iisa lamang ang tunay na mabuting balita ng “biyaya.”

b. Ngunit para sa maka-Judio, ang pinagsamang biyaya at gawa (seremonya, pagtutuli) ay siyang tunay na mabuting balita.

2. Nanliligalig (tarasso sa Griego) --- alugin, gilingin, haluin; nagugulumihanan, nagugulo ang isip.

a. Katulad ng naramdaman ni Haring Herodes nang mabalitaan niya ang pagkapanganak ng Hari ng mga Judio (Mateo 2:3);

b. Katulad ng naramdaman ng 12 alagad nang makita nila si Jesus na lumalakad sa ibabaw ng tubig (Mateo 14:26).

3. Nagsisikap na baguhin (metastrepho) --- baluktutin, baguhin ang isang bagay sa paraang pataliwas o pabaligtad.

a. Ang anumang idadagdag na batas (gawa) sa grasya ay hindi lamang kaunting polusyon dito kundi binabaligtad at winawasak na ito.

1) Ang grasya ay maaaring wasakin ngunit hindi maaaring dagdagan o bawasan;

2) Maaari itong tanggapin ngunit hindi mababago.

3) Nagpaalala si Pablo sa Galacia 5:2-4 at Titi 1:10-11.

III. Babala ni Pablo sa Pamumuksang Gagawin ng Diyos (1:8-9)

A. Mataas daw na Kredensyal

1. Malamang na ang mga maka-Judiong ito ay nagsasabing sila raw ay galing sa iglesya ng Jerusalem at mga isinugo ni Santiago, ang pinuno ng iglesya (Gawa 15:24).

2. Hindi lamang sila nagtuturo ng ibang mabuting balita, kundi hangad din nilang sirain ang otoridad at katuruan ni Pablo sa lahat ng posibleng paraan.

B. Kabaligtaran ng Legalismo

1. Ang kamaliang ito ng mga maka-Judio ay maliwanang na legalismo.

2. Sa kabilang dulo naman nito ay libertinism o antinomianism

a. dahil naman sa kalayaan galing kay Cristo, ang Cristiano raw ay hindi na kailangang magpasakop sa pamantayan ng katuwiran at moralidad.

b. May babala diyan ang Judas 4.

3. Anumang aral na nagdaragdag o nagbabawas sa katotohanang inihayag ng Diyos ay pagbabaluktot sa mabuting balita at sinisira nito ang katangian at gawa ni Cristo.

C. Apostol man o Anghel

1. Kahit na sina Pablo pa o kanyang mga kasamahan ay magbago ng kanilang aral, hindi na dapat pa silang pakinggan at tratuhin na silang mga heretiko, sapagkat iyan na ang tunay nilang kalagayan.

2. Kahit pa isang anghel ang mangaral ng ibang mabuting balita, dapat din nilang tanggihan.>/

a. Naniniwala ang mga Judio na ang Batas ng Diyos ay dumating sa kanila sa pamamagitan ng anghel (Hebreo 2:2);

b. At maaari ngang ginamit na punto ito upang lalong pagtibayin ng mga maka-Judio na ang mga seremonya ng Lumang Kasunduan at mga tradisyong Judio ay may kinalaman pa rin sa mabuting balita.

3. Ang uri ng pananalita ni Pablo rito ay isang pagbabakasakali -- hypothetical

a. hindi ibig sabihin na magagawa nga nila (mga postol) at ng mga banal na anghel na magturo ng laban sa hayag na katotohanan ng Diyos;

b. para lang sinagad ni Pablo ang kanyang ibig sabihin na --- sinuman, kahit na apostol o anghel pa --- kahit na mukhang nakapa-maka-Diyos at napakabuti --- ang mangaral ng iba sa aral na naituro na nina Pablo ay di na nararapat paniwalaan o pakinggan.

4. Ang sukatan ay mensahe ng katotohanan at hindi kredebilidad ninuman.

D. Pagdidiin ni Pablo sa Sumpa (t. 9)

1. “Sinabi na namin at inuulit ko..”

a. Hindi siya nag-uulat sa nakalipas na talata lamang kundi ito’y paalala niya na naituro na niya ang babalang ito noong unang bumisita siya sa mga taga-Galacia.

b. Nang magsimula siyang maglingkod sa kanila, nagbabala na siya tungkol sa mga babaluktot sa mabuting balita.

c. Tinanggap na nila noon ang mabuting balitang ito. Ito ang mabuting balitang hindi mababago ninuman.

2. Nakatalaga na ang mga bulaang mangangaral sa paghahatol ng Diyos --- sila’y tutupukin.

a. pakasumpain --- nakatalaga na sa kawasakan;

b. Babala rin ni Juan sa 2 Juan 7, 10-11 ay ni huwag daw papasukin sa bahay o batiin ang mga huwad na mangangaral.

3. Dapat layuan ng mga Cristiano ang lahat ng bulaang mangangaral, gaano man kaganda at husay ng kanilang mga kredensyal.

a. isang kamangmangan at labag sa Kasulatan na maniwalang maaari tayong manatili sa isang iglesya o paaralan na itinatakwil ang Biblia at nagbabaluktot ng mabuting balita, sa kagustuhan lamang ng mananampalataya na maging mahusay na impluwensiya para sa Panginoon.

b. Kahit si Timoteo, na sinanay sa katotohanan, ay binalaang lumayo sa mga bulaang mangangaral at sa kanilang mga aral ---

1) 1 Timoteo 4:6-7, 13
2) 2 Timoteo 2:15-17

c. Paglabag sa utos ng Diyos ang mapayagan ang sarili na makinig at maimpluwensyahan ng bulaang aral---

1) napapalampas mo na baluktutin nito ang kagandahang-loob ng Diyos dahil kay Cristo Jesus;

2) nakokompromiso at napapahina mo ang iyong patotoo.

Pagtatapos

Ipinangaral ni Pastor Larry John Sy
(Hinalaw mula sa Komentaryo ni Dr. John MacArthur, Jr.)

©2006 The Expositor.Org. All rights reserved. Since September 1999.