Pambungad Bati sa mga Taga-Galacia
Galacia 1:1-5
Panimula
- Ang aklat ng Galacia ay nabigyan ng titulo ng mga Reformers na “Magna Carta” ng kalayaang espirituwal. Ito rin ang siyang kapahayagan ng kalayaan ng mga Cristiano.
- Maraming nagtatala ng kasaysayan ng iglesya ang nagsasabi na ang saligan ng Reformation ay nakabatay sa mga isinulat ni Martin Luther sa kanyang komentaryo ng aklat ng Galacia. Sa kanyang matiyagang pagsasaliksik ay natuklan niya ang panukala ng Diyos sa kaligtasan na nakabatay sa kagandahang-loob sa pamamagitan ng pananampalataya---isang planong di mababago ng libong-taon pagsalungat ng mga aral ng Catolica Romana na ang kaligtasan ay ayon sa mga gawa.
- Ang mensahe ng Galacia ay mensahe ng espirituwal na kalayaan ng mga Cristiano, ang pagliligtas ni Cristo mula sa pagkakatanikala sa kasalanan at legalismo ng relihiyon. Ang mensahe nito ay patuloy na may-kaugnayan sa ating kapanahunan, dahil ang pansariling kalayaan din ang nangingibabaw na pinahahalagahan ng mga di-mabilang na mga pilosopiya sa loob at labas ng Cristianismo.
- Ito lamang sa mga sulat ni Pablo ang walang nabanggit na papuri sa kanyang mga mambabasa. Pagkatapos ng maiksing pambungat-bati at agad niyang sinabi ang suliranin na naging dahilan kung bakit niya ito isinulat: “Nagtataka ako kung bakit kay dali ninyong tinalikdan ang Diyos na tumawag sa inyo sa pamamagitan ng pag-ibg ni Cristo at bumaling katyo sa ibang mabuting balita” (1:6).
- Samantala, pinuri naman niya ang mga taga-Corinto sa 1 Cor, 1:4-7, ngunit ni isang banggit ng puri ay wala para sa mga taga-Galacia. Malaking kaibahan kasi ang problema sa Corinto, ang kanilang pamumuhay ay lumalaban sa kanilang pananalig sa mabuting balita; ngunit sa Galacia, doktrina ng kaligtasan ang inaatake ng mga huwad na mangangaral.
- Ang aklat ng Galacia ay malalim na personal na sulat mula sa nalulungkot na puso ng isang makadiyos na tao para sa kanyang mga espirituwal na anak, kung saan ang kanilang pananampalataya at pamumuhay ay ginuguho ng mga huwad na guro. Ganito ang sinasabi ng puso ni Pablong umiiyak para sa mga mananampalataya ng Galacia: “Pinalaya tayo ni Cristo upang manatiling malaya. Magpakatatag nga kayo, at huwag nang paalipin uli” (Gal. 5:1).
Doktrinang Pinagtutuunan ng Pansin
- Espesyal ang malasakit ni Pablo sa mga mananampalataya na taga-Galacia at malubhang nangangamba sa mapanganib na doktrinang nagbabanta sa kanila. Ang mga punong panrelihiyon ng mga Judio na bumato kay Pablo sa Listra ay patuloy na nanakot at nang-usig sa mga Judiong naging mananampalataya sa Galacia. Sila ay mga di-matitinag na kaaway ng mabuting balita at nagagamit ni Satanas upang maghasik ng kaguluhan at hidwaan sa maraming iglesya.
- Subalit ang mas higit na malaking panganib ay ang mga Judiong nagpahayag ng mababaw na pananalig kay Cristo ngunit bumalik sa Judaismo at naghahangad na gawing karugtong ang Cristianismo sa kanilang tradisyonal na sistema ng mapagmatuwid na gawa. Tulad ng mga bulaang guro na ibinabala ni Pablo sa mga matatanda ng iglesya sa Efeso, ang mga maka-Judio ay “naglitawan [mula na rin sa loob ng iglesya] ang mga taong magsasalita ng kasinungalingan upang mapasunod ang mga alagad, at sa gayo’y maligaw sila” (Mga Gawa 20:30).
- Matindi ang panggugulong ginagawa ng mga maka-Judio sa mga iglesya at malubhang pinipilipit “ang mabuting balita tungkol kay Cristo” (Gal. 1:8).
- Itinuturo nila na kailangan munang maging Judio ang mga Hentil sa pamamagitan ng pagtutuli bago daw sila magiging Cristiano at ang lahat daw ng Cristiano, Judio man o Hentil, ay matuwid sa harap ng Diyos kung sila’y mananatili sa mga batas ni Moises, mga alituntunin at seremonya (tingnan ang 2:3-8,11-14; 3:3-5; 4:8-11, 21-31; 5:1-4; 6:12-13).
- Malamang na nasa ganitong kalagayan ng panganib ang mga iglesya kahit na habang nandoon si Pablo, at lalo itong lumala nang siya’y umalis. Kaya’t pinaalalahanan niya ang mga mananampalataya doon, “Sinabi na namin at inuulit ko: kung may mangaral sa inyo ng iba kaysa Mabuting balitang tinanggap ninyo, pakasumpain siya!” (Gal. 1:9; cf. t. 6-8).
- Hindi lamang sila nagturo na kailangan ang pagtutuli at pagtupad sa batas ni Moises, inatake din ng mga bulaang guro ang pagkatao ni Pablo, hangad nilang sirain ang kanyang kapangyarihan at tuloy gibain ang kanyang doktrina.
- Kaya nga, naging maingat niyang pinagtibay ang kanyang kredibilibad bilang Apostol. Sinimula niya ang sulat na ito na pinatungkulan ang sarili bilang “hinirang na apostol, hindi ng tao at ni sa pamamagitan ng tao, kundi ni Jesu-Cristo at ng Diyos Ama” (1:1). Sa buong dalawang kabanata ay patuloy niyang pinagtitibay ang kanyang kapangyarihang mula sa Diyos bilang apostol ni Jesu-Cristo, kapantay ng Labingdalawa sa bawat paraan, pati na si Pedro (tingnan 1:12, 15-17; 2:2, 7-9).
- Ang tema ng Galacia, at tema rin ito ng buong Baong Tipan, na ang tunay na kalayaan ay matatagpuan lamang sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Sa sulat na ito ni Pablo tinalakay niya ang kalayaang espirituwal sa dalawang mukha.
- Ang unang mukha (kabanatang 3-4) ay ang kaligtasan, kung saan pinalalaya ni Cristo ang tao mula sa pagkatanikala sa kasalanan at sa kautusan. Ganito ang pahayg ni Pablo sa Roma 8:2, “Wala na ako sa ilalim ng batas ng kasalanan at kamatayan sapagkat pinalaya na ako ng batas ng Espiritung nagbibigay ng buhay, bunga ng pakikipag-isa kay Cristo Jesus.”
- Ang ikalawang mukha (kabanatang 5-6) ay yaong pagpapabanal (sanctification), ang kalayaang ibinibigay ng Diyos sa Kanyang mga anak na makapamuhay ng may katapatan at tunay na katuwiran, malaya sa pamamahala ng kasalanan at pagkatanikala sa legalismo.
Kasaysayan at Patutunguhan
- Ang salitang Galacia ay nakuha sa mga paganong Gauls o Celts na nanunuluyan sa Asia Minor pagkatapos ng daan-taong pandarambong (plundering) sa kaharian ng Grecia at Roma.
- Sa panahon ni Pablo ang salitang Galacia ang tawag sa mas maliit na rehiyon o probinsiya ng Asia Minor (ngayon ay Turkey). Sa unang pagmimisyon nina Pablo at Bernabe, nakapagtindig sila rito ng apat na iglesya --- sa bayang Antioquia, Iconia, Listra at Derbe (Mga Gawa 13:4-14:23).
- Habang nasa Galacia si Pablo ay muntik nang dito siya mamatay pagkatapos na siya’y pagbabatuhin at iniwang halos patay na ng mga nang-uusig na punong panrelihiyon ng mga Judio.
Pagtalakay
I. Karapatan Niyang Mangaral (1:1-2)
A. Ang Titulong Apostol (1:1a)
1. Kahulugan
a. Isang isinugo, embahador o mensahero na pinili at dumaan sa pagsasanay ni Jesus bilang natatangi Niya kinatawan sa pagpapahayag ng Kanyang katotohanan sa panahon na itinatatag pa lamang ang iglesya.
b. Ito ang una at teknikal na tawag patungkol sa orihinal na Labindalawang alagad na pinili sa pagsisimula ng gawain ni Jesus (Marcos 3:14; Lukas 6:13).
c. Sila rin ang tagapagtatag ng saligan ng unang iglesya at naging daluyan ng buong kapahayagan ng Diyos (Mga Gawa 2:42; Efeso 2:20).
d. Sila rin ang binigyang kapangyarihan na manggamot at magpalayas ng demonyo bilang palatandaan ng kanilang awtoridad na mula sa Diyos (Mga Gawa 2:43; 2 Cor. 12:12; Hebreo 2:3-4).
2. Mas malawak na pagkakagamit sa Biblia
a. Ginamit ito kina…
1) Bernabe (Mga Gawa 14:14)
2) Silas at Timoteo (1 Tesa. 1:1; 2:6)
3) Iba pang kilalang pinuno (Roma 16:7)
b. Higit silang kilala bilang mga mensahero (apostoloi) ng mga iglesya (2 Cor. 8:3; Fil. 2:25); samantalang sa 12 at kay Pablo, ang tawag ay --- “mga apostol ni Jesu-Cristo.”
c. Maliban kay Judas, wala sa 2 grupong ito ang napalitan o may nagpatuloy nang sila’y mamatay.
3. Pagtatanggol ni Pablo
a. Dahil nga hindi siya kasama sa naunang 12 tinawag na Apostol, kailangang maipagtanggol ang kanyang pagkakatawag sa paraang hindi nila nagawa.
b. Dahil isa sa katangian ng apostol ay nakakita sa nabuhay na mag-uling Cristo, ito ang sinabi niya sa 1 Cor. 15:5-8 [Basa].
c. Natatangi rin ang pagtatagpo nila ni Cristo noong siya’y patungo sa Damasco upang arestuhin at ipakulong ang mga Cristiano roon --- Mga Gawa 9:3-5.
1) Nagpakita pang muli ang Panginoon kay Pablo sa Mga Gawa 18:9; 22:17-21; 23:11 at 2 Cor. 12:1-4.
B. Paraan ng Kanyang Pagkakapili (1:1b)
1. Hindi tao, ni sa pamamagitan ng tao.
a. Paratang ng mga bulaang guro na siya raw ay walang kapangyarihan na magturo at mamuno sa mga iglesya dahil --- tinawag lang daw niya ang sarili (self-appiinted).
b. Sinasabi niya na walang sinumang tao, pati sarili niya, ang pumili o tumawag sa kanya.
2. Sa pamamagitan ni Jesu-Cristo at ng Diyos Ama
a. Si Jesus mismo ang personal na pumili at tumawag sa kanya.
1) Maraming taon din ng pagsasanay ang dinaanan niya (Gal. 1:17-18).
2) Kinilala na rin siya ng 11 apostol, Mga Gawa 13:2-3
b. Ayon sa kapangyarihan ng Diyos na bumuhay na mag-uli kay Cristo, ito rin ang Diyos Ama na pumili at tumawag sa kanya bilang apostol.
3. Kapantayan ni Jesus at Diyos Ama
a. Hindi lamang bilang Amang Diyos natin, kundi Ang Diyos Ama doon sa kalagayan Niya sa tatlong persona ng Diyos.
b. Ipinagdiinan sa atin ang ugnayan ng una at pangalawang persona ng Trinidad --- bilang magkakapantay sa katangian ng pagka-Diyos.
C. Kanyang Pakikitungo sa mga Kasama Niya at Kapatiran (1:2)
1. Inihahambing ni Pablo ang kanyang kalagayan bilang apostol sa kapatiran at mga kasamahan. Sa madaling salita, nangingibabaw siya sa ibang mananampalataya dahil sa awtoridad na magturo at mangaral na kinasihan ng Diyos.
2. Ang mga apostol ay tagapagsalita ng Diyos para sa iglesya at hindi bilang tagapagsalita ng iglesya.
3. Dahil ang mga aral ng mga apostol ay mula mismo sa Diyos --- pantay na kinasihan ang salita ni Jesus at ng mga apostol (2 Tim. 3:16).
4. Sa mga iglesya sa Galacia, may karapatan siyang mangaral dito dahil siya ang nagtindig nito.
II. Mensahe ni Pablo (1:3-4)
A. Pinagmulan at Bunga ng Kaligtasan
1. Kagandahang-loob
a. Ito ang bukal ng kaligtasan.
b. Sa kulturang Griyego sa panahon ni Pablo, ito ay pangkaraniwang pagbati sa tao.
1) Chara – kagalakan ang pakahulugan nito
2) Mas partikular na batian ng mga Cristiano ang “pagpapala at kapayapaan” dahil may natatanging kahulugan ito kay Pablo at sa marami pang mga kapatiran.
2. Kapayapaan
a. Ito ang bunga ng kaligtasan.
B. Ang Katangian ng Mabuting Balita: Pambayad-utang ng Kamatayan at Pagkabuhay na Muli ni Cristo (1:4a)
1. Ang puso ng mabuting balita ay ang kahandaan ni Cristo na maging sakripisyo sa ating kasalanan.
a. Hindi maaaring kitain ng anumang pagsusumikap na matanggal ang kasalanan, kundi sa pagtitiwala sa pangako ng Diyos na patatawarin ang ating kasalanan sa pamamagitan ng gawain ni Jesu-Cristo.
b. Ayon Roma 3:20, hindi kayang mabayaran ng mabuting gawa ang kasalanan, ito’y maaari lamang patawarin.
2. Kung di namatay si Cristo kapalit natin, di rin Siya maaaring buhayin kapalit natin; at kung Siya’y hindi nabuhay na muli, sabi ni Pablo, mawawalan ng saysay ang pangangaral ng mabuting balita, at ang pagtitiwala rito ay walang kabuluhan, at ang lahat ng tao mananatili sa kasalanan (1 Cor. 15:14-17).
3. Ang pangungusap na “inialay ni Jesu-Cristo ang Kanyang buhay dahil sa ating kasalanan” ay nagpapatunay ng layunin ng Kanyang pagparito bilang pang-alay sa kasalanan (Gal. 3:13).
C. Layunin ng Mabuting Balita: Upang Mahango Tayo sa Kasamaang Naghahari Ngayon (1:4b)
1. Ang kamatayan ni Cristo ay isang pagsasagip sa atin, ang natatanging paraan upang maligtas ang tao sa nakasumpang daigdig.
a. pagsasagip (rescue) – mahango, masagip, maligtas.
2. Saan tayo hahanguin o ililigtas? Mula sa kasamaang naghahari ngayon sa sanlibutan.
a. Ngayong panahon (age) – isang panahong lumilipas na.
b. Panahon ng paghahari ng kasamaan – mula sa pagbagsak ni Adan hanggang sa muling pagbabalik ng ating Panginoon.
3. Nasa sanlibutan pa ang mga mananampalataya, ngunit hindi na mga taga-rito (Juan 17:11, 14-18; 1 Juan 5:5).
D. Pinanggalingan ng Mabuting Balita: Kalooban ng Diyos (1:4c)
1. Plano at kalooban ng Diyos ang mabuting balita (Juan 3:16)
2. Nanalangin si Jesus na ilayo sa harap Niya ang saro ng paghihirap at kamatayan sa krus (Lukas 22:42).
a. Hindi kalooban ng Diyos na ilayo ang saro sa kanya dahil kung hindi Siya mamamatay, walang pag-asa ang sanlibutan na maligtas.
b. Isinugo ng Ama ang Anak upang mamatay, at kusang-loob naming inialay ng Anak ang Kanyang buhay.
3. Kaya may naliligtas, dahil ito’y kalooban ng Diyos (Juan 1:12-13)
III. Hangarin ni Pablo (1:5)
A. Maparangalan ang Diyos
1. Papuri at parangal ang nararapat sa Diyos na nagliligtas!
2. Iyan ang pinamakataas na hangarin ni Pablo, mapuri ang Diyos at tinatawag niya ang lahat ng Crisriano na gawin nila ang lahat ng bagay upang maparangalan ang Diyos (1 Cor. 10:31).
B. Nagsimula at Nagtatapos sa Diyos ang Pagliligtas ng Diyos
1. Mula sa mga t. 1-5, may apat na baitang ng kaligtasan ng tao ---
a. ang nakapangyayaring panukala ng Diyos na magligtas;
b. ang kamatayan ni Cristo para sa kasalanan ng tao;
c. pagpili ng mga Apostol upang maging patotoo sa kaloob na ito ng Diyos;
d. nagkaloob ang Diyos ng pagpapala at kapayapaan sa mga mananampalataya ni Jesu-Cristo.
· Sa bawat baitang, nagkatulungan ang Ama at Anak sapagkat iisa ang Kanilang kaloban at gawain (Juan 5:30; 6:38; 10:30).
2. Sina Pablo at ang mga apostol ay tinawag at sinugo ng Diyos Ama at Anak, at ang pagpapala (grace) na naghahatid ng kaligtasan at ang kapayapaang naidudulot ng kaligtasan ay magkasamang nagmula sa Ama at Anak.
C. Amen: Pagsang-ayon
1. Sa katagang ito inihahayag ni Pablo ang ganap na pagsusog sa nararapat na parangal at papuri na tatanggapin ng Diyos --- bakit?
2. Dahil sa kamangha-manghang pagkakaloob Niya ng walang-hanggan at mabiyayang kaligtasan!
Pagtatapos
- Ang mga tagapangaral (na tulad ni Apostol Pablo) ng mabuting balita ay mga instrumento ng Diyos upang maiparating Niya ang mabuting balita sa lahat ng maliligtas ay tinakda Niyang tawagin, pagkalooban ng kapangyarihan, nagdusa at nagtiis sa paglilingkod upang mahayag ang karangalan ng Diyos.
- Pararangalan mo rin ba ang Diyos sa kaligtasang tatamasahin mo sa oras na ikaw ay magtitiwala kay Cristo Jesus bilang iyong Panginoon at Tagapagligtas?
Ipinangaral ni Pastor Larry John Sy
(Hinalaw mula sa Komentaryo ni Dr. John MacArthur, Jr.)
©2010 The Expositor.Org. All rights reserved. Since September 1999.